CHAPTER 14

1178 Words
GILMARIE POV Nang lumalim pa ang gabi pa ay parami na rin nang parami ang alak na nauubos namin. Hindi ko na rin malaman kung nakakailan na ako dahil sa halo-halong iniinom namin. Medyo ramdam ko na rin ng pagkahilo ko but it was nothing for me. Sanay naman na ako sa mga ganitong senaryo.  I looked at Alvarez's side t hinihilot-hilot na nito ang sentido niya.  "Are you okay?" I couldn't help but asked. Umiling naman siya nang mariin. "Don't worry, I'll drive pauwi," dagdag ko na tinanguan niya naman. Bumalik naman kina Zuriel ang tingin ko at masyado silang abala ni Paul sa pagkikwentuhan. Nang mukhang maramdaman nito ang mata ko na nakatingin sa akin ay malawak siyang ngumiti.  "Hindi na kaya ng bodyguard mo?" she asked. I simply nodded. "Too bad, then. Tayo na lang pala ang uubos ng natitirang alak dito sa table natin."  "I guess so," I mumbled then chuckled a bit. "Pwede naman din tayong magpahinga nang konti tapos saka tayo ulit iinom kapag medyo nawala na ang epekto ng mga una nating ininom."  "That's a good idea," singit naman ni Paul. "Ang nasa likod nitong bar ay isang five star hotel. Pwede ko tayong ibook doon para rin hindi na hassle pa sa pag-uwi," suhestiyon pa nito na mabilis namang sinang-ayunan ni Zuriel.  "I can drive us home," ani ko at saka inubos ang laman ng baso ko. "You can spend the rest of the night in there pero uuwi kami ni Alvarez."  "Come on, Gil. You're acting as if hindi ka sa Daddy mo nagtatrabaho," ani Zuriel. "I am sure, tito won't mind lalo pa kapag nalaman niya na magkasama naman tayo at isa pa, kasama mo rin bodyguard mo."  "CR lang ako," paalam ni Alvarez kaya naputol ang usapan namin. Lumingon naman ako sa gawi nito at nakita ko kung paanong napapailing na siya nang magawa niyang tumayo. Tinignan niya ako at doon lng mas rumehistro sa akin ang pamumula ng pisngi niya. "Dito ka lang. Babalikan kita."  Natawa naman ako nang bahagya sa sinabi niya. Mukhang lasing na nga talaga siya.  "As I was saying," muling bumalik sa gawi ni Zuriel ang tingin ko, "paalam ka na lang kay tito Hanwill, please."  She showed me her infamous puppy eyes at napairap naman ako. "Fine, fine, whatever," sagot ko at saka kinuha ang phone ko mula sa bag ko. Nagpaalam na rin muna ako sa kanila na lalabas lang ako sandali para tawagan si Daddy. Even if I am living on my own, things like these should be made known to him. Out of respect na lang din. I may have my own house now,  I may be 27 but ayoko na dagdagan pa ang kung ano mang issue mayroon si Daddy sa akin.  Hindi ko nabilang kung ilang minuto ko ring kausap si Daddy sa phone but I think the call didn't last that long. He's a busy man at sapat na na alam niya kung saan ako magistay pati na rin si Alvarez. At first, he was hesitant pero noong nalaman niya na kasama ko ang bodyguard ko, he immediately said yes. I guess, he trust Alvarez that much.  Pagkabalik ko sa VIP lounge ay wala pa rin doon si Alvarez.  "Mukhang hindi manginginom ang bodyguard mo," puna ni Zuriel at saka inabot sa akin ang isang drink na tingin ko ay watermelon flavor, maybe to somehow help us sober up. "Ang bilis niyang sumuko,eh, and I bet suka pa rin nang suka 'yon hanggang ngayon." Paul and her laughed.  Thinking about it, this is the first time na nakita ko siyang uminom. Kahit saang place na nagawi kami habang sa akin siya nagtatrabaho, ni hindi ko siya nakitang humawak ng alak o tumikim man lang. I don't know if bukal talaga sa loob niya ang pag-inom ngayon o ginawa niya lang 'yon para samahan ako and also, dahil na rin siguro nahihiya ito sa ginastos ni Zuriel for our food and drinks.  "Malakas ang loob na ipagtanggol ka, pero mahina naman pala sa inuman," tila may bahid ng pagmamayabang na ani ni Paul. Bahagya namang tumaas ang kilay ko sa gawi niya pero nginisian lang niya ako.  "I bet, ikaw naman ay malakas lang sa inuman pero hindi naman talaga kayang magtanggol ng tao kapag nalagay sa alanganin," ani ko at saka ngumisi rin sa gawi nito. "Sa action movie mo nga, kumuha ka pa ng proxy mo sa action scenes, hindi ba?"  "Ayaw lang akong mabangasan ng manager ko―" pinutol ko ang dapat ay sasabihin nito.  "Ayaw mabangasan o dahil hindi mo lang talaga kaya?" I smirked nang makitang naiinis na ito sa sinasabi ko. "That's two different things, Paul."  Kitang-kita ko kung paanong nagtiim bagang ito. Umawat naman sa amin si Zuriel at pinagsabihan pa ako. She's telling me that Paul's a guest at ayaw niya ng makakasira sa gabi niya so we should behave. Hindi ko naman na sila kinausap at lumabas na lang ako ng VIP lounge habang dala-dala ang fruit shake ko na medyo natutunaw na. Hinahagilap ng mata ko si Alvarez sa baba ngunit masyadong maraming tao at mahirap siyang makita kahit pa matangkad ito at siya lang naman ang may pormang pang-watawat panigurado.  "Where the hell are you?" pabulong kong tanong sa sarili ko at saka naisipan nang ubusin ang inumin na hawak ko. Inilapag ko naman sa table na naroon ang baso kong wala ng laman at saka nagdesisyon na bumaba at puntahan na lang sa banyo si Alvarez. Baka naman kasi mamaya ay nakatulog na ang kumag na 'yon doon.  When I reached the dance floor, some of the guys in there were hitting on me but I continuously said no. May iilan pa na sinusubukan akong hawakan but they couldn't do anything lalo pa nang itaas ko na ang middle finger ko sa gawi nila. Anak mayaman naman sila pero ang mamanyak. The hell?!  Napasinghap ako at saka mabilis na natigilan nang biglang kumirot ang sentido ko. Siguro'y ngayon na mas pumapalo ang tama ng alak sa akin. I kept on walking but things suddenly seemed to be moving in swirls. Slowly at first hanggang sa bumilis iyon at mapakapit na lang ako sa kung sino na nasa dance floor. May naramdaman akong kamay sa bewang ko but I tried my very best to pushed that person away from me. Nang pakiramdam ko ay maduduwal ako, mas humigpit naman ang kapit ko sa damit nito.  "Huwag kang mag-alala, akong bahala sa 'yo," naramdaman kong may bumulong sa tenga ko.  "No..." I gently called bilang pagtutol but my body felt so weak. Mas tumindi na rin ang hilong nararamdaman ko. I tried to move away pero hinapit ako ng taong iyon papalapit sa kaniya. Nakarinig din ako ng hiyawan sa paligid pero wala roon ang focus ko. Ang alam ko lang ay nahihilo ako. Zuriel...Alvarez... "I need..." I breathed. "You need what, baby?" that person whispered again. "Do you need me now?"  "I need to...breathe..."  ...was the last thing I uttered before I passed out. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD