"NAKAKAHIYA naman. Ikaw pa ang naghatid niyang mga hinihiram kong costume mo." Ngumiti ako sa kaibigan. "Wala 'yon. Bumili rin kasi ako sa palengke kaya naisipan ko na rin idaan sa 'yo." Napatango siya sa sinabi ko at isa-isang tiningnan ang laman ng echo bag. Puno ito ng mga costume na dati kong ginagamit sa club. Hiniram niya ito para magamit. "Salamat dito, ha," aniya matapos tingnan ang mga 'yon. Tumango at natahimik na. Unti-unti namang nagbago ang itsura niya. Biglang naningkit ang mga mata niya. "May iba ka pang dahilan sa pagpunta rito sa akin bukod sa paghahatid nito. Tama ba 'ko?" Napaiwas ako sa tinuran ng kaibigan. Nahihiya akong tumango. "So, bakit? Anong problema?" Awtomatikong nagbagsakan ang mga balikat ko nang maalala kung ano nga ba ang pinoproblema ko. "Babalik

