CHAPTER 21

1303 Words
GILMARIE POV "Sabi nga pala ni tita Amelia ay ayusin natin ang tubig," ani Kamisha habang naghuhugas ito ng pinagkainan namin. Si Alvarez naman ay abala sa pagpupunas ng mesa habang ako ay pinaupo lang nila sa isa sa mga upuang naroon sa kusina at sinabihang huwag ng kumilos pa. Based on my observation, komportableng-komportable na sila sa isa't isa. Pakiramdam ko tuloy ay nagtithird wheel ako sa dalawang magjowa.  "Sasama ka ba, ma'am?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagtatanong ni Alvarez at alam ko namang para sa akin iyon dahil sa ma'am na ginamit niya. Nag-isip pa ako sandali kung may iba ba akong gagawin ngunit wala akong maisip.  "Okay lang," simpleng sagot ko.  "Medyo mahirap ang daan papunta sa inaayusan namin ng tubig pero may parte ro'n na maganda ang view," sabi naman ni Kamisha sa akin. "Hayaan mo't ipapakita ko sa 'yo mamaya."  Nginitian ko siya pabalik nang ngitian niya ako bago muling nagpatuloy sa ginagawa niya. Kung titignan ay hindi talaga pangprobinsya ang itsura na mayroon si Kamisha. Kung tutuusin ay pwede ko siyang ilebel sa mga model na kilala ko sa Manila. Mas maganda pa nga rin siya kay Heather pero kung ako na ang sukatan, mas lamang lang ako ng isang paligo.  "Pasok na muna ako sa kwarto ko," paalam ko sa kanila at saka tumayo na sa kinauupuan ko. "Sabihan n'yo na lang ako kung paalis na," dagdag ko.  "Huwag mong kalilimutang magsuot ng kahit na anong mahabang pants at long sleeves, ma'am," paalala naman ni Alvarez. Simpleng tango na lang naman ang ibinigay ko sa kaniya at saka tumuloy na ako sa kwarto ko.  Ibinagsak ko sa higaan ang katawan ko at napangiwi ako sa sakit ng likod ko pagkatapos no'n. Nakalimot na naman ako na hindi na nga pala sinlambot ng kama ko sa Manila ang isang 'to. Hanggang sa makaalis kami para maglinis ng tubig ay iniinda ko pa rin ang sakit ng likod ko. Right there and then ay gusto kong batukan ang sarili ko dahil nakalimot ako. Napapatingin sa akin si Kamisha tapos ay ngingiti, siguro't nagtataka na rin ito sa kung bakit kanina pa ako kapa nang kapa sa likuran ko. Wala naman akong ibang magawa kundi ang ngitian siya pabalik. Mukha kasing ipinaglihi sa ngiti ang lahat ng tao rito, para tuloy silang walang problema sa buhay.  I am glad na mahaba rin ang ipinasuot sa akin ni Alvarez lalo pa't masyadong matataas ang d**o sa dinaraanan namin ngayon. Hindi ko alam kung ito na ang worst trail na dadaanan namin but I am hoping na ito na nga. Masyadong makati sa balat kapag may mga hibla ng mga damong 'yon ang tumutusok sa balat ko. Siguro'y dahil na rin sa nipis ng damit na suot ko kaya may nakakalusot pa rin sa mga damot. Hindi ko naman napigilan ang magkamot. Pakiramdam ko rin ay namumula na ang balat ko dahil medyo ramdam ko na ang pag-init ng mga parteng kinakamot ko.  I uttered series of thank yous when we reached a point na wala ng mga damot. There was this mini stream naman na dadaanan namin. Inikot ko ang mata ko sa lugar at hindi ko inexpect na makakakita ako ng ganito rito sa Amargo lalo pa at may dagat na malapit. It's as if pinagpala ang lugar na 'to sa mga anyong tubig but I must admit, ang refreshing makakita ng mga ganito. I cant even remember kung may punto na ba sa buhay ko na nakakita ako ng ganito dahil kung hindi ako nagkakamali ay panay sa pictures ko lang nakikita ang mga ganito.  "Suba ang tawag dito sa amin sa mga ganito," sabi sa akin ni Kamisha. "Alam ko walang ganito sa Manila," dagdag niya pa bago nilublob na ang paa niya sa suba na sinasabi niya at saka ako nilingon ulit. "Medyo madulas kaya mag-iingat ka, ha?"  "Tara, ma'am," ani naman ni Alvarez bigla at saka lumapit sa gawi ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay nang iabot niya ang kamay niya sa akin.  "Anong gagawin ko riyan?" mataray na tanong ko rito.  "I guess, hawakan?" aniya na parang hindi pa sigurado bakit kailangan niyang sagutin ang gano'ng tanong ko. Napaismid naman ako at mas napasimangot pa. To my surprise, he laughed. "Humawak na lang po kayo, ma'am, dahil hindi malabo na tangayin kayo ng agos."  "Are you telling me na gano'n ako kapayat?!" I exclaimed. "How dare you, Alvarez."  He smirked. "Payat ka naman talaga," aniya sa sobrnag kaswal na paraan.  I scoffed as my jaw dropped. "Parang last time lang ay may nagrereklamo dahil mabigat ako tapos ngayon, sasabihin mo na ang payat ko?"  He smiled once again at saka kinapitan na ang palapulsuhan ko. "Basta aalalayan kita," aniya. Napairap ako ngunit wala na rin akong nagawa pa lalo pa nang mag-umpisa na siyang kumilos kaya kailangan ko ring gumalaw. Isa pa, hapon na rin at ayoko namang maabutan kami ng dilim sa ganitong lugar. Alam ko naman na kabisado na nila 'to at kung magagabihan man kami ay alam nila ang daan pauwi but still, I doubt na may ilaw sa ganitong lugar. For sure ay sobrang dilim ng dadaanan namin and I hate dark places.  Nang makatawid na kami ng suba ay agad din akong binitawan ni Alvarez. "Close na rin talaga kayo ni Al-Al, ano?" tanong sa akin ni Kamisha out of nowhere.  "Me and Alvarez?" I asked again and she nodded. "We're not close. I hate him." "Kunwari na lang wala akong naririnig," ani Alvarez na nakatalikod sa amin. Napairap naman akong muli. Hindi na ako magtataka kung after 5 years, sira na ang eye balls ko dahil sa taong 'to.  "Kung sabagay, hindi naman mahirap pakisamahan si Al-Al kaya madali siyang makakaclose ng kahit na sino," sabi pa ulit ni Kamisha.  I groaned. "Not me. Hindi nagtutugma ang mga nakasanayan niya sa nakasanayan ko. Ni hindi nga kami nag-uusap niyan liban na lang kapag kailangan niya akong bwisitin."  "Naku, malakas ngang mang-asar 'yang isang 'yan lalo pa noong..."  Hindi ko na naman napigilan ang pagkikwento ni Kamisha sa akin ng tungkol sa kanila ni Alvarez. Nakikigatong din naman ang isa at muli ay para na naman akong third wheel sa kanila. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari , nagpaiwan na lang sana ako at nagpasama na lang kay Ariella. Nauna na ako sa kanilang dalawa dahil abala pa sila sa pagtatawanan but unfortunately, sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansing medyo madulas na ang lupang tinatapakan ko. Napatili ako at saka napapikit nang maramdaman kong tutumba ang katawan ko but then, I felt someone's arms na nakabalot sa katawan ko. I opened my eyes at bumungad sa akin ang mukha ni Alvarez. Dali-dali naman akong napaayos ng tayo.  "Thanks," I muttered habang hindi nakatingin sa kaniya. To my surprise, hinawakan nitong muli ang palapulsuhan ko. "Hindi mo 'ko kailangang hawakan."  "Kung maipapangako mong hindi ka mapapahamak kapag hindi kita hawak, then sure. Bibitawan kita," aniya sa akin. Tinignan ko siya sa mga mata niya gaya ng kung paano siya diretsong nakatingin sa akin then I sighed in defeat dahil mukhang ayaw talaga nitong makinig sa akin.  "Fine. Do whatever you want," pagtataray ko at saka muli ay nag-iwas ng tingin.  We continued our journey in silence at kahit na nag-aayos na sila ng tubig ni Kamisha ay hindi nito binitawan ang kamay ko, lalo pa nang pababa na kaming muli at pabalik na sa bahay nina Alvarez. Hindi ko naman napigilang mapatingin sa parte ng pulso ko na hawak-hawak niya at sa hindi malamang dahilan ay napasimple ako ng ngiti habang nakatingin doon. Hindi isang ngiti na nagsasabing masaya ako sa nangyayari kundi isang malungkot na ngiti dahil sa mapait kong nakaraan. If you were there, will you save me, too? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD