CHAPTER 12

1160 Words
GILMARIE POV "How many times do I have to tell you na huwag kang aalis nang hindi kasama ang bodyguard mo?!" sigaw sa akin ni Daddy. Nanatili naman akong tahimik habang nakaiwas ng tingin sa kaniya. Daddy's here with Heather and tita Aurora. Hindi si Alphrase ang nagparating ng balita sa kanila kundi ang media. Hindi ko alam kung paanong kumalat ang nangyari but who am I kidding? Parking lot iyon at paniguradong hindi lang kami ang naroon noong mga oras na 'yon.  Inamin ko na rin kay Daddy ang ginawa kong pagtakas kay Alphrase dahil binubuntunan niya na ng galit ang isa kahit na wala namang ginawa si Alvarez. He saved me, Daddy must be thankful. Kaya kahit ang aga-aga pa at ayoko pa talaga ng ingay ay wala akong nagawa kundi umamin.  "Hindi na po mauulit," pabulong na tugon ko.  "Alphrase is here, hija, let him do his job," ani tita Aurora. Hindi naman ako sumagot. "Paano na lang kung nahuli si Alphrase ng dating? Walang magliligtas sa 'yo roon."  "Kahit si Zuriel ay dinadamay mo pa sa kung anong pinaggagagawa mo!" asik ni Daddy. Pilit naman siyang pinakakalma ni tita ngunit parang wala itong naririnig. Mas pinili ko na lang din na manahimik kea depensahan ang sarili ko. Alam ko, masyado na silang clouded ng naiisip nila tungkol sa nangyari at kung magpapaliwanag ako ngayon ay wala rin namang magandang kalalabasan. Baka mas lalo lang lumala ang lahat. Isa pa, alam kong may pinagdaraanan din si Zuriel. The least thing I can do for now bilang kailangan niya ay ang dagdagan pa ang bigat ng dinadala niya.  "Kung hindi ka pa rin magtitino at hindi mo hahayaan si Alphrase na magtrabaho para sa 'yo, I am telling you, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," ani Daddy at saka umalis na ng bahay ko. Humingi naman ng pasensya si tita Aurora bago sumunod kay Daddy. Napatingin ako sa direksyon ni Heather nang tumawa ito.  "Ang fun to watch pala  kapag pinagagalitan ka 'no ate?" ani nito na tila nang-aasar. "Ang saya mapunta sa limelight 'no? Sikat kasi ang binoyfriend mo kaya ayan ang napapala mo." Ngumisi ako kaya nawala ang ngiti sa labi niya. "Kung may kinatatakutan man ako, hindi ang taong duwag at naghire pa mismo ng mga magtatangka sa buhay ko. Kung sino man siya, napakaduwag niya dahil hindi niya ako kayang harapin nang kami lang dalawa."  "You're unbelievable!" she exclaimed. "If I know, pinipilit mo lang na magmukhang malakas pero deep inside, takot na takot ka rin naman!"  "Takot? Ako?" I chuckled. "Patawa ka." I rolled my eyes at saka siya muling nginisian. "Kung hindi mo mamasamain, umalis ka na sa bahay ko—" she cut me off.  "Tingin mo gusto ko rin na nandito ako? Duh!" pag-iinarte nito at saka nagmartsa palabas ng bahay ko. Napabuntong-hininga na lang naman na ako nang marinig ko na ang pag-andar ng kotse nina Daddy.  What happened today, saddens me. Ni hindi ko man lang narinig si Daddy na tinanong ako kung okay lang ako. Hindi niya man lang ako pinagpaliwanag. He believed what the media has fed him, something na tumatabla sa side ko.  Malungkot akong napangiti at saka napapikit dahil sa nagbabadya na namang luha ko. All I wanted was a simple thing, for him to ask me kung okay lang ako but he didn't. Alam ko naman na may kasalanan ako but a little bit of care would be of big help para kahit papaano ay kumalma ang mga naiisip ko.  "Ma'am," I heard Alvarez called. Mabilis ko namang inayos ang sarili ko at saka tumingin sa kaniya. "Wala kang kasalanan," aniya.  "Alam ko—" "Sa kahit na anong nangyari sa buhay ninyo, wala kang kasalanan," dagdag niya na siyang pumutol sa dapat ay sasabihin ko. "Sa akin, wala ng kaso ang ginawa n'yong pagtakas kasi nagsabi naman na kayo na hindi na mauulit." I hissed. "Malaki naman ang chance na ulitin ko ang ginawa ko—" He chuckled kaya natigilan ako sa pagsasalita. "Hindi ko na hahayaan na mawala kayo sa paningin ko. Takot ko lang na mapagalitan ulit ng Daddy ninyo."  Natawa ako sa huling sinabi niya bago ko siya inirapan. "Akalain mong natatakot ka rin kay Daddy," pagbibiro ko. "Akala ko kasi masyado kang siga na wala kang kinatatakutan, eh."  "Aba! Syempre, ma'am!" aniya. "Kapag pumalpak ako, bawas sahod 'yon."  "Nababawasan ba sahod mo every time na tumatakas ako?" Hindi ko napigilang itanong sa kaniya. "I was just curious. Para naman alam ko kung tatakas pa ba ako ulit o hindi na."  Tumawa siya at saka umismid. "Nabibilib talaga ako sa tigas ng loob mo," aniya. "Kahit ilang beses kang nagagalitan ni sir Hanwill, hindi ka pa rin nadadala."  I raised a brow on him at napakunot noo naman ito. "You do realize na you're talking to me in a very casual manner, right?"  Tumawa siya ulit at umakto pang nakahawak sa dibdib niya. "Akala ko naman kung ano," aniya. "Opo na, hindi ka na kakausapin ulit sa gano'ng paraan, boss ma'am."  I hissed at him. Nagpaalam naman ito na maghahanda raw ng makakain namin. Kung ano man ang lulutuin niya ay wala akong alam. Umakyat na rin muna ako sa kwaerto ko para maglinis ng katawan nang sakto namang tumunog ang cellphone ko. I smiled when Zuriel's name flashed on the screen. I immediately opened her message at agad naman akong nangiti sa simpleng mensahe nito. It says, "I'm sorry kagabi. Let me make it up to you tonight?"  Agad naman akong nagreply na sasama ako pero isasama ko rin si Alvarez dahil iyon ang bilin ni Daddy. Nagreply rin naman siya agad na ayos lang and that sagot niya na laat ng drinks at pagkain para mamaya. I told her naman na masaya ako at mukhang okay na siya. She ended our conversation with a simple smiley.  Pumasok na rin ako sa banyo at naglinis ng katawan. Nang makababa ako ulit ay nadatnan kong naghahanda na ng mesa si Alvarez. Nangunot naman ang noo ko nang magmadali siya sa pag-aayos na para bang may itinatago siya sa akin o ayaw niyang makita ko.  "What's happening?" I asked at saka dali-daling lumapit. Doon ko lang nakita ang nakaumbok na bulsa nito at may plastik ng Jollibee na nakasingit doon. Tinaasan ko siya ng kilay at napakamot naman ito sa batok niya. "Akala ko ba ikaw ang magluluto?" "Baka po kasi hindi mo po magustuhan ang luto ko," aniya. I hissed at saka naupo na sa mesang siya mismo ang naghanda. Sabay na rin kaming kumain at sinabihan ko na rin siya ng ganap para mamaya.  "Huwag na kaya tayong umalis, ma'am?" aniya. "Baka kasi maulit na naman ang nangyari kagabi—" I cut him off. "Sandali lang tayo, Alvarez. Besides, bar iyon. Walang crime na nangyayari sa lugar na maraming tao."  Sumeryoso naman ang ekspresyon nito. "Basta ba hindi mo na ako tatakasan. G?"  Ngumiti ako. "G." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD