CHAPTER 23

1670 Words
GILMARIE POV Pagdating ng alas diyes ay nag-ayos naman sina Alvarez ng mesa sa labas. Si Ariella naman ay bumalik na rin sa kanila kaya mag-isa na naman ako sa bahay dahil kailangan kong bantayan ang pagkaing niluto nila para sa salo-salo ngayong tanghalian. Mahirap na at baka kapag umalis din ako ay wala na kaming maiambag sa kainan mamaya.  Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong-hininga na ang nagawa ko habang wala sila. Wala akong ibang magawa dahil wala rin namang signal ang cellphone ko. Kung manunuod naman ako ng TV, kailangan ko pang dalhin sa mesa sa sala ang mga pagkain para mabantayan. I could do something like rito ako pepwesto sa boundary ng sala at kitchen but I am too lazy to do that. Nakakapagod sa eyeballs ang ilipat ito sa dalawang magkaibang lugar and so, I decided to stay where I am situated right now. Mabuti na lang din at kahit papaano ay nakaligo na ako at medyo maaliwalas na ang nararamdaman ko.  In a snapped, my unwanted thoughts clouded my mind. This is what I hate the most when I am alone. My demons are louder when I am with nobody but myself. I tried to get those unwanted thoughts out of my head but they were too loud for me to handle. What I also hate about having severe anxiety is that, I tend to get panic attacks a lot kapag mag-isa ako. Flashes of memory from my past filled my mind at wala akong ibang nagawa kundi ang pumikit at tiisin ang unti-unti na namang pagsakit ng sentido ko. The throbbing pain in my head and the loud thudding of my heart made it harder for me to focus on calming myself.  "Ma'am! Ma'am!" Napasinghap naman ako sa magkasunurang pagtawag ni Alvarez sa akin. My vision's still blurry ngunit sa tindig pa lang ay alam kong siya na 'yon, plus his voice na sanay na rin naman na akong naririnig sa gano'ng tono. "Okay ka lang ba?" he asked. My gazes meet his and as soon as our eyes met, I started hating the sincerity in his eyes.  "I am...fine," I said at saka inalis sa balikat ko ang pagkakahawak niya. As I said, I don't want to be attached sa kahit na sino sa kanila. After all, wala naman sa kanila ang siguradong hindi ako sasaktan o iiwan. All of the people I met, all of them made a promise to me...but wala ni isa sa kanila ang tumupad sa mga pangako nila. That's more than enough reason, kasama ng marami pang mapapapit na karanasan ko sa buhay, para ayawan ko ang ibang tao sa paligid ko.  "Ayos lang ba kayo rito?" Mas inayos ko ang pwesto ko nang marinig ko ang boses ni Kamisha. Lumapit ito sa may gawi ko at saka ako tinignan. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. "Namumula ang mata mo, Gilmarie. Ayos ka lang ba?" tanong niya pa sa akin.  "I am fine," sagot ko nang hindi pa rin nakatingin.  "Hay naku, inasar ka na naman ba nitong si Al-Al?" she asked kaya napatingin ako sa gawi niya. Nakita ko naman kung paanong tinaasan niya ng kilay si Alvarez ngunit kahit na gano'n ay hindi pa rin ito nagmukhang mataray o kung ano. "Ikaw naman, huwag mo naman pagtripan nang pagtripan si Gilmarie. Amo mo pa rin siya kahit papaano," ani pa nito na tila pinapagalitan ang kaibigan.  Napatingin ako sa gawi ni Alvarez at nakatingin din ito sa akin. Wala siyang sinasabi na kahit na ano, diretso lang itong nakatingin sa akin. Then, he smiled a bit. "Pasensya na po, ma'am, at inaasar ko pa kayo," aniya. "Gagawin ko po ang makakaya ko para hindi na kayo mainis. Promise—" I cut him off dahil alam kong hindi ko magugustuhan ang salitang 'yon.  "Forget about it," saad ko. Hindi ko alam kung anong naging dating no'n sa kaniya and I couldn't care more. All I know is that I don't want to hear that word again. "Please excuse me. Mag-aayos lang ako ng sarili ko."  Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at pumasok na ako sa kwarto ko at saka isinara agad ang pinto no'n. Right there and then, hindi ko na naman alam ang dapat kong maramdaman. Alvarez did nothing wrong yet he chose to stay silent about it. Ni hindi niya sinubukang depensahan ang sarili niya. I don't know why he didn't do it but somehow, I am kind of thankful for that dahil ayokong pag-usapan ang buhay ko nang naroon si Kamisha. I don't want to be rude to anyone but my life's my business, hindi na dapat maungkat pa sa iba 'yon. No one's worth sharing it. I am still hoping against hope to find a person na pwede kong pagsabihan ng lahat ng bigat sa buhay ko but for now, imposible pa iyon. My stay here's temporary, which means na hindi ako maaaring makakita ng taong pagbabahagian dito. Amargo can make me calm physically but not mentally and emotionally.  Nang magtawag na si Kamisha sa pinto ko ay agad na rin akong lumabas. Ayokong dahil sa akin ay maghintay pa ang maraming tao na alam kong nasa labas na at hindi ako nagkamali dahil paglabas nami ay naroon na ang lahat sa mahabang mesa na nasa tapat ng dagat. Maraming pagkain ang nakahanda at ang iilan doon ay mamahalin pang mga seafoods, na malamang dito sa kanila ay libre lang nilang nakukuha.  "Kumain ka nang marami, ha?" ani tita Amelia sa akin at saka ako nginitian. Siya kasi ang katabi ko sa mesa, samantalang si Ariella naman ang nasa kaliwa ko. Sina Kamisha at Alvarez naman ay nasa harapan ko, katabi nina kapitan na tatay pala ni Kamisha. Doon ko rin nakilala ang kapatid nito na si Kael, and if I am not mistaken ay narinig ko na rin mula kay tita Amelia ang pangalan nito.  "Magpakabusog ka lang, ma'am," ani sa akin ni Alvarez at saka inilapag sa harap ko ang lobster na linis na at kakainin na lang. Nagbalat din siya ng hipon at ibinigay iyon sa akin.  "You don't have to do that. Kaya kong gawin 'yan," sabi ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa gawi nina tita Amelia dahil ako ang nahihiya sa ginagawa ni Alvarez para sa akin. "Nakakahiya," pabulong kong saad. "Naku! Hayaan mo na si Alphrase namin at hindi 'yan matatahimik kapag hindi ka napagsilbihan," ani tito Aiden. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito. "Alam mo ba, noong huling uwi niyan dito ay —" "Pa, bawal mag-ingay sa hapag-kainan," pagsaway ni Alvarez skay tito Aiden at saka muling naglagay ng hipon sa harap ko. Napabuntong-hininga naman ako dahil doon. "Last na 'yan," aniya. Napatango naman ako nang bahagya. Nang mapunta kay Kamisha ang mga mata ko ay nakatingin lang ito sa akin.  "Are you okay?" I asked her.  Ngumiti naman ito sa akin. "O-Oo naman," aniya at saka nagsabi na sa lahat na sisimulan na namin ang pagdarasal.  Si Kamisha ang naglead ng dasal. After that, nagsipagkuha na kami ng pagkain—or should I say sila dahil si Alvarez ang naglagay ng pagkain sa harap ko. From there, I also saw how they were in order kahit pa sa dami ng kumakain sa mahabang mesa na naroon. I saw how they spend this time happily, how they were so happy with each other's company. I saw how they were so contented with their lives, how their love for each and everyone is overflowing. Sa mga simpleng gesture nila sa hapag-kainan, nakita ko agad ang mga bagay na 'yon, without them telling me. And I am loving it. Natatouch ako sa fact na kaya pang mag-exist ng mga ganitong bagay sa ganito ka-harsh na mundo. I grew up sa environment na ibang-iba rito and how I wish na ganitong buhay na lang din ang mayroon ako dahil alam ko, kung ganito ang nakalakihan ko, hindi ko mararamdaman na may kulang sa akin dahil maraming tao ang maaaring pumuna no'n. But my fate's not for me to decide.  Hindi rin ako pinabayaan ni Ariella at ni tita Amelia. Hindi ko tuloy napipigilan ang mapangiti dahil sa pag-aasikaso nila sa akin at dahil na rin sa masaya talaga kasama ang lahat ng naroon. Ang dami nilang baong biro at kwento. Maging si Alvarez ay nakikisabay sa kanila. Then, guilt somehow surfaced upon me. Ito ang buhay na ipinagpalita niya, makapagsilbi lang sa pamilya ko, sa akin. Hindi ko alam tuloy kung deserve ko pa ang serbisyo ng taong gaya niya.  "Ariella, diba sasali kayo ni kuya mo sa paligsahan sa kantahan?" tanong noong tatay ni Kamisha kay Ariella. Napatingin ako sa isa at tumango naman ito. "Opo, kap. Balak nga po namin ni kuya," sagot nito.  "Sigurado na ba tayo, 'tay, na open for all ang kantahan?" tanong noong Kael. "Baka kasi wala ng umattend ng piyesta kapag kumanta si Ariella."  Natawa naman ako nang bahagya dahil sa pang-aasar nito sa katabi ko na agad naman siyang inismiran at inirapan.  "Akala mo naman kung sinong maganda ang boses, eh, boses palaka naman!" pabulong na reklamo ni Ariella. Mas lalo tuloy akong natawa dahil doon.  "Clement, iha," pagtawag sa akin ni Kapitan kaya napatingin ako sa gawi niya. "Ikaw ba, ayaw mo bang sumali ng pageant sa piyesta? Paniguradong malakas ang laban ng Amargo sa ibang bayan kapag ikaw ang inilaban namin."  Narinig ko naman ang pag-oo ng nakararami but awkwardly, I smiled. "Hindi ko po kasi forte ang mga ganyang bagay kaya hihindi na po muna ako. Still, thank you po," saad ko.  "Kung magbabago ang isip mo, sabihan mo ako agad, ha?" ani pa nito sa akin.  Tumango ako kahit nag-aalangan. "I'll note that, kap."  Bumalik na ako sa pagkain ngunit hindi ko na nagawang ibalik ang sigla ko kanina. I felt sad that I did turned down their offer but I have deeper reason why. I am not yet ready to show them how scarred I am. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD