"YOU should eat a lot." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinapos ko muna nguyain ang laman ng bibig bago nagawang makapagsalita. "Bakit naman?" Tumitig siya sa akin. "Look at yourself. You're thin. Parang konting hawak lang sa 'yo ay mababali na ang buto mo." Suminghal ako. "Hindi ako payat, sexy ang tawag dito." Puno siya ng sarkasmong natawa. "Sexy? You look malnourished to me." Napanganga ako sa narinig. Pakiramdam ko ay napahiya ako. Namilog ang mga mata ko nang mapansing dinagdagan ni Khai ang pagkaing nasa plato ko. "Teka... anong ginagawa mo?" "Kainin mo ang lahat ng 'to." "Pero busog na ako." "No buts." Natahimik ako at 'di malaman kung paano matatakasan ang ginagawa niya. Istrikto siyang tumitig sa akin nang makita ang itsura ko. "You'll not leave this room until y

