Chapter 29 - Fire

2719 Words

"KATIE, ikaw na ang bahala rito." "Sige." "Salamat." Nang umalis na si Sonya sa harapan ko ay itinuon ko na ang atensiyon sa basket ng bagong labang damit. Napabuntong hininga ako bago ito binitbit at tinahak na ang daan patungong pangalawang palapag ng bahay. Kung ano-anong ideya ang tumatakbo sa isipan ko habang naglalakad. Natigil lang 'yon nang sa wakas ay narating ko na ang harapan ng kwarto ni Khai. Napaderetso ako ng tayo at lumunok. Itinaas ko na sa ere ang kamao para katukin ang pintong nasa harapan ko. Bigla na lang may kung anong sumipa sa puso ko nang makarinig na ako ng yabag mula sa loob. Pareho kaming nagkatigilan ni Khai nang pagbukas niya ng pinto ay nagkatagpo agad ang mga mata namin. Ilang saglit din nagtagal ang pagtititigan namin bago sabay na nag-iwas ng tingin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD