GILMARIE POV
Pagkagising ko kinabukasan, panibagong ingay na naman agad ang nabungaran ko. Nang sumilip ako sa labas ay parang natataranta sila sa pagkilos for unknown reason. Isinara ko na lang muna ang bintana na naroon at nag-ayos na muna ng sarili. Medyo mainit na ngayon dahil natanghalian ako ng gising. Wala naman akong hinahabol na oras kaya okay lang.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay agad din akong lumabas para tignan sila. Doon ay nakita ko na naman si Kamisha na abala rin sa kusina, tinutulungan naman siya ni Alvarez sa pagsasala ng noodles na hindi ko alam kung para sa anong luto nila gagamitin.
"Magandang tanghali, ma'am," bati ni Alvarez sa akin. Tinanguan ko lang siya at saka naupo sa may upuang naroon sa mesa at tinignan isa-isa ang mga nakalagay na kung ano-anong ingredients na naroon.
"Anong mayroon? Birthday?" I asked.
"Hindi," si Kamisha ang sumagot. Nang tignan ko ito ay nakangiti na naman siya sa akin. "May tradisyon kasi kami rito na naghahanda kami nang marami. Kaming buong isla tapos kakain kaming lahat nang sabay-sabay. For sure maeenjoy mo rin 'yon mamaya," aniya pa.
I showed her a subtle smile. "Ayos lang naman sa akin kahit kayo na lang. Dito na lang ako kakain sa loob ng bahay," sabi ko.
"Hindi pwede, ma'am," ani Alvarez. "Isipin n'yo na lang pa-welcome party namin sa inyo 'to."
"I don't need any welcome party, Alvarez," sabi ko. "Isa pa, mas nakakailang kumain kung maraming tao."
"Huwag ka mag-alala, naroon kami ni Al-Al mamaya kaya kung pakiramdam mo ay naiilang ka na sa presensya ng iba, sabihan mo lang siya o ako," saad naman ni Kamisha. Gustuhin ko mang humindi, her words were comforting. Hindi ko alam kung anong mayroon kay Kamisha pero ang gaan ng loob ko sa kaniya and that gaan ng loob is creating a type of fear inside me. Ayokong maging komportable sa ibang tao. Ayokong masanay ulit sa presensya ng iba tapos sa dulo ay maiiwan lang din akong mag-isa. I've had enough of that scenario, I think it is time to give myself a break.
"Sige," sa huli'y pagpayag ko. Ayoko na ring makipagtalo pa dahil dalawa sila at alam kong si Alvarez pa lang ay hindi na talaga ako patatahimikin.
I tried my best to help them even in simple ways na kaya ko. Napag-alaman ko kasi na spaghetti pala ang lulutuin nilang dalawa and somehow, I know how to minced onion and garlic and also, to cut hotdogs na para sa spaghetti. Sa kakaorder ko sa jollibee, alam kong dapat ay pinong-pino ang spices while the hotdog will be cut in somehow thin diagonal sizes.
Maya-maya naman ay umalingawngaw sa bahay ang boses ni Ariella. Nang lingunin ko siya ay may dala siyang kung ano sa plato na hawak niya.
"Wow! Kasoy! Hindi ko alam na tigbunga na?" ani Kamisha at saka nilapitan si Ariella at dumampot sa kung anong prutas na nakalagay sa plato. I know about cashew but cashew nuts lang alam ko. Hindi ko naman alam na may iba pang nakakain sa kasoy bukod sa buto nito...if that's even the right term to call it.
"Marami na sa kapitbahay namin, ate. Hindi mo lang siguro napansin," ani Ariella.
"Nagpaalam ka naman ba bago ka pumitas?" tanong bigla ni Alvarez sa kapatid.
"Kailangan pa ba no'n? 'Yong sinungkit ko naman ay iyong umaabot na sa bakod natin," pagdadahilan nito. "Hindi ba considered na rin na atin 'yon kasi pasok na sa property line natin, eh."
"Pasaway ka!" ani Kamisha at saka natawa. "Considered lang na inyo na 'yon kapag nahulog na sa mismong property line ninyo," ani nito and I agreed in silence. Hinayaan ko na lang sila na magtalo pa at nagpatuloy na lang ako sa paghihiwa ng hotdog. Hindi sila pantay-pantay but who cares about that anyway? Pare-pareho lang din naman na tutunawin nila sa tiyan nila.
"Ate Clement, try mo 'to," ani Ariella at saka nilapag sa malapit sa akin ang platong hawak niya. Doon ko lang napansin na maliban sa kulay dilaw ay may kulay na parang red orange rin.
"Hindi ako pamilyar diyan, eh," sabi ko habang nakatingin pa rin roon. Mukha naman siyang masarap pero medyo taken aback ako dahil baka mamaya allergic pala ako rito or whatsoever. O hindi naman kaya ay hindi kayanin ng tiyan ko na tunawin.
"Kahit isa lang ate," pagpupumilit nito sa akin. "Pinitas ko talaga 'yan kasi gusto kong ipatikim sa 'yo. Nabanggit kasi ni kuya na wala sa inyo 'yan sa Manila."
Tumango ako. "Wala nga."
"Kaya tikman mo na, ate, please..." aniya at saka nagpuppy eyes pa sa akin.
I sighed at saka dumampot ng isa. "Okay, pero isa lang."
Napa-yehey naman siya na parang isa siyang bata. Kahit papaano ay napangiti ako dahil sa cuteness nito. She guided me on what I should do bago ko iyon kainin. Sinabi niya sa aking dapat ko munang isawsaw sa asin 'yon tapos ay kainin na. I did what she told me kahit kabado ako sa mismong pagsubo no'n. When a part of it touches my lips, nalasahan ko kaagad ang kakaibang lasa no'n.
Naweirduhan naman ako sa tingin nilang tatlo dahil parang inaabangan nila kung magugustuhan ko ba 'yon o hindi. Nang maibuo ko na sa bibig ko ang hating iyon ng kasoy ay roon ko lang narealize na malambot lang pala kainin ang laman no'n and the salt made it a lot better dahil masyadong matamis ang prutas na 'yon para sa akin.
"Ano, ate?" Ariella asked. "Masarap, 'di ba?"
Slowly, I nodded as a subtle smile formed on my lips. "Nagustuhan ko."
Muli ay napa-yehey na naman ito kaya natawa ako nang bahagya. Her cuteness is something. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganito dahil noong mga nakaraang araw ay panay reklamo ang naririnig ko sa kaniya about sa buhay nila.
"Pwede pang makahingi ng isa?" I asked, almost whispering.
This time, Ariella's smile widened. "Para sa 'yo naman talaga lahat ng 'yan, ate, kaya kain lang nang kain habang gusto mo po."
Napangiti naman ako sa tinuran niya and I thanked her.
"Mas bagay sa 'yo ang nakangiti, ate," sabi pa niya out of nowhere. Napatingin naman ako kina Alvarez at nakatingin naman sila sa amin na parang nagtataka. To avoid the awkwardness, I decided to bring back my gazes in Ariella's direction.
"Thank you, Ariella," I sincerely said. That's the most sincere word I uttered ever since I stepped in to this island.
"Anytime, ate," she said then smiled. I smiled back at her.