GILMARIE POV
Panay ang iwas ko sa mga talsik ng dagat na napupunta sa mukha ko habang si Alvarez naman ay parang damang-dama pa ang init na tumatama sa balat niya, maging ang mga talksik ng dagat na tumatama sa kaniya. Somehow, he looked surreal in that manner. Nasanay kasi ako na nakikita ko siyang nagmamaneho ng kotse so seeing him at this state, it's quite new to me but I am liking it. Not romantically but bumabagay kasi sa kaniya ang ganitong style ng buhay. Now I wonder why he chose to work for my family kesa sa buhay rito sa Amargo. For money? Marami namang pwedeng pagkakitaan dito. I am sure may mas malalim na rason.
Ilang sandali pa ay unti-unti nang humina ang tunog ng makina ng bangkang sinasakyan namin. Then it came to a stop. Rinig na rinig ko tuloy ang bawat paghampas ng maliliit na alon sa bangkang kinalalagyan namin. I am glad na kahit papaano ay hindi ako nasi-sea sick.
"Ready ka na ba, ma'am?" tanong sa akin ni Alvarez while he's on the verge of throwing the rusty anchor on the ocean. Muli na naman akong napaiwas nang tumalsik na naman ang tubig-dagat sa akin. I looked at him sharply pero tinawanan niya lang ako. I don't know what seems to be funny about my reactions at tawang-tawa siya kada tinitignan ko siya nang masama."Tara rito. Lapit ka sa akin," aniya.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at saka lumapit sa kinaroroonan niya. Amoy na amoy ko tuloy ang diesel na ginamit niya sa bangka.
"May apat na kontrol sa bangka: neutral, primera, tresera at sagad. Mostly sa tresera na natatapos ang kontrol kasi kapag sinagad mo pa, may tendency na bumigay ang makina mo kaya hindi ko 'yon inaadvice," aniya. Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya but I still have the urge to listen. "Para mas maintindihan mo, paaandarin ko ulit ang bangka tapos igaguide kita sa paghawak ng timon at kung paano gumagana bawat kontrol dito sa bangka."
Hindi na ako kumontra. Hinayaan ko siyang gawin ang sinabi niya. Napatakip naman ako ng tenga nang mapaandar niya na ang makina.
"Ang ingay," reklamo ko. "Masyadong masakit sa tenga."
Ngumiti sa akin si Alvarez. "Kailangan mong masanay, ma'am, kung gusto mong matuto talaga sa pagdadala nito," aniya at saka kinuha ang kamay ko at inilagay iyon sa kahoy na naroon sa gilid ko. I don't know what it's called but I know for sure na kailangan ko ito once na tumatakbo na kami because I saw Alvarez using this multiple times. "Huwag mo munang gagalawain, ha? Iaangat ko pa ang pamundo," dagdag niya at saka ako iniwan. In my other hand, I am holding a string. Takot na takot akong gumawa ng kahit na ano dahil baka umandar ang bangka at mapahamak kami ni Alvarez. Nagmamadali naman siyang lumapit sa akin nang maiangat niya na ang anchor.
"So, what now?" I asked.
Muli na naman siyang ngumiti. "Ang andar natin ngayon ay neutral. Ito rin ang ginawa ko kanina noong pahinto na tayo," pagpapaliwanag niya. Iaadjust ko 'to..." he said at saka kinalikot ang kung anong gawa sa rubber na naroon. Inikot niya iyon kaisang beses at doon ko naramdaman ang dahan-dahang pag-andar ng bangka.
"What the hell, Alvarez?! We're moving!" I exclaimed. "Damn you! Wala akong death wish!"
He chuckled. "Kalma. Primera lang 'yan. Isa pa, hindi tayo mapapahamak dito sa laot. Alam kong marunong kang lumangoy. Nasamahan kita dati sa swimming lesson mo," aniya at saka ngumiti. I tried to calm myself gaya ng sinabi niya. "Ngayon, ano ang purpose ng timon?"
"Timon?" I asked.
He pointed at what seems like a piece of bamboo I am holding. "Iyang hawak mo," aniya. "Timon ang tawag niyan. Ngayon ang purpose niyan ay para sa direksyon ng bangka. Kung pakanan ka, iatras mo ang hila. Kung pakaliwa naman, iabante mo ang kahoy na 'yan. Try it."
"Baka mamaya mapaano tayo," nag-aalangang saad ko.
Muli ay tinawanan naman ako ng loko. "Kalma. Nandito ako. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak ka," aniya.
I raised a brow on him at ngumisi naman ito. "Anong pinagsasasabi mo?"
"Anong iniisip mo?" balik na tanong niya sa akin. "Huwag kang mag-alala, ma'am, walang ibang meaning ang sinabi ko. Hindi kita type, remember?" He smirked once again kaya inismiran ko siya.
"Akala mo naman kung sinong gwapo," pabulong na asik ko. Sa sobrang inis ay hindi ko namalayan na nasagi ko ang kaninang pinipihit ni Alvarez at mukhang nasagad ko 'iyon dahil bumilis nang sobra ang takbo ng bangka.
"Ohmyghad!" I exclaimed at saka binitawan na ang mga hawak ko. Mabilis ding kumilos si Alvarez dahil nataranta na ako sa nangyari. The last thing I know, ayaw na umandar ng bangka and kinakalikot na ni Alvarez ang makina. Hindi ko naman siya magawang tignan kaya lumayo na ako at doon na lang naupo ulit sa upuan na nasa harap.
"Sandali na lang 'to, ma'am, maaayos na rin po ito," sabi nito ulit sa akin. Kanina niya pa 'yan sinasabi and I don't know what's the purpose of him telling me that dahil wala rin naman akong alam sa ginagawa niya. All I know is that nahahaponan na kami rito sa laot. I took my phone out and saw that it's already 3:30 pm.
"I'll take a dip na muna, Alvarez," paalam ko rito. Napasilip tuloy siya mula sa kinalalagyan niya.
"Sure? Kaya mo ba?" he asked.
I raised a brow. "I took swimming lesson. Of course, kaya kong lumangoy," sagot ko sa kaniya.
"Magkaiba kasi ang bigat sa katawan ng tubig sa pool kesa sa tubig sa dagat," aniya."Pero kung kamo, eh, kaya mo naman, go lang, ma'am. Bibilisan ko na lang din sa pag-aayos nito para makauwi na tayo."
Tinanguan ko na lang siya at saka ako pumunta roon sa side na may hagdan. The water's in crystal green kaya kitang-kita ko ang mga corals sa ilalim, maging ang mga isda na palangoy-langoy roon. Hindi ko na rin tinanggal at tshirt at short ko dahil wala naman akong balak na tanggalin 'yon gawa ng...nevermind.
When my body landed on the water, it felt so good. Sakto lang ang warm ng dagat and I am enjoying it pero tama nga si Alvarez. Iba ang bigat ng tubig sa pool kesa sa tubig sa dagat but I can manage. Lumangoy ako pailalim and the fishes swam with me. Ilang beses ko ring inulit ang ginagawa kong 'yon because I am actually enjoying it, kahit pa masakit sa mata ang pagmulat sa ilalim ng dagat, it's worth it.
I took another dip underwater at mas matagal iyon kesa sa mga nauna. But then, I was bothered by a splash of water near from me kaya medyo nataranta ako dahil doon. The last thing I know, I am holding someone's bare arms and I am coughing.
"Ayos ka lang ba?" Alvarez asked me. I glared at him habang kiniclear ko ang tubig na pumasok sa lalamunan ko.
"You...what do you think you're doing?! Bakit bigla kang tumalon?!" I asked him, a little bit irritated. Kung mas nataranta ako sa ginawa niya ay baka nalunod pa ako.
"Natakot ako kasi hindi kita nakita mula sa taas," aniya. I looked up and saw that we're situated under the part of the boat na mayroon pang tapakan kaya malamang ay natakpan ako no'n no'ng pagsilip niya. I looked at him once again at saka nangisi.
"Natakot ka, ha?" I smirked. "Paniguradong mayayari ka ni Daddy kapag may nangyari sa akin."
Bigla namang mas sumeryoso ang mukha nito. "Hindi naman dahil sa Daddy mo kaya ayokong may mangyari sa 'yo," aniya at saka ako binitawan at umakyat na ulit sa hagdan. I rolled my eyes at him at saka ako sumunod sa kaniya sa pag-akyat. Tinapunan niya pa ako ng isang tuwalya na hindi ko alam na dala niya at tinaasan ko siya ng kilay nang tumama 'yon sa mukha ko.
"Ano bang problema mo?" tanong ko sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, dahil request ko naman 'to, anumang mangyayari sa akin ay hindi mo kasalanan."
Muli ay bumalik na naman sa akin ang seryosong tingin niya. "Wala akong pake kahit ano pang mangyari sa akin, as long as you're safe," aniya.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang 'yon. I know, walang meaning ang kung anumang lumalabas sa bibig niya but that...that sounded so sweet and my heart suddenly skipped a beat because of it. Umayos na lang ako ng pagkakaupo at tahimik na pinunasan ang sarili. Pinaandar niya na rin ang bangka at kung ano ang ingay na bumabalot sa amin kanina ay bigla 'yong nawala. We went home in full silence. Ariella asked me, the moment Alvarez and I went down the boat, kung kamusta ang pagligo ko sa dagat at ang pag-aaral ko sa pagkontrol ng bangka pero hindi ko magawang ifocus sa kaniya ang atensyon ko. Hindi ko mapigilang tignan si Alvarez na nag-aayos pa ng pagkakatali ng bangka and when his eyes met mine, I looked away as my heart skipped another beat.