"KATIE, pakihatiran daw si Sir Khai ng agahan sa kwarto niya. Tinatamad siyang bumaba rito sa kusina." Tumango ako sa narinig na utos ni Manang Cecilia na nitong nakaraan pa nagbalik mula sa bakasyon nila ng mag-asawa para sa binyag ng kanilang apo. "Sige po, Manang." "Pakidagdagan din ang pagkaing dadalhin mo. 'Yon ang bilin niya sa akin." "Opo." Nagsimula na akong ihanda ang mga pagkaing dadalhin sa kwarto ni Khai. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa kanya dahil sigurado naman akong magpapatimpla ito ng kape. Nang maihanda na ang lahat ay naglakad na rin ako patungo sa pangalawang palapag ng bahay. "Ito na ang almusal mo, Khai," bungad ko nang pagbuksan na niya ako ng pinto ng kwarto niya. Nasasanay na akong tawagin na lang siya sa pangalan niya kaya kahit papaano ay wala na ang

