"SIGURADO ka na ba, Katie?" Tumango ako bilang tugon sa tanong ni Lexi. "Pero hindi natin alam kung mabebenta ba natin ang mga 'yon. Marami na rin kasi nagkalat na online seller na ganito ang binebenta," paalala niya sa akin. Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman natin malalaman ang resulta kung hindi natin susubukan. Isa pa..." Bahagya akong napatigil nang may maalala. Napangiti ako. "May nagsabi sa akin na kayang-kaya ko 'to...natin." Kaagad na bumakas sa mukha niya ang panunukso. Mukhang may ideya na kung sino ang taong binanggit ko na nagsabi sa akin ng gano'n. "Iba talaga kapag may lovelife na. Sobrang saya ng buhay." Nahaluan ng hiya ang ngiti ko. Ilang minuto pang nagtagal ang panunukso sa akin ni Lexi bago namin napagpasyahang lumakad na para masimulan na ang mga dapat naming

