CHAPTER 13

1099 Words
GILMARIE POV "Bakit ba naman kasi ang tagal mong mag-ayos? Kapag tayo nalate, ewan ko na lang talaga!" pagmamaktol ko kay Alvarez nang makasakay kami sa kotse. Dali-dali niya namang pinaandar ang sasakyan habang humihingi ng sorry sa akin. "Wala ka namang inayos sa sarili mo," puna ko.  Paano ba namang hindi ako maiinis? Mas matagal pa siyang nag-ayos kesa sa akin. Ako pa talaga ang pinaghintay niya. Nang makita ko naman siya paglabas niya ng kwarto niya, wala namang nagbago sa kaniya. Kahit anong tingin ko sa kaniya noong paglabas niya ay wala talaga. Gano'n pa rin naman ang pormahan niya. Para pa rin siyang watawat ng Pilipinas.  "Para lang naman maging presentable ako, ma'am," depensa niya sa sarili. "Alam ko namang high end na bar ang pupuntahan natin ngayon. Isa pa, malay n'yo naman may magkagusto sa akin sa bar, sayang naman." Sumama ang tingin ko sa kaniya at nginisian naman ako ng loko.  I hissed. "Masyadong mataas tiwala mo sa sarili mo," ani ko.  "Hindi na rin kasi ako bumabata, ma'am, tapos wala pa akong jowa," aniya. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito.  "Edi mag-umpisa ka nang magdasal nang magkaroon ka naman," asik ko.  "Nabusy na kasi ako sobra sa pagbabantay sa inyo kaya wala na akong oras lumabas-labas—" Pinagkrus ko ang mga braso ko at saka siya nilingon. "Anong pinahihiwatig mo?" saad ko na pumutol sa dapat ay sasabihin niya. Mas lumawak naman ang ngiti sa labi niya. Para siyang sira. "Kung namomroblema ka na sa oras na makakahanap ka ng magiging jowa mo, huwag ka mag-alala, bukas na bukas ay magsasabi ako kay Daddy—" this time, siya ang pumutol sa dapat ay sasabihin ko.  "Woah!" aniya. "Ang seryoso n'yo naman po, ma'am," dagdag niya at saka natawa. "Kayo po? Kumusta naman kayo ni labidabs Paul mo?" "What the hell, Alvarez?" pagtataray ko ngunit kalaunan ay natawa rin dahil sa bantot ng term na ginamit niya para kay Paul. I can't imagine myself calling him like that. Labidabs? Ew!  "Lakas n'yo naman maka-ew sa boyfriend n'yo," aniya. Napailing-iling na lang ako at saka tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi ko na siya sinagot pa dahil baka madulas ako na kaya ko ginawa 'yon ay para matapos na ang issue sa kaniya. Wala pa naman sa listahan ko ang maturingang bayani para kay Alvarez. Isa pa, hindi ko naman ginawa ang bagay na 'yon para ipangalandakan. Okay na ako na maayos na lahat ngayon. Speaking of Paul, hindi na nagpaparamdam ang kumag. But it's fine. Pabor naman sa akin ang bagay na 'yon, lalo pa kung may iba na 'tong nagugustuhan.  Nang makarating na kami sa bar kung saan namin napag-usapang magkikita ni Zuriel ay mabilis akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko na hinintay pa na mapagbuksan ako ni Alvarez dahil may sarili naman akong kamay para buksan ang pinto ng sasakyan ko. Agad ko naman siyang sinenyasan na sumunod sa akin ngunit papasok pa lang kami ay hinarang na agad siya ng guard sa labas.  "He's with me, let him in," I said at saka ipinakita ang VIP pass na mayroon ako para sa bar na 'yon. Humingi naman siya ng pasensya sa akin.  Nagtuloy-tuloy na kami sa pagpasok sa loob at medyo marami na ring tao ang naroon. Unlike sa ibang bar na napupuntahan namin, halatang puro anak mayayaman ang narito. Sa porma pa lang nila ay mahahalata mo na. Minata ko pa ang iilan sa mga kasalukuyang nakaupo sa may bar lounge, maging iyong mga sumasayaw sa dance floor bago ako tuluyang dumiretso sa lift na magdadala sa akin sa VIP area ng bar na ito. Agad ko namang nakita si Zuriel pagdating ko roon, wearing a gold satin dress with a plunging neckline at backless pa iyon. Nahiya naman ang simpleng channel na pormahan ko sa suot niya. Napatingin ako sa lalaking katabi niya at mabilis naman akong napaismid nang ngumisi ito.  "I didn't know he's joining us," ani ko kay Zuriel nang makipagbeso-beso ito.  "He insisted to join us kaya pinasama ko na rin," aniya. "Besides, we're all good right?" tanong pa nito sa akin. Tinanguan ko na lang siya. Iminuwestra sa amin ni Zuriel ang VIP room na ookupahan namin at agad naman kaming pumasok doon. Mula sa kinaroroonan namin ay tanaw na tanaw ko pa rin ang nagsasayawan sa baba and I am glad na hindi namin kailangang makipagsiksikan sa kanila. Also, we're having bottle service kaya mas masaya.  "The drink's on me kaya inom lang nang inom," ani Zuriel at saka ngumiti sa akin. Nginitian ko naman ito pabalik. Maya-maya pa ay dumating na ang mga pagkaing mukhang si Zuriel din ang umorder. Mukhang seryosong-seryoso ito nang sabihin niya sa akin na babawi siya.  "Thanks for being here, Gilmarie," ani Zuriel sa akin habang nagsasalin ng champagne sa mga flute glass na naroon at saka ito iniabot sa akin.  Inabot ko naman ang basong iyon at saka ngumiti sa kaniya. "It's no biggie, Z," I responded. "Besides, I noticed na ang down mo rin nitong nakaraan. I am glad that you're back at your old self. Mas bagay sa 'yo na masaya ka lang, hyper and full of energy."  Ngumiti naman ito sa akin. "You see, there are things na sadyang hindi natin makontrol," makahulugang litanya nito. Pinangunutan naman ako ng noo but she laughed. "Nevermind that one. I am quite sentimental these past few days. Pardon me." Tumawa na rin kami kasabay niya. Nagsimula naman na kaming kumain at mostly ay kami lang ni Zuriel ang nag-uusap. Naiintindihan ko naman kung bakit dahil may masamang impression sa isa't isa sina Alvarez at Paul. Well, ayoko namang masira ang gabing inihanda ni Zuriel for us kaya mas maigi na rin na manahimik na lang silang dalawa. We don't want another issue to surface lalo pa ngayon na nabalita rin pati ang nangyari sa akin.  "Paul, hindi mo man lang ba tatanungin si Gilmarie kung kumusta siya?" Zuriel asked. "Kung ako ang magkakaboyfriend, I'd love it kung tatanungin niya ako kung okay lang ako."  Paul laughed. "Of course, I'll ask my girl," aniya at saka tumingin sa gawi ko. "How are you, sweetie? Narinig ko ang nangyari sa 'yo."  "I'm fine, Paul," saad ko at saka nilingon si Alvarez na nakayuko lang habang paunti-unting sumisimsim sa baso niya. "Alvarez saved me."  I looked at Paul and he's gritting his teeth while a grin plastered on his face. Nakatingin din ito sa gawi ni Alvarez. "He's really your savior, huh?" Hindi ko naman malaman kung sasagutin ko ang tanong niyang iyon. "Good for him." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD