GILMARIE POV “Kailan magsisimula ang trabaho ko?” tanong agad sa akin nito nang makaupo na siya sa harapan ko. Napatingin naman ako sa gawi ni Clarisse at napaamang ang bibig nito sa inasta ng lalaki. Muli akong tumingin sa kaharap ko at saka siya binigyan ng isang matalim na tingin ngunit wala man lang nagbago sa pagmumukha niya kahit konti. “Hello to you too,” I sarcastically said. “Bago ka magsimula ng pagtatrabaho sa akin, kindly fix that attitude of yours. Kanina no’ng nagkabanggaan tayo, hindi ka man lang nagsorry sa akin.” “Sa inyo na rin po nanggaling mismo, nagkabanggaan tayo. Hindi rin naman po kayo nagsorry sa akin,” aniya sa pinakakaswal na paraan na nagpaamang din sa bibig ko. Sa lahat ng ininterview kong papasok sa kompanya ko, siya lang ang may ganitong lakas ng loob. K

