Kabanata 2

1511 Words
Nagising si Marga sa mga boses na naririnig niya sa paligid. "Dapat mabulok sa kulungan ang lalaking iyon! Hindi katangap-tangap ang ginawa niya kay Marga!" Naiiyak na saad ni Ally. "Shh baka marinig ka ng kaibigan natin wag kang iiyak sa harap niya alam mo naman si Marga." Lakas loob na saad ni Elle. "Kumain na muna kayo ako na ang bahala sa kaniya." Saad ng isang pamilyar na boses. Sinubukan niyang idilat ang kaniyang mga mata ngunit ang ipinagtataka niya ay bakit napakadilim ng paligid. "Elle? Ally? Bakit ang dilim? Anong nangyare?" Tanong niya. Narinig niya ang pinipigilang paghikbi ni Ally at agad na napahawak sa kamay niya. "M-marga andito ako." Saad nito. Para siyang binuhusan ng tubig ng kinaway niya ang kamay ni Ally sa harap niya ngunit wala siyang maaninag. "Anong nangyayari? Ally bakit ganoon bakit wala akong makita?" Nagpapanic na saad niya. "Marga calm down maayos natin to I'll call the doctor." Saad ni Elle. "What's going on Ally bakit wala akong makita?" Umiiyak na saad niya. Narinig niya ang hakbang na papalapit sa kaniya at rinig niya ang mahinang hampas ng papel at pagtipa ng ballpen. "I'll be asking a few questions for you Marga can you tell me how many fingers I raised?" Tanong ng Doctor. "Wala akong makita kahit anino." Nanginginig na saad niya. "Her eyes must have affected due to the car accident she got into." Saad ng Doctor. "Will she be able to see again?" Tanong ng pamilyar na boses. Napatigil siya at napalingon sa boses na iyon hindi siya maaring magkamali. Naging mas malaki at malamig na ang boses nito hindi gaya ng dati na napakalambing at masayahin. "We will run for a few test Mr. Cortez however, let's just hope this will only be temporary and curable. As for now let's wait for the results." Saad ng Doctor. "Please do anything to make her see again. Money is not an issue for us." Dagdag nito. "D-diego?" Nauutal na saad niya. "I need to go I still have meetings to attend." Madiing saad nito. Rinig niya ang papalayong yapak ng sapatos nito. Mas lalo siyang napaiyak sa pangyayari tinurukan muna siya ng pampakalma ng isang nurse. Ng magising si Marga ay naamoy niya ang pamilyar na pabango. She will never forget that scent dahil gawa ito ng mommy niya para sa kaniya. Lagi niyang sinasabi sa kanilang butler na palagyan yung kwarto niya ng pabangong iyon. Patatansya niya ay naroon siya sa dating kwarto hindi man lang niya masisilayan ito ulit. Sinubukan niyang bumangon ngunit agad siyang natumba dahil sa gulat ay may nahila siya'ng tablecloth na sabay niyang natumba. Agad bumukas ang kwarto at rinig niya ang pagsinghap ng isang babae. "Nako po maam wag niyo munang pilitin tumayo at baka mabinat kayo." Saad nito. Akmang tutulongan siya nito ay pinatigil niya iyon. "Kaya ko." Saad niya at kinapa ang paligid. "Hayaan mo siya." Dagdad ni Diego. "Pero hindi po niya nakikita-" Agad niya itong pinutol. "Gusto kung mapag-isa." Mahinang saad niya. Narinig niya ang pag-alis ng mga ito agad naman siyang napahikbi. Wala siyang mukhang maihaharap kay Diego sa dami ng kasalanan niya dito. Inaasahan na niya ang asal nito pagdating sa kaniya. Ilang araw din siyang nagmukmok sa kwarto at hindi man lang nagsasalita. Napansin niya ang biglang pagbato sa kaniyang pinto patungong balcony na ikinagulat niya. Sinubukan niyang tumayo at kinapa ang gilid naaalala pa niya ang kabuohan ng kwarto. Sana nga lang ay hindi ito ginalaw upang hindi sya mapahamak. Sinuyod niya ang gilid at nakapa ang pinto ng balcony. Narinig niya ang pagtunog ng bukasan nito na siya namang ikinatumba niya. May nakapa siyang susing kwentas sa gilid ng balcony. "Paano nagkaroon ng susi dito?" Nagtatakang tanong niya sa sarili. Agad siyang bumangon at kinapa ang railing ng balcony. Rinig niya ang masayang himig ng mga ibon at paghampas ng hangin sa mga puno. Hindi niya alam kung bakit pero parang dejavu lang habang hawak niya ang kwentas. "May tao ba dito?" Tanong niya. Ngunit walang sumagot sa kaniya naisip niyang baka guni-guni lang niya ang pagbato sa kaniyang pinto. "Kung binabalak mong tumalon hindi kita pipigalan malaki kana at lalong alam na alam mo ang ginagawa mo." Walang ganang saad ni Diego sa kaniya. Hindi na siya nakaimik sa sinabi nito. "Ikaw na ho ang bahala sa kaniya kailangan ko ng umalis." Saad nito. "Sige iho mag-iingat ka." Sagot ng matandang babae. Narinig niya ang papalayong yapak ng sapatos senyales iyon na umalis na si Diego. "Hayaan mo na ang kapatid mo iha sapagkat hindi nito matanggap na ito ay mag-isa." Saad nito at ramdam niya ang paglapit nito sa kaniya. Agad niyang nakilala ang boses ng matanda matagal na itong naninilbihan sa kanilang pamilya. "Naiintindihan ko po hindi ko naman masisisi si Diego kung bakit ganoon na lamang ang trato niya sa akin." Malungkot na sagot niya dito. "Walang matigas na puso ang hindi nadudurog hayaan mo muna si Diego na matangap niya ang presensya mo matagal-tagal ka din hindi bumalik." Saad nito at inalalayan siya sa may upuan. "Kamusta ho kayo manang naninilbihan parin po pala kayo dito." Saad niya at umupo sa couch. "Hindi ko na binalak pang umalis habambuhay kung pagsisilbihan ang pamilyang Cortez." Sagot nito. Naisipan niyang matagal na si Manang Elma sa kanila baka may alam ito sa susing nakita niya. "Manang itatanong ko lang po kung para saan ang susing nakita ko. Pansin ko rin po may letrang nakaukit sa susi puwede niyo po bang tingnan?" Tanong niya sa matanda sabay abot ng susi. "S-saan mo ito nakita?" Tanong nito na may halong pagkagulat. Kumunot ang noo niya sa tono ng boses nito at agad nagsalita. "Mayproblema po ba?" Tanong niya. "W-wala naman iha, parang pamilyar lang ang porma nito at hindi ako maaaring magkamali ito ang sinasabi ng lola ko na nawawalang susi kamo." Saad niya. "Ano po? Sa saan?" Nacucurious na tanong niya. "Sabi-sabi kasi noon lalo na dito sa bayan natin kuwento lamang ito ng lola ko. Naninilbihan din siya dito dati sa mga Cortez halos buong pamilya ata namin ay malugod na nagseserbisyo sa inyong lahi. Minsan daw na hinalughog ang buong bayan dahil sa isang susi at posibleng ito iyon dahil may naka-ukit na Margareth. Totoong ginto daw ang susi nito na pinagawa ng isang Heneral para sa kaniyang pangalawang anak na babae." Pagpapaliwanag nito. "Ayon pa sa mga tao na baka daw doon itinago ang kayamanan ng heneral. Meron din nagsasabi na mga secreto ng buong angkan ng heneral. Kaya marami-rami din ang sumubok na maghanap. Pero kalaunan ay kinalimutan na lamang sapagkat hindi na ito nakita pa." Dagdag nito sa kaniya. Napaisip si Marga sa sinabi nito kung ganoon baka espesyal nga ang susi na hawak niya. "Kung ganoon maaari po bang isecreto natin ang susi na ito baka magkagulo pa ulit yung nagdaang pumanaw dahil dito." Pagbibiro niya. "Nako! hindi ko nga alam kung totoo ba iyon halos isang dekada na ang lumipas. Ikaw talagang bata ka." Natatawang saad ng matanda. "Manang may kilala po ba kayong maraming alam tungkol doon sa nasabing heneral at nagmamay-ari ng susing ito?" Tanong niya. "Si Kanor ang natitirang taga-bantay ng mga ari-arian ng nasabing heneral. Yung ninuno kasi nito ay gaya din ng pamilya ko naninilbihan din sa pamilyang yaon." Saad nito. "Puwede niyo po ba akong samahan sa lugar na iyon?" Saad niya dito. "Nako iha hindi na ako kasing lakas gaya ng dati titingnan ko nalang kung sino ang maaaring makasama sa iyo doon." Saad ng matanda sa kaniya. Napasimangot na lamang siya sapagkat gusto na niyang alamin kung ano ang secreto sa susing hawak niya. Pansamantala na muna niyang itinago ang susi at napagpasyahang magluto. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya magpapatulong na lamang siya. Bagot na bagot na siyang maupo sa kama at wala man lang ginagawa. "Nako maam ako na lamang po baka mapaso kayo." Saad ni Aling Lena. "Wag na po kaya ko naman-aray." Sigaw niya ng aksidenteng masiko ang mainit na tubig sa gilid. "Maam! Nako sabi ko na nga po eh lagot ako nito kay sir." Saad nito at tinulungan siyang tumayo. Napakagat labi na lamang siya sa sobrang hapdi ng kamay at braso niya. "What's going on?" Matigas at may halong diin ang tanong nito. "Nako po sir-" Agad niyang itinago ang kaliwang kamay niya at nagsalita. "Nagpapatulong lang ako kay Aling Lena wala namang-" Hindi na natuloy ang pagpapaliwanag niya ng hilain nito ang kamay niya. Rinig niya ang pagsinghap ng katulong habang napa-aray naman siya sa ginawa nito. Unti-unti nitong linuwagan ang pagkakahawak sa kaniya at nagsalita. "Stay here." Madiing saad nito. Agad itong naglakad paalis at bumalik din naman agad. Inalalayan siya nitong maupo sa sala at saka pinahiran ng gamot ang braso at kamay niya. "S-salamat." Nahihiyang saad niya dito. "Kung sa tingin mo ay pinapatawad na kita ay nagkakamali ka. Kahit papaano ay kapatid parin ang turing ko sayo hindi ako gaya mo na hindi marunong kumilala ng sariling kapatid." Saad nito at agad siyang iniwan mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD