China POV:
9pm hinahanap na sila Zoe at Bella nila Kuya Jacob.Na kila Kuya Jacob daw sila Kuya Matt..Kaya si Kuya Matt nagvideocall pa kay Bella.
Bella: Hon basta kasama ko sila Zoe.Bukas na ko uuwi.
Matt: Asan ba kasi kayo?Akala ko ba kila Zoe lang.
Bella: Hays basta bukas nako magcchika sayo.Okay lang kami.
Matt: Sabihin mo nlang nasan ka?
Bella: Basta nga wag na makulit bbye na..
Inabot na kami ng 2am nila Bella sa inuman at nagkasarapan ng kuwentuhan.Tawag ng tawag si Kuya Matt at hinahanap sya kaso ayaw talaga nya sabihin asan sya kaya tawa kami ng tawa..
Si Liam naman magkatxt lang kami kasi alam naman nya nasa bahay nya lang ako kasama sila Bella kaya kampante sya.
Nagalarm ako ng 6am at 8am ang usapan namin nila Manang Cecil.Sakto naman after ko magayos.May nagdoorbell nagulat pa ako at ang aga wala naman akong inaasahan bisita.Pagbukas ko ng gate.Sila Ate Anna at Kuya Jobert may dala dala paperbag.Almusal daw namin.Itinawag daw ni Liam kagabi kay Manang Ising na pahatidan kami ng breakfast.
"Mam goodmorning po padala po ni Sir Liam.
"Hi Ate Anna hi Kuya good morning.Hala nagabala pa kayo eh.Salamat po.
"Nako mahigpit na bilin po ni Sir Liam.
"Salamat po.
Pagkakuha ko ng pagkain namin ginising ko naman na sila Zoe at usapan talaga namin maaga kami aalis..
Tinxt ko pa si Liam at Mommy at nagpasalamat ako sa breakfast.Maaga si Liam sa site ngayon at may hinahabol silang duedate kaya din di sya makaluwas.
"Infairness naman kay Papa Liam ahh mahal na mahal ka din naman ayaw kang magutom ehh..
"Hahahah alam nya daw kasi di nako makakaluto at alam nya maaga ang usapan namin nila Manang.
"Pano pala yun Chin uuwe kana din mamaya.
"Yup sensya na ah.After ko kila Manang Cecil dadaan lang muna ko sementeryo tas pupuntahan ko si Mommy Leina.Tas bibiyahe nako pa Manila kailangan ko umabot sa airport before 4pm.
"Daya akala ko pa naman buong weekend tayo magkakasama.
"Promise matapos ko lang tong sa bahay at yun utang nila Mama.Magleleave ako guys then out of town tayo?
"Ay bet promise yan China ahh..
"Oo gusto ko din magbakasyon kasama kayo..
"Mamiss ka namin Chin.
"Namimiss ko din naman kayo.Kaso alam nyo na iba na ang sitwasyon ngaun.
After namin kumain.Sila Zoe umuwe na.Sinamahan naman ako ni Bella para kausapin si Manang Cecil.Papunta na kami sa dati namin bahay.
"Ano balak mo pala Chin?Magkano offer mo.?
"Baka kaya 500k pag pumayag babayaran ko na sila ngayon.Sagad nako sa 500k di naman na sila lugi don kita pa din.
" Ay oo ah halos 2yrs lang naman naging kanila.Si Manang Cecil kung tatanungin ayaw nya ibenta kaso yun anak na si Shyla mukang pera.
"Kaya nga.Kaya sana kumagat sa 500k...
Pagdating naman sa dati namin bahay kumatok na kami sa gate.
"Tao po Manang..
"Saglit lan..Pasok kayo
Pinagbuksan naman agad kami ni Manang Cecil ng pinto.Nilibot ko ang mata sa paligid halos walang nagbago sa bahay namin.Nagdagdagan lang ng halaman at naiba ang mga kagamitan sa loob.
"Magandang umaga po Manang Cecil.Kamusta po kayo?
"Magandang umaga din China di kita nakilala.Lalo kang gumanda bata ka.
"Hahaha salamat po.
"Antayin lang natin bumaba si Shyla ah.Naligo lang.Gusto nyo ba munang magkape?
"Okay lang po kami kakatapos lang.
"Pansin mo siguro naalagaan naman namin mabuti ang bahay.
"Kaya nga po.."-Napansin nya kasi kanina pa ko nagmamasid.
"Alam mo bang matagal na kitang tinatawagan sa number mo kaso di ka nasagot..
"Pasensya na po nagbago po kasi ako ng numero.Buti nga po naimessage ako ni Ate Hilda na binebenta nyo nga daw tong bahay.
"Alam ko naman ayaw nyo ibenta to ng Mama mo kaso lang nagkagipitan kaya napilitan kayong ibenta.Kaya ikaw talaga ang naisip ko.
"Buti nga po nalaman ko agad.Kaya pinapunta ko agad si Bella dine at busy ako sa trabaho.
"San kana ba nagttrabaho ngayon?
"Sa Manila po Manang.
"Kaya pala di na kita napagkikita dine sa atin.
"Opo Manang magkakalahating taon na din po.
"Mukang napaige nga ang pagmamaynila mo anak mas gumanda ka.
"Hahaha Salamat po.
Sakto naman pagbaba ni Shyla.
"Andito na pala kayo pasensya na naliligo kasi ako.
"Okay lang.
"Sabi ni Bella interesado ka daw dito sa bahay?
"Sana magkano nyo po ba binebenta tong bahay.
"650k sana..
"Wala na po bang bawas yun Manang Ate?
"Kailangan din kasi namin ni Shyla nagaayos kami ng papel pa Canada.Andon na kasi ang mga kamaganak namin.Kami nlang ni Shyla ang naiwanan dito.
"Baka naman po mabawasan pa Manang baka sakali kaya ko ang presyo..
"Sige 550k take it or leave it.Cash.."-sabi naman ni Shyla.Si Shyla din kasi ang namili ng bahay na to kaya sya din ang nagdedesisyon.
"Last tawad 500k..
"550k para naman may panggastos kami pagdating ng Canada..
"Wait lang po ah may tatawagan lang ako.."-kaya tumayo muna ako at lumabas saka ako tumawag kay Liam gusto nya kasi malaman muna magkano binebenta sa akin bago daw ako magdesisyon.
Calling Liam..
Chin: Hon?
Liam: Yes Hon nakausap mo na?
Chin: Yes andito kami ni Bella ngayon.Una bigay 650k tinatawaran ko ng 500k ayaw.550k daw take it or leave it.Palagay mo?
Liam: magkano nila kamo nabili yan?
Chin: 400k Hon.
Liam: Hmm puwede naman na sa 550k kaso kung ibbigay ng 500k mas okay sana.Yun ang budget mo diba?
Chin: Yup sagad na sana ako don.Buong savings ko na yun.
Liam: Need help? I can pay.
China: Hon..Kaya ko pa sahod ko naman na nxtweek kaya iraos ko na to?
Liam: Okay sige.Alam ko naman matagal mo ng gusto mabawi yan.
China: yeah alam ko magiging masaya sila Mama pag nabawi ko tong bahay namin.
Liam: Happy na?
China: yeah Thanks Hon pano tawagan nalang kita mamaya.Kakausapin ko nlang sila.Nasa work kanaba?
Liam: yeah sumilip ako sa site pero uuwe ako before lunch nagyaya sila Mateo bday kasi ng pinsan nya si Brent.Barkada din namin yun non elementary.
China: Okay no chix Hon ahhh.
Liam: Mahal kita okay?
China: Love you too.Ingat Hon.Update kita later.
Pagbaba ko ng tawag bumalik nako sa loob at kakausapin ko ulit sila.
"Ah Manang sige po kukunin ko na..Itatawag ko lang sa kakilala namin abogado para po magkapirmahan na tayo..Babalik din po kasi ako sa Manila mamaya pagkatapos natin.Si Bella nalang po bahala sa ibang kailangan.Cheke nlang po ibayad ko pero dalawang cheke po ibibigay ko okay lang?isang 400k at isang 150k yun 400k po puwede nyo na mapapalitan today yun 150k po okay lang po ba nxtweek sa katapusan.Ittxt ko po kayo pag pumasok na yun pondo sa account ko.
"Okay sige walang problema.Magbibihis lang ako para makaalis na tayo.
"Sige po.Salamat Manang salamat Shyla.
Kaya naiwanan muna kami ni Bella dito.
"Chin itawag na natin kay Kuya Levi?
"Yes best andon na kaya si Tita?
"Wait tawagan ko si Kuya.
Kaya lumabas muna si Bella at tinawagan si Kuya Levi.Yun Mom nya kasi lawyer kaya don nalang kami magpapaayos.
After namin maasikaso ni Bella ang sa bahay sinamahan nya ko sa sementeryo.
Dumaan pa kami sa flowershop at namili ng bulaklak at kandila.
"Hi Ma Hi Pa araw araw ko kayong namimiss.May goodnews po ako sa inyo.Alam ko matutuwa kayo sa ibabalita ko.Nabawi ko na po yun bahay natin.Magiipon po ako ulit para naman maiparenovate ko sya.Soon Ma babalik ako dito titira ulit ako sa Bahay natin.Mahal na mahal ko po kayo ni Papa.Pasensya na kung bibihira ako makadalaw Papa Mama busy lang po sa work.Malapit ko na mabayaran si Aling Juanita.Alam ko nagaalala po kayo pero im okay i will be okay.
Pagkatapos namin ni Bella sa sementeryo sinamahan nya naman ako kay Aling Juanita gusto ko sya personal na kausapin at para makapagpasalamat na din iiwanan ko nlang din sya ng cheke para nxtweek mabayaran ko na din.Saka koihahatid ko na si Bella sa bahay nila.
"Salamat Bell sa pagsama.
"Sus wala yun ikaw paba?Basta tawagan mo lang ako anytime.Kahit nasa kalagitnaan pa kami ni Matt ng loving loving iiwan ko si Matt para sayo.
"Loka loka ka talaga Bell.
"Pano ingat ka.Sana magkaayos na kayo ni Liam.
"Wish me luck Best thank you.
"Wag kana magisip ako na bahala sa mga papeles na need sa bahay nyo.Balitaan nlang kita.
"Salamat hanapan mo pala ako ng maglilinis non bahay para pagalis nila Manang Cecil mabilhan ko ng gamit yun bahay kahit papano.
"Oo ako na bahala.Balitaan agad kita.Ingat txt mko ah.
"Yeah..
Pagkahatid ko kay Bella dumaan muna ako sa Cafe at namili ako ng cake para may pasalubong ako kay Mommy.After ko mamili dumiretso nako sa bahay nila Mommy Leina.Wala pala ngayon ang Dad ni Liam nasa Singapore at may business trip.
Pagpasok ko pinadiretso naman ako nila Ate Anna sa kusina at andon daw si Mommy nagluluto.
"Hi Mommy kamusta po?
"Hi anak andito kana pala.Buti naman saktong sakto kakatapos ko lang magluto.
"Hala si Mommy nagpagod pa kayo eh.
"Hayaan mo na ako.Alam mo na minsan lan nyo ko madalaw..Masaya ako pag may nabisita sa akin.
"Tulungan ko na po kayo Mommy.
"Nako tara na hayaan mo na sila Anna ang maghain niyan.Madami tayong pagkukuwentuhan.
Kaya pumunta na kami sa dining at umupo.Sakto naman tumatawag si Liam sa akin kaya sinagot ko muna.
Liam Calling...
Liam: Hon?
China: Hi Hon andito nako kila Mommy say hi.
Liam: Hi My i miss you..
MommyLeina: miss you too Anak kumain kana ba? Kakain na kami ni China.Nagluto ako ng Kare kare at Dinakdakan paborito mo.
Liam: daya nangiinggit.Di pa po paalis ako ngayon.Pupunta po ako sa bday ng pinsan ni Mateo si Brent.
Mommy: Wag masyado maginom anak sila Brent pala ang kasama.
Liam: yes My.Hon?
China: yes Hon?Paalis kana?
Liam: yes Hon..Pm moko anong lakad mo after ng lunch nyo ni Mommy ah.
China: Yes Hon.Magingat ka wag masyado maginom okay?Kasama nyo ba sila Vera?
Liam: Im.not sure Hon.Pero ang kasama ko sila Mateo.
China: San ba kayo pupunta?
Liam: Sa bahay lan ni Brent Hon.
China: okay sige ingat I love you.
Liam: love you too.Love you My.
Mommy: love you too Anak.
Pagkababa ng tawag ni Liam nagstart na kaming kumain.
"Bakit ka nga pala nauwi dito Chin? May inasikaso ka kamo?
"Last month po kasi nimessage po ako ng dati namin kapitbahay.Binebenta daw po kasi yun dati namin bahay.Kinokontak po pala ako ng nakabili ng bahay namin kaso nagpalit ako ng number.Kaya non nalaman ko po pinapuntahan ko agad kila Bella..Kinausap naman ni Bella nagmamadali na nga daw po ibenta at magmimigrate na sa Canada.Kaya po sinaglit ko na ngayon..Kasi nasa Bataan ako kanina.
"Kaya pala nagtatampo na naman ang binata ko.China anak pagpasensyahan mo na si Liam ah.Apakaclingy lang talaga ng isang yun.Bakit ba lagi ata kayong nagkakatampuhan lately?
"Gusto nya po kasi magresign nako sa Zobel at lumipat nalang sa kanya nlang ako magtrabaho.Kaso sabi ko nga po sa kanya may kontrata ako sa Zobel..
"Kahit ako Chin mas gusto ko yun atleast magtulungan nlang kayo ni Liam.Sa nakikita ko naman sa anak ko mahal na mahal ka at nagsasabi nga sa amin ikaw na ang gusto nya pakasalan.
"Ang totoo po kasi Mommy niyayaya na nya ko magpakasal.Kaso sabi ko po wag kami magmadali.Lately po kasi lagi sya ang lumuluwas para lang magkita kami kaso po full load ako sa work so kahit nasa Manila sya kailangan kong pumasok sa work.Dapat po talaga nasa Cebu ako ngayon kaya po sya nagtatampo kasi 2nd monthsary namin magcecelebrate sana kami kaso di sya makaluwas at kailangan sya sa site.
"Oh yun naman pala.Mas okay naman yun makasal na kayo.Payag naman kami ng Daddy nya.
"Kaso po kasi nagbabayad pa po ako ng utang na naiwanan nila Mama.Non nahospital po kasi si Papa malaki ang kinailangan namin pera kaya pati bahay namin napilitan si Mama ibenta para lang may maipangbayad kami sa hospital.Non namatay po si Mama ako ang sinisingil ng inutangan nya malaki laki din po yun kaya halos lahat ng sahod ko don lang napupunta gusto ko na po kasi matapos yun tas nasabay nga po itong pagbebenta ng bahay namin.Kaya naman po ako di pumayag na makasal kami agad kasi ayoko naman po pakasalan si Liam na problema ko agad ang bubungad sa kanya..
"Di ba nagoffer si Liam na bayaran nlang yun utang at yun bahay nyo para okay na?
"Nagoffer naman po ako po ang tumanggi ayaw ko pong ipasalo kay Liam ang problema ko.Nahihiya din po ako sa inyo pag nangyari yun..Kaya din po subsob talaga ako sa trabaho kasi alam nyo naman po malaki din ang nakukuha namin kumisyon pag nakakapagclosed deal kami..
"Alam mo anak naiintindihan kita naiintindihan ko din si Liam.Bilib ako sa magulang mo sa pagpapalaki nila sayo.Napakabait mo kaya bata..Gusto kita para kay Liam sa lahat ng naging gf nya sayo magaan ang loob ko sa totoo lang.Kung anong gaan ng loob ko sa magulang mo ganon din sayo..Nakuha mo ang ugali ng Papa mo may paninindigan.Nakuha mo naman yun ugali ng Mama na matiisin.
"Sa kagaya ko po kasing di naman laki sa yaman prinsipyo nlang po ang naipamana sa akin ng mga magulang ko.Ayoko naman po pati yun mawala pa.Siguro naman po maiintindihan nyo ako kung bakit di ako makaalis agad sa Zobel at di pako pumapayag pakasalan si Liam.Gusto ko po kasi kahit papano pag nagpakasal kami tapos na yun mga problema ko.Yun may maipagmamalaki naman ako kahit papano sa kanya..
"Apakasuwerte ng anak ko sayo.Di na ako nagtaka na ikaw ang nagustuhan nya noon pa.
."Salamat po Mommy Leina.
"Hayaan mo kakausapin ko din si Liam.Minsan kasi pag iyon ay tinatawagan ko mainit ang ulo.Pag tinatanong ko sabi nagkakatampuhan kayo.Masyado ka daw kasing busy at wala ng oras sa kanya.
"Pasensya napo aminado naman po ako lately wala talaga akong time sa kanya.Kasi talagang puro trabaho ako at gusto ko po makarami ng deal sa trabaho para po mabuo ko na yun pambayad ko sa bahay at matapos ko na yun utang namin.Gusto ko na po makahinga hinga sa problema.Pero wag po kayo magalala babawi ako kay Liam sosopresahin ko po sya.After po ng lunch natin bibiyahe napo ako pabalik ng Manila.May flight po ako mamayang 7pm pupuntahan ko po sya sa Cebu.Gusto ko din po maayos na yun tampuhan namin ni Liam..Sosopresahin ko po sya.Bukas po kasi monthsary namin.
"Mabuti yan anak.Nako masayang masaya na niyan si Liam ko pag nakita ka.Mahal na mahal ka ng batang yun eh.
"Mahal ko din po si Liam Mommy.Kaya sana wag nya akong sukuan agad gusto ko lang po talaga matapos na tong mga obligasyon ko bago ako pumayag magpakasal sa kanya.
After namin maglunch ni Mommy Leina nagpaalam na ako at bumiyahe nako paluwas sana lang wag ako maipit sa traffic at kailangan ko umabot sa airport.
Saktong 3:30pm dumating ako sa airport kaya nag checkin na agad ako.Pinatay ko ang tracker ko para di malaman ni Liam na nasa Manila na ako pag tinanong nlang nya ako sabihin ko lowbat ang cp ko.Buti nlang busy sya sa bday party.Nagiinuman daw sila nila Mateo puro sila mga lalaki.Tinanong ko sila Vera bakit di sila sumama ayaw daw nila at puro inuman lan at mga lalaki kaya sila Lukas lang ang kasama ni Liam..
Bago mag 7pm tinawagan ako ni Liam halata kong lasing na sya kasi obvious na sa tono ng pagsasalita nya.
Liam: Hon anong gawa ng asawa ko.
China: Hon are you drunk?
Liam: I miss you Hon.I wanna make love to you Chin miss na miss na kita.Uwi na Hon.
China: Wait asan ka?
Liam:Hmmmm andito pahhhh uwi na Hon.
China: Wag kang magddrive ah lasing na lasing ka Liam baka maaksidente ka.
(Kinuha naman ni Lukas ang phone at nabagsak ni Liam)
Lukas: Hello Chin its me Lukas lasing na lasing si Liam.Nalaglag na nya yun cp nya.
China: Lukas pls wag nyo hahayaan umuwe yan magisa.If lasing na kayong lahat jan nlang kayo matulog..Pls lang.
Lukas: Dont worry ihahatid kami ni JB di naman sya lasing.
China: Sure ka?
Lukas: Oo tipsy lang ako pero ako na bahala kay Liam.
China: Pls msg me pag naihatid nyo na sya sa condo pls?
Lukas: Okay sige.
China: Ingat kayo.Salamat.
Pagkababa ng tawag nagpm ako sa Gc namin nila Vera.
Chin: Guys may balita ba kayo sa mga jowa nyo?
Vera: Bakit Chin?
Stacey: Nako for sure lasing na naman yun.
Keily: Nako si Mateo nga nagpapasundo na sa akin at lasing na daw sya.
Laurine: Si Lukas lasing na pero di naman daw ganon kalasing pero si Liam daw bagsak na.
Yara: hala sya.
Chin: Tinawagan nga ako kaya ko nalaman lasing na lasing.Sabi ko nga wag hahayaan umuwi baka magdrive yun magisa e maaksidente.Nagaalala tuloy ako.
Keily: Dont worry Chin andon man si JB sya maghahatid di man nagiinom masyado un si JB.
Chin: Sure kayo ah nagaalala ako kay Liam.Pasaway sinabihan ko na yun kanina na wag maglalasing eh.
Keily: Nako pag si Brent kasama ng mga yun walang uuwe di lasing.Panigurado yun.
China: Balitaan nyo ako pls if may update kayo.Pauwe naman ako ng Cebu ngayon isusurprise ko sana si Liam at ang tindi ng tampo sa akin.
Stacey: Nako Chin masayang masata na yan si Liam pag umuwe ka.
China: Oo di nya alam akala nya nasa San Felipe pa ako.
Vera: Buti naman Chin matutuloy ka pa din umuwe dito?
Chin: Natapos ko naman agad yun aasikasuhin ko kaya nagbook agad ako ng ticket.Ayoko din patagalin yun tampuhan namin ni Liam.
Yara: Di pa ba kayo nagkakaayos?Ano sabi nya don sa pic?
Chin: Okay naman kami pero alam ko may tampo pa sya sa akin.Nagexplain naman sya may client meeting daw sya non after daw mageearly dinner sana sya non lumapit yun ex nya.Kinausap sya.
Laurine:Bakit daw? Ano na naman gusto non hitad nyang Ex?
Chin: Nakikipagbalikan.
Keily: The nerve of that woman.Kaloka talaga yun.Alam nyo bang balita ko kay Mateo don yun umupa ng condo same bldg sa condo ni Liam.Pano ko nalaman yun pinsan ni Mateo un mayari ng nirentahan nya.
Vera: Nako Chin warningan lang kita.Iba ugali niyan Ex ni Liam masyadi G na G sa sarili at entitled masyado.Sya kaya ang nagloko kaya sila naghiwalay pero di ako magtataka pag yan nanggulo sa inyo.
Laurine: Warning lang un Chin pero alam namin mahal ka ni Liam.May pagkaloka loka talaga yan ex nya.
China: May tiwala naman ako kay Liam alam ko mahal nya ako at napagusapan naman namin yan.Tinanong ko sya if gusto nya bang balikan.
Yara: Anong sagot?
China: Sino daw ba yun niyaya nyang magpakasal.Sabi ko ako so yun ang sagot daw sa tanong ko.
Laurine: Taray ni Papa Liam sasagot.
Stacey: Gimik tayo Chin paguwe mo ah.
China: Yeah 1wk naman ako jan nakaleave ako.
Keily: Yun ohhh iset na natin lakad natin.
China: Oo sige txt txt pm nyo ko update me pls pag nakauwe na sila paalis na kasi yun eroplano.See you all soon.
Yara: Ingat Chin.
Stacey: See u soon ingat
Laurine: ingat
Keily: tc
Vera: Ingat.
China: Thanks
Pagdating ko ng Cebu.Nicheck ko agad ang cp ko at nagpm na si Lukas naihatid na daw nila si Liam sa condo iniwanan na nila sa sala natutulog kaya sabi ko ako na ang bahala magasikaso at nasa airport naman na ako pauwe na ng condo.Paglabas ko ng airport sumakay agad ako ng taxi at nagpahatid sa condo ni Liam.Nakaregister naman ang finger print ko sa pinto nya kaya di ko na kailangan gisingin sya para makapasok.
Pagdating ko sa condo di naman na ako sinita ng guard at nakaregister akong tenant dito dahil kay Liam.Kaya binati pa ako non nakita ako ni Manong guard.
"Maayong gabii Mam China.
"Maayong gabii Manong..
Dumiretso na ako sa elevator at pumunta na sa unit ni Liam.Di ko alam bakit bigla akong kinabahan habang papalapit ako sa pinto nya.Paglapit ko sa pinto nya dahan dahan ko pa binuksan ang pinto pero nagulat ako sa nakita ko.
Si Liam nakahubad at nakahiga sa sofa nakapikit pero may nakahubad na babaeng nakapatong sa kanya.
"Liam.."-umiiyak kong tawag sa kanya at nakita kong dumilat sya at nagulat na nakita nya ako ngayon.Pero mas nagulat sya na may babaeng nakapatong sa kanya.Kaya naitulak nya pa ang babae.
"Hon."-tawag pa sa akin ni Liam
"Ei anong ginagawa mo dito s**t s**t s**t alis anong ginawa mo.."-galit na galit nya pang tulak sa babae sa nagmamadaling tumayo at nagsuot ng pantalon at nilapitan ako.
Di ako magalaw sa nadatnan ko.Hinang hina ang mga tuhod ko at iyak ako ng iyak.Nakita ko pang nagbihis ang babae at nakangising tumingin sa akin..Nilapitan naman agad ako ni Liam at niyakap.
"I hate you.Were done."-mahina ko pang bulong sa kanya habang iyak ako ng iyak.
"Let me explain Hon..Its not what you think.."-pagmamakaawa pa ni Liam sa akin.
"Were done.Wag mo kong susundan."-mahinang sabi ko pa sa kanya saka ko inalis ang pagkakayakap nya at tinalikuran sya at patakbong pumunta sa elevator.Iyak ako ng iyak di ko alam anong nagawa ko bakit ako niloko ni Liam.
Pagsakay ko ng elevator inayos ko ang sarili ko.Dire diretso ako lumabas ng bldg at saka sumakay ng taxi.Nagpahatid agad ako sa airport.
Kinuha ko ang cp ko at namili ako ng ticket online.
Pagdating ko sa airport Nagcheckin lang ako at tinawagan ko si Bella.
Calling Bella..
Bella: Hi Best kamusta biyahe mo?
China: Best i need you..
Bella:Wait umiiyak kaba? Asan ka Chin?
China: Nasa airport na ako pabalik Manila.Masasamahan nyo ba ako nila Zoe?
Bella: Oo naman san tayo magkikita?
Chin: Lets go to Baguio alam ko biglaan pero i just need you guys.
Bella: Okay China magready na kami.Pano san tayo magkikita?
China: Sa Baguio na tayo magkita magbubus nlang ako papunta don sunduin nyo ko sa terminal.9pm ang flight ko pa Manila.Diretso nako sa terminal ng bus non.
Bella: Okay sige ako na bahala magsabi kila Zoe.Anong nangyari bakit ka umiiyak.
China: Nakipaghiwalay nako kay Liam.Mamaya nako magkukuwento di ko pa kaya.
Bella: Okay okay.Stop crying Chin.Pls message me pagbaba mo ng eroplano magreready na kami nila Zoe.Magingat ka okay.
Chin: Salamat Bell.
Pagkababa ko ng tawag diko mapigilan umiyak.Buti nlang kokonti lang ang tao dito sa airport kaya umupo lan ako dito sa sulok habang nagaantay ng flight ko..Tunog ng tunog ang cp ko at tumatawag si Liam sa akin..Ginawa ko pinatay ko ang cp ko.
Di ko akalain kaya nyang gawin sa akin yun.Nangako pa sya akin aayusin namin tong tampuhan namin.Alam ko naman naging busy ako pero di naman sapat na dahilan yun para lokohin nya ako.
Iyak ako ng iyak habang nagaantay.Di ko napansin may lumapit at tumabi sa akin.
"Hon pls lets talk.."-pagmamakaawa ni Liam sa kin.
"Wala na tayong paguusapan..Niloko mo ko.Sabi mo aayusin natin to pero bakit Li.."-umiiyak ko pang sagot sa kanya.
"Hon pls.Di ko alam pano nangyari yun.Lasing na lasing ako kanina promise di ko alam pano ako nakauwe at bakit andon yun ex ko.Nagising lang ako sa tawag mo kanina nagulat ako bakit nakapatong sya sa akin.Mahal na mahal kita Chin..
"Mahal mo ko pero niloko mo ko..Binigay ko naman sayo lahat.Oo aminado kong busy ako lately pero sapat bang reason un para magloko ka.
"Hon pls umuwe na tayo.Lets fix this.
"Walang ng aayusin Liam.Were done.Umuwe kana.Ayoko na kitang makita.
"Hon pls..Mahal na mahal kita Chin.Di kita niloko maniwala ka naman sa akin.
Saktong tinawag na ang flight ko kaya tumayo na ako at inalis ang kamay ni Liam na nakahawak sa akin.
"Wag mo kong susundan.Umuwe kana.
"China pls wag naman ganito.."-pagmamakawa nya pa sa akin.Pero tinalikuran ko na sya.
Pagsakay ko ng eroplano..Pinipigilan kong umiyak.Pumikit ako ang sakit sakit.Wala na ba talagang lalaking magmamahal sa akin ng totoo.
Ganito lang ba ako kadaling bitawan.Talaga bang di nila ako kayang panindigan hanggang sa huli..
Pagdating ko ng Manila nagbook agad ako ng Grab at nagpahatid sa terminal ng bus.
Tnxt ko na si Bella non nakasakay na ako ng bus.
Chin: Best nakasakay nako ng bus.Nasabihan mo naba sila Zoe?
Bella: Oo best paalis na kami.Ingat ka okay.Magkita tayo sa terminal.
China: okay sige ingat din kayo.
Tawag ng tawag si Liam sa akin at andami na din nya txt pagbukas ko ng messenger ko andami message nila Vera sa gc.Kaya iniopen ko muna alam ko alam na nila ang nangyare at nagaalala sila.
Vera: Chin asan ka tinawagan ako ni Liam.
Keily: Chin what happen?
Yara: Chin asan ka pupuntahan ka namin.
Laurine: Chin asan ka? Lets talk andito lan kami.
Stacey: Hala Chin heard the news.Sana okay ka pls reply to us.
China: Okay lang ako salamat.Ayoko muna pagusapan sana maintindihan nyo.
Vera: Asan ka?
China: Nakabalik nako ng Manila.Salamat sa inyo dont worry about me.Okay lang ako.Soon magkukuwento ako not now.Diko pa lang talaga kaya.
Stacey: Isang mahigpit na yakap Chin.Andito lang kami pag ready kana.
China: Salamat.
Tumatawag din si Mommy Leina sa akin.Pinatay ko ang tawag at saka ko sya tnxt.
China: Mommy Leina Salamat po sa lahat.Never ko po kayong makakalimutan nila Mamita.Salamat po sa pagtanggap sa akin.Salamat po sa pagmamahal nyo.Okay lang po ako wag po kayong magalala.Di ko lang po talaga kayang kausapin kahit sino ngayon.Hope you understand..
MommyLeina: China anak pls lets talk.Nagaalala ako sayo.Tinawagan ako ni Liam at sinabi ang nangyari.Pls talk to me anak..Maayos pa natin to.
China: Sobrang sakit po Mommy.Wag po muna ngayon diko kaya.Magingat po kayo.Pls tell Liam pabayaan nya muna po ako.Grabe lang yun sakit..
Mommy Leina: I understand anak.But pls pag kaya mo na lets talk?
China: Okay po.