GILMARIE POV
Pagkatapos mananghalian ng lahat ay sabay-sabay rin maging ang paglilinis ng mga pinagkainan. At first, tita Amelia was hesitant to let me help sa paglilinis ng mga pinagkainan dahil bisita raw ako at hindi gawain ng bisita ang gano'n but I insisted. I wanted to learn things their way. I want to explore more sa kung paano ang pamumuhay nila rito because of what I saw earlier. Hindi ko nakikita sa Manila ang gano'n and somehow, it was new and yet it felt so heartwarming.
Maging sa paghuhugas ay panay pa rin ang tawanan ng lahat. Kina Alvarez na naganap ang paglilinis ng mga pinagkainan dahil sa bahay nila malapit ang nangyaring pananghalian. Ang iba naman ay sa labas na tumulong kina Kap sa pagbabalik ng mga mesang nagamit at maging ng mga upuan dahil sa barangay pa iyon dadalhin, sa pagkakarinig ko.
"Matanong ko lang. Single ka ba, iha?" tanong ng isang ale sa akin na kung hindi ako nagkakamali at kung tama ang pagkakaalala ko sa sinabi ni Ariella sa akin kanina ay ang kapitbahay na tinutukoy niya na pinitasan niya no'ng kasoy na pinakain niya sa akin.
Tumango ako. "Opo."
Nangunot naman ang noo nito. "Sa ganda mong 'yan, hindi ako makapaniwalang single ka, iha," aniya. "Panigurado namang marami ang pumuporma sa 'yo sa Manila, ano?"
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong nito. My father's well-known kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na dahil sa reputasyon ng pamilya ko ay walang naglalakas-loob na pumorma sa akin dahil natatakot sila sa pamilya namin, lalo na kay Daddy. Somehow, I liked it dahil alam kong hindi ko deserve ng isang duwag na lalaki. Kung hindi nito kayang lampasan si Daddy para sa akin, then he doesn't deserve me. About Paul, lumakas lang naman ang loob ng isang 'yon dahil magkakilala ang daddy naming dalawa. Isa pa, he caught me off guard sa isang sitwasyon na alam kong walang ibang paraan para matakasan ko. I don't want to use my family's power para lang sa gano'ng bagay.
"Hayaan mo na muna ang bata na makapagconcentrate sa ginagawa niya, Elma," ani tita Amelia at saka ako nginitian. "Pasasaan pa't alam naman natin na sa tamang oras ay may darating ding lalaki sa buhay nitong si Clement."
Kahit pa ayoko sa pagtawag ni tita Amelia sa akin ay hindi ko napigilang mangiti sa sinabi nito lalo pa nang ngitian din niya ako. Napalingon naman ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Alvarez na nagsasabi sa amin na may bagong delivery siya ulit na mga hugasin.
"Pasensya ka na at inuusisa ko ang buhay mo, iha," hinging paumanhin ni aling Elma sa akin. "Nagtataka lang din ako na kung single ka, eh, bakit hindi man lang kumilos itong si Al-Al para pormahan ka."
"Aling Elma naman!" pagkontra agad ni Alvarez. Hindi ko rin naman napigilan ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi nito. Napatingin ako kay Alvarez ngunit mabilis ko ring inalis sa kaniya ang mga mata ko nang makitang nakatingin din ito sa akin.
"Alvarez and I are just..." I looked at him again but it lasted only for few seconds, "I mean, it's impossible for the both of us po to develop some feelings towards each other. We know our limits po."
Alvarez chuckled at saka inakbayan pa si Aling Elma. "Ito talagang si aling Elma napakagaling gumawa ng issue," aniya at saka sinubukan pang guluhin ang buhok ng ale na pinalo naman ang kamay niya.
"Tigil-tigilan mo ako, Al-Al," sabi nito. "Noong nakaraang uwi mo lang ay nagkikwento ka pa tungkol kay—" for unknown reason, Alcarez covered her mouth. Natawa naman ang ilan sa mga kasamahan namin doon. I looked at Ariella but she just shrugged her shoulders na tila kagaya ko ay wala ring alam sa pinag-uusapan nila.
"Aling Elma, kapag nagkwento ka, hindi ka na talaga magkakalovelife kahit kailan," pananakot ni Alvarez. Napailing-iling naman ako roon at saka nagpatuloy na lang sa pagsasabon ng mga pinagkainan kasama ni Ariella.
"Napakapasmado ng bibig mong bata ka!" rinig kong pabirong asik naman ni aling Elma kay Alvarez at tumawa naman ang isa.
Halos mapaigtad naman ako at mapaupo sa kinalalagyan ko nang biglang lumitaw ang mukha ni Alvarez sa harap ko. "What the..." I muttered at saka siya palihim na sinamaan ng tingin. "What now?"
Lumawak ang ngiti niya. "Sabi mo nakaraan, gusto mong matuto ng pagdadala ng bangka diba?" tanong nito sa akin. Napangisi naman ako sa tanong niya.
"Yeah. Why? Will you teach me?" I asked.
Tumango siya. "Bakit naman hindi?" And my jaw dropped. Is he serious? Hindi niya man lang ba naisip na kapag natuto na ako ay pwede akong tumakas papuntang Manila?
"You must be kidding me—" he cut me off.
"Mukha ba akong nagbibiro?" he asked. I tried my best to examined his face but he looked away. Nang sundan ko ang tinitignan niya ay kina tita Amelia ito nakatingin. "Ma, gustong matuto ni ma'am Gilmarie ng pagdadala ng bangka."
Tita Amelia's face was filled with amusement upon hearing that. Maging ang ibang naroon na kasama namin ay halatang nagulat din. Maging si Ariella ay nabitawan ang basong sinasabunan niya na sana.
"Sigurado ka ba, Clement, iha?" tanong sa akin ni tita Amelia. "Baka mapaano ka at magalit ang Daddy mo."
Umiling ako. "Rest assured na anuman po ang mangyari, wala pong pananagutan si Alvarez sa akin."
"Kung ako talaga'y may anak lang na lalaki na pwede kay Clement, aba'y paliligawan ko na 'yan," komento naman ni Aling Elma na ikinatawa ng mga taong naroon, kasama ako. "Saan ka ba naman makakakita ng babaeng may gintong kutsara sa bibig na gustong matuto ng pamamangka, aber?"
"Sinabi mo pa," gatong naman no'ng mama ni Kamisha. "Kung si Kael ay kaedaran niya lang, naku, hindi rin ako magdadalawang isip na paligawan siya sa anak ko."
Hindi ko naman napigilan ang makaramdam ng hiya dahil sa mga sinasabi nila. Somehow, nakakapressure na hindi pa nila ako kilala pero nagugustuhan na nila nang ganito. I don't know if I am using the right term but I guess that's the only way to define it.
"Kapag may nanligaw kay ma'am Gilmarie, dadaan muna sa muscles ko," pagyayabang ni Alvarez at saka nagflex pa ng braso niya na may imaginary muscles—char! Mayroon naman but it wasn't that built kumpara sa mga taong laman ng gym. Ginulo naman ni tita Amelia ang buhok niya dahil sa kahanginan niya at saka sinabihan na ako na iwan na ang ginagawa at sumama na kay Alvarez. Binilinan din nito ang anak na ipasyal ako sa malapit na isla nang makapaglangoy-langoy rin ako roon. Gusto pa sanang sumama ni Ariella pero sinabihan ito ni tita Amelia na hayaan na muna ako at huwag na muna niyang kulitin.
I commanded Alvarez to wait for me dahil kailangan ko pang magpalit ng damit ko, gawa na pambahay nga ang suot ko. The idea of taking few dips sa dapat isn't that bad. Besides, sa pagdedescribe pa lang ni tita Amelia sa isla na pupuntahan namin, alam kong magugustuhan ko agad 'yon. Pinatungan ko na lang ng gucci shorts at simple gucci shirt ang black two-piece ko and I am off to go.