Chapter 44 - Avoid

1907 Words

UMAGA pa lang pero ramdam ko na agad ang bigat ng katawan ko. Kung puwede lang, mas pipiliin ko na lang ang maghapong humiga sa kama dahil sa iniindang bigat ng loob. Pero dahil hindi ko maaaring gawin 'yon, wala akong nagawa kundi ang bumangon para magtrabaho. Nakababa lang ang ulo ko habang abala sa loob ng kusina. Ramdam ko ang pagsulyap ng tingin sa akin ng mga kasamahan ko na binabalewala ko na lang. Malamang ay nagtataka sila sa ikinikilos ko. Simula kasi nang magising ako ay wala ako ni isang binabati o iniimik sa kanila. Tahimik lang, tulala, at bagsak pa ang mga balikat. Ni hindi nga ako sigurado kung paano gumagalaw ang katawan ko para gawin ang mga gawaing bahay. Para akong robot na naka-setup lang. Pasimpleng umangat ang tingin ko at bumaling sa dining area nang mapansing du

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD