Chapter 45 - Her Family

2313 Words

"ANONG nangyayari dito?" bungad ko nang makapasok ng bahay. Sa labas pa lang nito ay rinig ko na ang mga sigawan. Kita ko ang mga magulang ko na natigilan. Mukhang sila ang dalawang taong naririnig kong nagsisigawan. Ang mga kapatid ko naman, halatang nakahinga nang maluwag sa naging pagdating ko. "Ma, Pa, ano na naman ang pinag-aawayan nyo?" baling ko sa ina at ama ko. Napaiwas ng tingin si Mama. "Ito kasing ama mo, nangungulit na naman sa pera." "Isang libo lang naman kasi, Katherine. Bakit hindi mo pa maibigay?" singit agad ng ama ko. Sinamahan siya ng tingin ni Mama. "Wala ngang sobra na pera! Naka-budget na ang lahat!" "Hindi ako naniniwala! Siguradong may sobra pa, ayaw mo lang ako bigyan!" "Hindi talaga! Ipapangsugal o ipapang-inom mo lang naman 'yong isang libo na 'yon." "K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD