Kabanata 3

1503 Words
Napangiti na lamang siya ng mapait sa sinabi nito sapagkat tama naman talaga ito tungkol sa kaniya. "Marga iha tamang-tama kararating lang ng inaanak ng kakilala ko galing states. Napakabuting bata nun garud nagkita kami kanina sa palengke at pumayag na samahan ka. Sapagkat may kailangan din ito kay Kanor." Saad ni Manang Elma. Agad nabura ang kalungkutang nadama niya kanina at agad itong sinagot. "Talaga po? Nako salamat po ng marami manang." Nakangiting saad niya sa matanda. Matapos niyang kumain ay agad siyang tinulungan ni Aling Lena papasok sa kaniyang kwarto. Ng tuluyan na siyang makapikit ay bigla siyang napamulat sa boses ng dalawang babae. Nakasakay siya sa isang karwahe at kasabay niya ang dalawang babaeng nag-uusap. Hindi niya maaninag ang mukha ng mga ito,napansin niyang may hawak pala siyang payong na kulay dilaw. Katerno ng damit na suot niya at gwantes tiningnan niya ang suot na damit. Nagulat siya ng mapansin ito na para bang pamilyar ang mga kasuotang suot niya at ng mga kasama. "Margareth mukha ka atang wala sa iyong pag-iisip. Mayroon bang bumabagabag sa iyong isipan?" Tanong ng babaeng nasa harap niya. "Ha? Hindi ako si Margareth." Gulat na saad niya. Napatingin siya sa paligid maraming tao ang naglalakad na kahintulad ng kanilang suot ngunit hindi iyon kasingtingkad gaya ng kanila. Bigla siyang nagtaka paano siya nakakakita? Bakit parang nagtungo siya sa ibang panahon? "Nakapagtataka ang iyong mga galaw ngayon aking pamangkin. Ayaw mo ba sa lugar na ito? Hindi ka ata masaya na sinama kita dito sa bayan." Nag-aalalang saad ng isang babae na tansya niya ay nasa mid 30's. "Pamangkin?" Bulalas niya sa isipan. Puno ng pagtataka ang nasa isipan ni Marga. Hindi na siya umimik ay baka mapagkamalan pa siya na baliw ng mga kasama. Nanlaki ang kaniyang mata ng mapansin ang buong paligid. "Tiya anong taon po ba tayo ngayon?" Tanong niya dito. Nagulat naman ang dalawang babae pero agad din napatawa. "Nako iha ayan kasi nasa loob ka lagi ng kwarto kaya pati taon ngayon ay hindi mo na alam. Tayo ay nasa Isang libo at siyam na daan ngayon." Sagot nito sa kaniya. Muntikan na siyang mahulog sa upuan sa sinabi nito. "Ano?!" Gulat na gulat na saad niya. Mukha ding nagulat ang mga ito sa kaniyang inasal. Agad niyang inayos ang kaniyang postura at nagsalita. "Paumanhin po sa aking inasal nagulat lamang ako sa inyong sagot. Saan po ba tayo patungo Tiya?" Paglilipat niya sa usapan. Muntikan pa siyang mabulilyaso sa kaniyang inasta kanina buti nalang at parang nadala naman ang dalawa sa pinagsasabi niya. "Doon tayo pupunta sa bahay ng mga Alcazar kakarating lang daw ng anak ng Mayor galing sa Amerika. Personal tayong inimbitahan ni Ginoong Alcazar sapagkat matalik na kaibigan ito ng iyong papa." Paliwanag nito. "Ganoon po ba." Saad niya. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit para siyang nasa totoong mundo at nakakakita din siya ng maayos. Gusto din niyang malaman ang dahilan kung bakit siya bumalik sa nagdaan. Huminto ang karwahe sa isang napakalaking tahanan. Puno ng mga sasakyan at bisita sa labas na masayang nagkakamustahan. "Ayon na pala ang iyong ama mukhang kanina pa ito nag-aantay sa ating pagdating." Saad ng kaniyang Tiya. Sumunod naman siya dito at ng makaakyat sa hagdan ay masaya itong binati ng kaniyang ama daw. Matangkad ito at parang kahawig ng kaniyang yumaong ama. Hindi niya alam ngunit biglang sumikip ang dibdib niya ng maalala ito. Larawan lamang ang kaniyang nakita sapagkat binawian daw ito ng buhay ng silang magkapatid ay wala palang muwang. Sumunod din agad ang kaniyang ina ng ilang buwan. Kusang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin dito. "Andito kana pala Carolina pumasok na kayo sa loob." Saad nito sa kaniyang Tiya. Agad itong napabaling sa kaniya at nagulat ng mapansin siyang umiiyak. "Ano ang iyong problema at bakit ka umiiyak Margareth?" Puno ng pag-aalala ang boses nito sabay lapit sa kaniya. "W-wala po maaari ko po ba kayong mayakap?" Tanong niya at agad na pinahid ang kaniyang luha. Agad na lumambot ang matigas na expression nito at binukas ang dalawang kamay. Lumakad siya palapit at mahigpit itong niyakap ramdam niya ang presensya nito na totoong-totoo. Mainit at nakakataba ng puso ang yakap nito na mas lalo niyang ikinaiyak. "Tahan na iha ano ba ang nangyayari sa iyo? Naging iyakin ka ata." Saad nito sa kaniya. "Pasensya na papa sobrang namiss ko lang po kayo." Sagot niya dito. Ngumiti naman ito at nagsalita. "Talagang napakalambing mong bata naaalala ko tuloy ang iyong ina." Malungkot na saad nito. "Andyan lang pala kayo kanina pa ko pa kayo hinahanap nako ito na ba ang iyong anak Heneral Davis?" Saad ng isang magandang babae. "Oo ito si Margaretha Davis ang aking napakalambing na bunsong anak." Pagpapakilala ng kaniyang ama. "Nako kay gandang bata ako nga pala ang si Esmeralda Alcazar ginagalak ko na ikaw ay makilala." Masayang saad nito sa kaniya. "Kinagagalak ko din po kayong makilala." Magalang na sagot niya. Pansin niya ang pagiging magalang ng mga tao sa lugar at malalim na pagsasalita ng mga ito. Buti nalang at alam niya ang mga dapat gawin sapagkat minsan na rin siyang nagsulat ng historical genre. Panay salita ang ginang na pati ang kaniyang ama ay lubos na nagpasalamat ng hilain ng kaibigan nito. Naiwan na lamang sila sa sala na patuloy na nag-uusap. "Nako! Muntik ko nang makalimotan nais kung ipakilala sa iyo ang aking anak na pangalawa. Medyo matanda lamang si William ng ilang taon sayo." Saad nito sa kaniya at nagpalinga-linga. "May anak po pala kayo hindi ko po napansin sa iyong kagandahang taglay." Nakangiting saad niya dito. "Ikaw bata ka tama nga ang iyong ama hindi kalang malambing malakas ka din mambola." Natatawang saad nito. "Nako iha iiwan muna kita dito at tinatawag na ako ng iba kung kumare. Maging comportable ka at wag mahiyang magsalita kung mayroon kang kailangan." Dagdag nito at nagpaalam. Naiwan siyang mag-isa sa sala agad din naman siyang tumayo sapagkat pagod na siyang umupo. Napag-isipan niyang pumunta sa taas at hinanap ang balkonahe. "Sa wakas tahimik at walang distur- aray sino yung walanghiyang nambato sakin?!" Naiinis na saad niya habang nakahimas sa kaniyang ulo. "Pasensya na binibini hindi ko alam na mayroon palang tao na kasingliit mo sa balkonahe." Sagot ng estranghero sa bandang puno. Hindi man niya ito masyadong makita sa dilim ay alam niya ang pilyong tono ng pananalita nito. "Hoy kung ano ka man ang kapal ng mukha mo na batohin ako eh alam mo naman palang may tao. Halika dito at harapin mo ako ng makatikim ka ng kamao ko." Sigaw niya dito. Kampante naman siyang hindi siya maririnig sapagkat nasa likod siya ng bahay ng mga Alcazar. Narinig niya ang pagpipigil nito ng tawa at agad din namang gumalaw para bumaba ng puno. Ng tuluyan na itong nakababa ay naglakad ito papalapit sa ilaw at bumaling sa kaniya sa taas. "Masaya kana ba sapagkat ikaw ay nakasilay na sa aking magandang mukha?" Nakangising saad nito. Muntikan na siyang mabulunan sa sinabi nito at hindi rin niya maitatangi na totoo hinala nito. Matangkad at makisig ang dating ng estrangherong lalaki. Maputi din ito at makinis ang balat na parang gatas. Mapula ang labi nito at matangos ang ilong. Ang bughaw nitong mga mata ay mas lalong nagpatingkad sa magandang mukha nito. Nakasuot ito ng puting damit na hanggang pulso ata dahil nakatupi ang manggas nito hanggang siko. Bukas ang dalawang buttones nito at kitang-kita ang makisig na puting dibdib. Naka itim ito na pantalon at sapatos sa bandang ibaba na mistulang nagmukhang anghel na bumaba sa puno. Agad niyang inalis ang kaniyang paningin dito ngunit pumagting sa kaniyang tenga ang maliit na pagtawa nito. "Wag mo akong tawanan hindi nakakatuwa." Namumulang saad niya. "You look so funny when you act like that." Sagot nito. Nagulat siya ng magsalita ito ng Engles sasagutin niya sana ito ngunit baka magtaka ito. "Hindi kita maintindihan bakit kaba andito? Bakit wala ka sa loob? Magnanakaw kaba?" Sunod-sunod na tanong niya dito. Mas lalo itong natawa sa mga tanong niya na lubos niyang ipinagtaka. "Siraulo pala itong lalaking to eh." Sa isip niya. "Hindi ako magnanakaw andito lang naman ako para magmasidmasid sa paligid." Nakangising saad nito. "Aba pilosopo." Mahinang saad niya na ikinakunot ng noo nito. Napansin niyang parang kanina pa ito nakatingala sa kaniya kaya napag-isipan niyang bumaba. "Hindi kaba napapagod sa kakatingala sa akin? Baba ako diyan ka lang." Saad niya dito. Tumingin siya sa paligid at dumango sa baba. Hindi naman ganoon kataas kayang-kaya lang talunin sa tansya niya. "Hoy lalaki saluin mo ako ha." Saad niya dito at akmang tatalon. Nanlaki ang mga mata nito na tila nagulat sa pinagsasabi niya. Pikit mata siyang tumalon sa balkonahe patungo sa nasabing estranghero. Ramdam niya ang pababangķ katawan ngunit agad na mayroong kamay na nakayapos sa kaniyang beywang. Pareho silang natumba sa lupa at naramdaman niya ang pagtama ng kaniyang mukha sa matigas na dibdib nito. "Aray." Bulalas niya sabay himas sa kaniyang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD