1
China Pov:
Andito ako ngayon sa BGC nakita ko kasi ang ads na hiring ang Zobel magbabakasakali akong magapply sana naman this time makapasok na ako.Kailangan ko ng makapagtrabaho at mahigit isanglibo nalang ang pera ko.Di ko na alam san ako pupulutin after nito.
Pumikit ako at nagdasal ng tahimik.
"Lord pls naman gabayan nyo po ako sana matanggap na ako dito.Ma Pa pls ibulong nyo naman jan sa taas na matanggap ako.Malapit na kasi maubos ang pera ko.Kailangan kailangan ko po tong trabaho to..
Pagpasok ko sa bldg ng Zobel ang haba na ng pila ng aplikante..Lumapit nako sa babaeng nag assist.
"All applicant pakibigay na ang resume sa akin.After that maghintay nlang kayo tawagin for interview.
Pagkaabot ko ng resume ko umupo muna ko sa sulok.Nagmamasid masid lang ako sa paligid.Andami talaga walang trabaho.Sana lang talaga isa ako sa matanggap.
Inabot na ako ng lunchtime kaso di pa ako natatawag.Buti nlang may water dispenser sila kaya kumain nlang muna ako ng baon kong biscuit.Nagugutom na ako kaso di naman na ako makalabas at alam kong walang murang kainan dito.Kailangan kong tipidin ang hawak kong pera.After ko maubos ang kinakain ko nagpunta muna ko sa restroom para magayos at nagtoothbrush na din ako.Saka ako bumalik sa waiting area at naghintay ulit.Bago mag 1pm nagsibalikan na ulit ang mga aplikante kagaya kong di pa natatawag.
Nakaupo lang ako sa sulok at nagbabasa ng magazine habang naghihintay na matawag.
Mga 2:30pm non tinawag ang pangalan ko.
"Ms.China Eloise Montecillo pls follow me."-dinig ko pang tawag sa pangalan ko.
Tumayo naman ako at sumunod sa babaeng nagtawag.Pumasok kami sa isang kuwarto may mga 10 pang nakaupo at nagaantay na matawag.
"Ms.Montecillo sit here.
"Thank you po Mam.
Umupo naman ako at nakita namin na may iniinterview sa loob ng opisina.
"Okay before kayo mainterview sa loob kailangan nyo muna sagutan tong exam.20 questions lang naman to so im giving you guys 10mins to finish it.
Isa isa na kami bnigyan ng folder at ballpen para sagutan ang exam.Mejo mahirap ang mga tanong at tricky kung di mo pagiisipan aakalain mong tama lahat ng choices.
After 10mins pinapasa na sa amin un papel at isa isa chineckan ng babaeng nagassist kanina.
"Okay. Mr.Hilario, Ms.Joaquin, Ms.Clemente Mr.Cruz at Ms.Montecillo for interview kayo yun mga di po natawag pasensya na po..
Napapikit ako.
"Thanks Lord..
Isa isa na kami tinawag sa interview mahirap ang interview tatlong interview ang kailangan mo ipasa.Ang pinakahuli naginterview yun pinakaCEO ng Zobel.Sa dami namin nagapply 18 lang kami pumasa.
Buti nlang pinagsstart na agad kami kinabukasan.Kasi kailangan nila talaga ng mga bagong agent.Kaya after interview pinagasikaso na kami ng id at pinagpirma ng kontrata.
"Sa mga nakapasa wag muna kayong umuwi.Kailangan nyo muna pumunta sa HR.May pipirmahan kayo don kontrata.Then para maayos na din un pagpapafile para sa mga benefits nyo.Gagawan na din kayo ng ID today kaya pls lang antayin nyo marelease bago kayo umuwi kasi di kayo makakapasok bukas pag wala kayong id.
After namin maorient sa HR pinapirma na kami at ginawan ng id 8pm na kami natapos.Paglabas namin sa bldg andami ng tao nagaabang ng masasakyan..Hirap na hirap ako makasakay kaya 11pm na ako nakarating sa apartment.
Nagiisip isip ako kung pano ko pagkakasyahin ang pera ko hanggang makasuweldo.Buti nlang may sleeping quarters ang Zobel.Puwede daw kami magstayin sa work.Kasi asahan daw namin na lagi may OT.Kaya inayos na ang gamit ko.Buti nlang kokonti lang ang gamit ko 1 maliit na maleta lang at isang backpack.
Kinabukasan maaga ako bumiyahe para maayos ko muna sa sleeping quarters un gamit ko.6AM nasa Zobel na ako.Nagparegister ako sa sleeping quarters.Buti nlang maganda ang sleeping quarters namin dito.Madami din nagsttayin dito kasi nga naman kesa maguwian at maipit sa trapik.Sa isang room may double deck at maliit na shower room. At may locker kaya safe magiwan ng gamit.Mabait ang nakasama ko sa room bago lang din sya at taga cavite daw sya kaya nahihirapan sya maguwian.Mahal nga daw kasi ang mga apartment kaya tiyagaan nlang muna sa quarters atleast libre..
Nagumpisa na akong magtrabaho.Naninibago pa ako pero naiintindihan ko naman pano gawin kaya madali ko din natutunan.Unang linggo ko palang sa Zobel panay na kami OT.Halos 11pm na ako nakakababa sa Sleeping quarter kasi andami mga papelea ang pinapaaral sa amin.Bago ko matulog kumain lang ako ng noodles buti nlang may libre kape dito sa quaters namin..Pagod na pagod ako sa maghapon trabaho kaya pagkatapos ko maligo nahiga na agad ako.Ako lang magisa ngayon sa room kasi si Mira yun kasama ko uuwe daw sya sa Cavite.Wala kasi pasok bukas pero kung gusto mo magOT pede naman.Kaya ako magOOT bukas wala din naman kasi akong gagawin.
Hawak hawak ko ang cp ko.Eto nlang ang natira cp sa akin ang cp ni Mama at Papa ay nadukot sa akin non mga unang araw ko sa Manila..
Tinignan ko ang mga picture sa galery ko ang andito nlang picture namin nila Mama Papa at nila Bella.
Napahinto ako sa family picture namin nila Papa.
"Namimiss ko na kayo Pa Ma andaya nyo naman kasi bakit iniwanan nyo ako agad.Sorry po di ko muna kayo madadalaw ah at di ko alam kelan ko kayo madadalaw.Alam ko po alam nyo ano ang dahilan ko.Im okay na Ma dont worry about me.Inaayos ko na ang buhay ko..Alam ko kahit di ko na kayo kasama anjan pa din kayo binabantayan ako.Mahal na mahal ko po kayo..
Nakatulog ako ng may luha sa mga mata..
2weeks na ako sa Zobel..Tatlo sa nakasabay namin nahire e di nakatagal at nahihirapan sa trabaho.Buti nlang ako kahit papano di pa natatangal..11:30pm na ngayon palang ako pababa sa sleeping quarters.Pagod na pagod na ako at gusto ko na matulog.Gutom na ako kaso di ko na kakayanin bumaba at pumunta sa store buti nlang may isang skyflakes pa ako natira.Nanguha lang ako ng kape saka ako tahimik kumain sa pantry may mga kasabayan akong kumakain pero sila mga takeout galing fastfood..Gustuhin ko man mamili kagaya ng sa kanila kaso 200 nlang ang natitira sa wallet ko..Nagmamadali akong kumain saka ako pumasok na sa room.Umuwi ulit si Mira kaya ako lang ang nasa kuwarto ngayon.After ko maligo humiga na ako.Nagugutom pa din ako kaso di ko naman puwede pagpatulan ang gutom ko at wala na akong pambili ng pagkain sa mga susunod na araw isang linggo pa bago kami pasahurin..
Naramdaman kong tumulo ang luha ko..
"I miss you Love so much..Mahal na mahal pa din kita.."-mahinang bulong ko sa sarili ko..Gustong gusto ko na syang tawagan at humingi ng tulong kaso pinipigilan ko ang sarili ko.
"China 1week nlang kaya pa..Kaya mo yan.
Tahimik akong umiiyak hangang sa makatulog ako...
Mabilis lumipas ang araw.Nasasanay na ako sa work routine ko gigising ako ng 6am maliligo kakain ng almusal at magreready na 7:30am umaakyat na ako para magtime in..Ngayon ang araw ng suweldo kaya masaya ang lahat at nasa mood ang lahat magtrabaho.
"China sasahod na tayo ngayon.Sama ka naman sa amin magbabar kami mamaya jan sa Bgc.
"Oo nga China sama ka sa amin.Panay ka OT e.
"Hahaha sige nxtym may pinagiipunan kasi ako.
"Basta ah nxt time sumama ka sa amin.
"Oo sige..
Binigay sa amin ang cheke before lunch kaya lunch break pumila na kami sa banko para mapapalitan buti nlang di mahaba yun pila kaya natapos din kami agad..Nagtira lang ako ng pangbudget at dineposito ko na muna sa atm ko ang pera para di ko hawak.
After ko magpapalit ng cheke dumiretso nako sa fastfood gusto ko kumain ng maayos na pagkain.3weeks akong panay noodles at biscuit..
Pagpasok ko sa fastfood umorder agad ako.Para akong bata sabik na sabik na makakain sa paborito nya kainan.Pagkakuha ko ng order ko don ako umupo sa dulo sa walang masyadong tao.Tumalikod ako sa mga tao at sa tumanaw sa labas..Tumutulo ang luha ko habang kumakain.Awang awa ako sa sarili ko.Bakit ako nagpakabaliw sa isang lalaki..Bakit ako nalugmok ng ganon katindi...
After ko kumain nagayos na ulit ako ng sarili ko at bumalik na ako sa opisina.
"Janet diba sabi mo may bakante don sa malapit sa inuupahan mo?
"Hmm oo bet mo ba mura lang don 2k per room..
"Sana san banda ba?
"Isang sakay lang ng jeep.Gusto mo mamaya sabay ka sakin para macheck mo.
"Okay lang ba?
"Oo naman.
Ganon na nga ang nangyari.After ko makita yun room for rent nagbayad na agad ako ng renta.Buti nlang malaki ang offer sa amin sa Zobel kaya malaki laki ang sinahod ko.Kinabukasan naglipat agad ako mahirap din kasi pag sa quarters ako nagstay puro trabaho nlang umiikot ang mundo ko.
Sumunod na sahod namili ako ng mga gamit ko.Umorder lang ako online ng mga damit ko na magagamit sa opisina.Sa trabaho namin dapat maayos ang kasuotan namin palagi.Iba ang buhay ko sa Manila kesa non nasa San Felipe ako.Dito kailangan kong makisabay sa uso.
Di pa din nagbabago ang work routine ko.7am papasok na ako makakauwe ako madalas 12 na ng madaling araw kasi madalas OT.Kaya paguwe ko sa apartment ko lagi akong pagod na pagod.