Third Person Pov:
Friday night nagkayayaan kami tumambay kila Jacob at na kila Zoe daw ang mga girls..Kumpleto na kami dito kila Jacob kanya kanya kami ng dala alak at pulutan.
"Pre akala ko ba anjan sila Bella kila Zoe bakit parang tahimik naman sila sa kabila.."-Sabi pa ni Finn.
"Oo nga noh parang wala naman tao.."-Levi.
"Non umuwe ako kanina kasi ganyan na baka naman nasa loob lang.
"Wait silipin ko nga..
Lumabas naman kami at sumunod kay Matt kasi nacurious din kami.Kumatok si Matt sa gate ni Zoe.
"Zoe!!Zoe!!!Ate Ling!-tawag pa ni Jacob.
"Sandali lang..Anjan na..
Nakita naman namin si Ate Ling na palabas at pinagbuksan kami ng gate.
"Ate Ling madami pa pagkain?"-tanong pa ni Jacob.
"Nako wala na eh.
"Huh asan ba sila Zoe?E diba umorder sila sa Ambers ng food tray?
"Wala sila umalis may pinuntahan bday.
"Umalis? Sure ka Ate Ling?
"Oo nga Ate Ling ang paalam sa akin ni Bella dito sila tutulog?Meaning wala sila jan.
"Magkakasama sila umalis ang sabi may ppuntahan party overnight daw tawagan nyo nlang.
"Okay sige Ate Ling salamat.Maglock kana wala ka pala kasama jan.
Kaya nagtataka kaming bumalik sa bahay ni Jacob.
"Labo naman ng mga yun.Wala naman pinapaalam si Zoe sa akin aalis sya.Lagot talaga sa akin yun baka mamaya nakipagdate ng di ko na naman alam.
" Wait tawagan ko nga si Bella.Kasi ang paalam din nya magoovernight dito kila Zoe..Ang bilin pa nga eh wag daw natin sila istorbohin at may girls night talk sila.
"I smell something fishy..
After tawagan ni Matt si Bella ayaw talaga sabihin kung nasan sila basta daw magkakasama sila nila Zoe wag na daw kami mangulit kaya lalo tuloy kami nacurious..
"Ako duda ko kasama nila si China baka naman nasa resort nila Bella.
"Puwede.Pero iba yun background ng bahay ehh.
"Feelin ko din magkakasama sila.Pero bakit di na naman nagpakita si Chin sa atin..
"Malamang may iniiwasan dito.."-sagot pa ni Eli.
"Eli sa amin lahat ikaw lang ang nakakaaalam san sila puwedeng pumunta.Diba non last month umuwe si Chin nakipagkita sayo.San ang bahay ni Montemayor?
"Di nyo ko mapipiga.Saka nangako ako kay China na di ko sasabihin sa inyo san ang bahay ni Liam
"Tsk hayaan nyo na magkakasama nga ang mga yun.Baka gusto lang magbonding.
"Pero alam nyo nahuli ko si Bella kaya may naikuwento sa akin..
"Ano yun?
" Kasi magkasama kami non isang araw nasa Cafe kami may tumawag sa kanya kaya ko nalaman.Tanda nyo si Manang Cecil at Shyla?
"Familiar yun pangalan..Sino nga sila?
"Yun nakabili ng bahay nila Chin.Tanda nyo na..
"Ahh oo yun barat na si Shyla.
"Mismo.O anong meron sa kanila bakit kausap sila ni Bella.
"Pano may nagmessage daw kasi kay Chin na binebenta na nila Shyla yun bahay.So si Chin tinawagan si Bella para kausapin sila Shyla kasi nga busy ata si China sunod sunod ang out of the country.Ngayon ang dinig ko binebenta yun bahay ng 650k kaso nagmamadali at magmimigrate na sa Canada yun mag ina.
"So balak ni Chin bilin?
"Yun ang alam ko di ko lang alam ano na update.Kasi wala naman na naikuwento si Bella.
"Sana mabawi na nya yun bahay nila.Alam ko matagal na gusto ni Chin yun.
"Bakit kaya di ikaw ang mamili Ax.
"Edi lalo nagalit si Chin sa akin..
"Kamusta ba sya non nasa Manila ka? Di kapa masyado nagkukuwento ahh..
"Sobrang busy.Madalas papasok sya ng 730am tas OT madalas inaabot na ng madaling araw.Madalas din out of town minsan ilan araw di ko nakikita.Minsan nasa abroad ganon.Madalang ko lang sya matyempuhan tas ayaw naman akong kausapin lagi lang akong pinapauwi at wag na daw akong bumalik.Kasi nagaaway na ata sila ni Liam..
"Alam nyo ba minsan pinakialamanan ko ang cp ni Bella binasa ko pm ni Chin at sa gc nila.Mukang ngang lagi sila nagaaway lately..
"Pano mo nasabi?Anong bang nabasa mo?
"Sabi lang ni China nako nagtatampo na naman nga si Liam Bell kaso wala naman akong magawa sayang kung di ako papasok alam mo naman kailangan ko magbayad ng utang..Saka nagiipon ako Bell..
"Grabe si Chin mukang di na nagpapahinga.
"Nako pag tinatawagan nga yun ni Bella kahit late na nasa opisina pa din.Lagi nga yun pinagsasabihan ni Bella nadidinig ko natatawa lan si China.Sasabihin okay lan sya wag magalala at may pinagiipunan.
"Alam mo naawa ako kay China sa totoo lang kasi mula non namatay sila Tito parang lagi nlang sya nagpapanggap na okay.Nakangiti pero obvious na may dinadamdam.
"Kilala naman natin yan si Chin kung gano kaclose sa magulang nya.Sayang din yun sila Tito at Tita noh.Isa sa mga mababait na taong nakilala ko sa totoo lang.Sayang noh di na nila nakita succesfull na si Chin ngayon..
Kinabukasan maaga ako nakatanggapnng tawag kay Levi.
Levi Calling..
Levi: Pre hulaan mo sino ang nasa San Felipe?
Ax: Sino?
Levi: Si China.Gusto mo bang makita?
Ax: Pano mo nalaman?
Levi:Kakatawag lang sa akin ni Bella.Tinatanong kung puwede magassist si Mommy sa bentahan ng bahay.Binili na daw uliy ni China yun bahay papunta sila sa office ni Mommy.
Ax: Ngayon na?
Levi: Oo papunta na din ako.Gusto ko makita si Chin.
Ax: Sige sisilio ako pero di ako lalapit.Salamat Pre.
Kakarating ko lang sa opisina pero nagpaalam ako sa sekretarya ko aalis muna.Pinakansel ko ang meeting ko ngayon araw.Pagkarating ko malapit sa opisina ng Law office ng Mommy ni Levi nagpark ako sa malapit sa Cafe.Maya maya lang nakita ko si Chin at Bella na magkasama pumasok sa opisina kaya nimsg ko si Levi.
Ax: Pre ano balita jan sa loob?
Levi: Magkakabayaran sila.Binigay ng 550k.
Ax: Buti naman nabawi na nya ulit yun bahay nila.Baka tinulungan sya ni Liam o ni Bella.
Levi: Nope sariling pera nya ang binayad nya.Nagbigay si China ng cheke isang 400k good as cash at yun isang 150k sa katapusan puwede papalitan kasi wait lang nya yun suweldo.
Ax: Im so proud of her.
Levi: Tuwang tuwa nga si Mommy non nakita si China.Ang laki daw ng pinagbago lalong gumanda pumayat nga sya noh?
Ax: Yeah sobra.Minsan naaawa ako sa kanya once nakita ko yan non pauwe galing OT halata mong pagod na pagod na sya.Gustong gusto ko syang lapitan kaso alam ko magagalit sya sa akin.
Levi: Sana Pre magkaayos pa kayo ni China.Parang di ko sya nakikitang may ibang kasama bukod sayo.
Ax: Sana nga..
Sinundan ko sila China at Bella after nila Law office nagpunta sila sa sementeryo.Di rin naman nagtagal si China at pumunta pa sya kila Aling Juanita.Bago nya hinatid si Bella sa bahay nila.Akala ko uuwi na sya ng Manila pero may pinuntahan sya subdivision tinanong ko ang guard ang sabi sila Mrs.Montemayor ang nakatira.
So dito sila galing kagabi.Inantay antay ko si China Halos isang oras lang sya nagtagal.Sinundan ko sya san ang susunod nyang pupuntahan pero non nakita ko palabas na sya ng hiway tinignan ko nlang sya palayo.
"I miss you so much Love.Drive safe.."-mahinang bulong ko pa habang pinapanood kong papalayo ang sasakyan ni China.
Bumalik ako sa opisina after ko sundan si Chin.Madami pa din kasi akong tinatapos na kontrata.Nagkayayaan na tumabay kila Zoe.Kaya kanya kanya kami bitbit ng pagkain.Usapan don na kami magdidinner kaya 630pm palang magkakasama na kami..
Nagaayos sila Zoe ng pagkain sa labas at sabay sabay kaming kakain kami nila Matt andine sa may pool area ang nagkukuwentuhan nila Matt.After njla Zoe magayos ng food tinawag na nila kami.
"Guys ready na kain na tayo.."-tawag pa sa amin ni Zoe.Kaya lumapit pa kami at nagstart na kami kumain habang nagkukuwentuhan.
"Girls umamin nga kayo san kayo galing kagabi?-tanong pa ni Jacob.
"Nako kasama nila si China.."-Sagot naman ni Levi.
"Huh pano mo nasabi Pre?-nagtataka naman sagot ni Finn
"Nagkita kami ni Chin kanina umaga kasama si Bella.."Sagot naman ni Levi.
"Ohhh e bakit di kayo dito sa bahay ni Zoe nagbonding?"Tanong naman ni Matt.
"Okay fine magkukuwento na.Actually may inaayos kami ni China.Last month kasi nalaman nya binebenta na nila Shyla un bahay at magmimigrate na sila sa Canada..Kinokontak daw nila si Chin kaso di nasagot.Buti nlang yun kapitbahay nila Chin namessage sya sa sss so tinawagan nya ako kausapin ko daw kasi di sya makauwe kasi sobrang busy nya sa work.Gustong gusto nya kasi mabuo yun pangbayad nya sa bahay at mabayaran na si Aling Juanita.Gustong gusto na nya matapos ang problema nya.Kaya grabe subsob nya lately sa work.Ang usapan talaga namin buong weekend sya dito magstay dito kay Zoe dapat 3nights kaming magkakasama.Kagabi tinawagan nya ako umiiyak sya sabi nya best change of plans.Anjan na sya sa labas ng subdivision kaso sabi nya di nya kayang pumasok masakit pa..Ramdam ko kay China kagabi na pagod na pagod na sya na gusto na nyang sumabog.Lately kasi lagi sila nagkakatampuhan ni Liam..
"Huh bakit naman?
"Sobrang busy kasi ni China lately halos wala syang dayoff sunod sunod ang out of town at out of the country nya.Naiintindihan ko naman sya at naiintindihan ko din si Liam.Si Chin may obligasyon tinatapos si Liam gusto sya makasama syempre gf nya si China.Gusto na kasi ni Liam magpakasal sila.Gusto nya magresign na si China sa Zobel at sa kanya nlang magtrabaho sa Cebu.Pero di naman makaalis si China sa Zobel may kontrata sya bukod don malaki ang sahod nya sa Zobel.Ang sabi ni China konting kayod pa matatapos na nya yun utang nila kay Aling Juanita.Inoofferan naman sya ni Liam na bayaran yun utang at bilhin ang bahay. Pero kilala naman natin si China diba di yun papayag.Kaya yun lagi sila nagkakatampuhan kasi lagi si Liam ang naluwas sa Manila kaso si China kahit nasa Manila si Liam nasa work pa din nag gusto kasi ni Liam si pag weekend wag magOT si Chin.Kaso nga di naman maiwasan ni Chin na magOT sayang daw kung makakaclosed deal sya.
"Sabagay nga.Kaso kilala natin yan si China dinyan hihingi ng tulong..
"Nakakaawa nga yun kagabi umiiyak talaga sya.Sabi nya pagod na pagod na sya.Pagod na pagod na..Halata mo sa kanya gusto na nyang sumabog..
"Bakit may iba pa bang problema?
"Ikaw ba naman sabay sabay ang problema.Gusto nya matapos yun obligasyon nya.Tas bukod sa utang nasabay pa yun bahay nila.Tas si Liam na laging nagtatampo.Tas trabaho malaki nga sahod kaso kita nyo naman halos walang pahinga.Kaya kagabi nagyaya yun maginom naglabas ng sama ng loob sabi nya kagabi kailangan ba akong mamili ng uunahin..Napapagod na daw sya.
"E san ba kayo nagpunta?
"Sa bahay ni Liam.Yun kasi ang gusto ni Liam kaya don kami nagovernight..
"E nasan si Chin ngayon?
"Pumunta sa Cebu.Dahil nagtatampo si Liam gusto nya magkaayos sila.Monthsary kasi nila bukas.
Nagring naman ang cp ni Bella.Kaya nakita namin kinuha nya sa bag nya.
"Oh si Chin tumatwag excuse lang guys..
Chin Calling...
Bella: Hi Best kamusta biyahe mo?
Chin: Best I need you..
Bella: Wait umiiyak kaba?Asan ka Chin?
China: Nasa airport na ako pabalik Manila.Masasamahan nyo ba ako nila Zoe?
Bella: Oo naman san tayo magkikita?
Chin: Lets go to Baguio alam ko biglaan pero i just need you guys.
Bella: Okay China magready na kami.Pano san tayo magkikita?
China: Sa Baguio na tayo magkita magbubus nlang ako papunta don sunduin nyo ko sa terminal.9pm ang flight ko pa Manila.Diretso nako sa terminal ng bus non.
Bella: Okay sige ako na bahala magsabi kila Zoe.Anong nangyari bakit ka umiiyak.
China: Nakipaghiwalay nako kay Liam.Mamaya nako magkukuwento di ko pa kaya.
Bella: Okay okay.Stop crying Chin.Pls message me pagbaba mo ng eroplano magreready na kami nila Zoe.Magingat ka okay.
Chin: Salamat Bell.
Nakikinig lang kami kay Bella.
"Anyare Bella?
"Bakit umiiyak si China?
"Ang sabi lang nakipaghiwalay na sya kay Liam.Umiiyak eh.Ang sabi samahan natin sya.
"San?
"Nagyaya sa Baguio.
"Asan ba sya?
"Pabalik na daw ng Manila.Sa Baguio nlang daw tayo magkita sunduin natin sya sa terminal.
"As in now na?
"Yup pano uuwe muna ako ahh.
"Wait Bell gano katagal?
"Walang sinabi pero ang alam ko nakaleave sya ng 1week.Kaya magready nlang kayo ng pang 1week.Sino sino sasama.
"Sige uuwe lang kami ni Elise kukuha lang ng gamit.
"Kaninong sasakyan dadalhin natin.
"Yun Suv ko nlang.
"Hon sama kami.
"Oo nga sama kami.
"Hala ewan bahala na kayo tara na Hon ihatid mo ko sa bahay.Mageempake lang ako.Kung gusto nyo sumama magready na kayo.Kailangan tayo ni China ngayon..
"Okay sige yun Van nlang namin dalin natin para isang sasakyan nlang tayo tas sa resthouse nlang natin.
Kaya nagsiuwi muna kami at nanguha ng damit.Usapan dadaanan nalang kami ni Matt kaya nagready na kami agad.Mas okay din kaai kung mauuna kami kay Chin sa Baguio.
Saktong 1030pm umalis kami sa San Felipe.
Si Matt ang driver namin.
"Nagmessage na ba si Chin sayo Bella?
"Yup kanina kasi nagbilin din nanghiram ng damit ipagdala ko daw sya ng jacket at wala syang masyadong dala.Iuuwe lang nya ang sasakyan nya sa bahay nya then pupunta na sya sa terminal.
"Ano kayang nangyari don?
"Wala naman sinabi eh.Pero lately talaga panay sila nagaaway ni Liam.Baka napuno na si China kilala man natin yun apakamatiisin.
"Feelin ko may nangyari.Di man kasi yun basta basta sumusuko.
"Sabagay nga kaya nga pinuntahan nya sa Cebu para isurprise diba gusto nya ayusin..
"Kamusta pala Bell si Aling Juanita sabi nyo pupuntahan nyo?Naayos na ni Chin?
"Oo Kuya.Kinausap nya nagpasalamat din kasi sya at diba matagal tagal bago nya nabayaran.Cheke ang binigay nya huling hulog na yun 100k nlang pala ang kulang nya don.Sabi ni China ubos ang savings nya pero atleast bayad na sya sa utang nila Tita nabawi nya pa yun bahay..
"Atleast nagbunga lahat ng paghihirap nya..