"MORNING, Dad." "Oh, Khairros. Good morning, son. Have a seat." "Yeah." Awtomatikong bumaba ang ulo ko nang mapansing sumulyap pa muna ng tingin sa akin si Khai bago tuluyang naupo sa bangkong kaharap ng ama niya. Lumunok ako at inayos ang sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa ako balingan ng tingin. "You look different today, Khairros." "Am I?" Kahit na abala sa paghahanda ng pagkain ng mag-ama ngayong umaga, ang tainga ko ay nakikinig sa kanila. Dinig na dinig kasi sa buong kusina ang pag-uusap ng mag-ama. "Yeah. You seemed energetic." "It's just your imagination, Dad." Natigil ang pag-uusap ng mag-ama nang lumapit na kami ni Lily sa kinaroroonan nila para ilatag na sa lamesa ang agahan nila. Bahagya akong nabigla nang makaharap si Mr. Hakenson ay ngumiti

