CHAPTER 52.1 - Event "HEY, are you okay?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Khai sa tabi ko. Napipilitan akong ngumiti nang makatagpo ang naguguluhan niyang tingin sa akin. "Are you sure?" naninigurado niya pang tanong. Sunod-sunod akong tumango. "Ayos lang ako." "Kanina ko pa kasi napapansing parang tulala ka at malalim ang iniisip. Is there any problem?" Umiling ako. "May... may iniisip lang ako," dahilan ko na lang. Nanatili ang kunot sa noo niya. Mukhang hindi pa kumbinsido sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako at mas nilawakan pa ang ngiti sa labi. "Iniisip ko lang 'yong sa negosyo namin ni Lexi. Magsisimula na kami sa susunod na linggo." Kinailangan pa namin ng kaibigan na ayusin ang mga damit bago ito ibenta. Tulad na lang ng paglalaba sa mga 'yon at pagpaplant

