"MUKHANG blooming ka ngayon, Katie." Napamaang ako sa narinig. "Ha?" "Oo nga, pansin ko rin," segunda ni Sonya sa sinabi ni Lily. "Tingnan mo ang itsura niya, ang ganda! Parang kumikinang pa ang balat." "Aminin mo mga. Inlove ka ba?" pang-uusisa naman ni Lily. Naging palipat-lipat ang tingin ko sa pagitan nilang dalawa. Pagdating talaga sa dalawang ito, lahat na lang ay napapansin nila. "Ano ba kayo, ito naman talaga ang natural kong itsura," sabi ko na lang, tinatakasan ang pang-uusisa nila. Malakas na natawa si Lily. "Oo na, Katie. Alam naman naming maganda ka talaga, pero kakaiba talaga ang itsura mo nitong mga nakaraan." Nag-init ang pisngi ko at tila gustong kumuha ng salamin para matingnan ang sarili. Gusto kong makita gamit ang sariling mga mata ang tinutukoy nilang pagbabago

