The Goddess

3398 Words
Hunter's POV "Take good care of yourself Art....If anything happened just don't hesitate to call me. I'm just one call away remember that." saad ni Cyrll kaya napangiti ako dahil mula kagabi pa syang ganito. Panay panay ang paalala nya sakin ng mga dapat kong gawin kapag dating ko doon. Yinakap ko sya at parang nagulat pa sya nung una pero kalaunan ay yinakap na din nya ko pabalik. "Cy thank you for everything." sabi ko.  "Art kapatid na kita kaya hindi ka na ibang tao sakin kaya isa ka sa ayokong masaktan. Ingatan mo ang sarili mo para sakin gusto ko makatapos ka na ng pag aaral mo." sabi nya dahilan para mapatulo yung mga luha ko. Ito yung hindi nagawa ng kuya ko para sakin...yung totoong malasakit at pagmamahal. Mayamaya ay may narinig na kaming announcement. Kaya napahiwalay na ko ng yakap sa kanya at pinunasan nya yung luha ko gamit yung palad nya. "Lagi ka naming dadalawin ni Roian doon...kaya wag malulungkot and don't forget to message me everyday." muling paalala nya at napatango ako. Sobrang adjustment ang ginawa ko sa unang buwan ko dito dahil first time na ang layo ko kina Cyrll. Ilang araw na lang start na ng pasukan kaya halo halong kaba at excitement yung nararamdaman ko at hindi din ako pumapalyang i-message si Cy regarding sa sitwasyon ko dito. Noong bago magtanan sina Yvie at Andy ay naiopen up ko kay Yvie yung nararamdaman ko kay Gale. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit papaano ay naintindihan nya ko at sabi nya mas okay na naghiwalay kami ni Gale ng landas na hindi pa gaanong kalalim yung pagkahulog ko sa kanya kaya makakayanan ko at limutin na muna ito at pagtuunan ko yung pangarap ko. Tama sya at wala naman kase kasiguraduhan na matutupad ni Gale yung tatakbo sya pabalik sakin para subukan namin dahil wala syang binigay na panahon kung hanggang kailan ako maghihintay saka demonyo nga sya di ba? "Hi?" natauhan ako sa malalim na pag iisip ko na may bumati sakin. Isang babae at isang lalaki na may hawak na tray na inoorder nila. Parang nahiya sya noong napatingin ako sa kanila at nagdalawang isip pa kung itutuloy pa nya yung sasabihin nya. "Yeah....you can sit..." anas ko at bago ko hinigop yung kape ko. Sobra pagkakatitig nila sakin kaya napatikhim ako at lalo silang nahiya at nagbaling ng ibang direksyon ng tingin. "Uhmmm...can we ask what is your name?" friendly na tanong nung lalake na parang bakla yata? "Why would you want to know?" tamad kong tanong. "uhmmm...friend ikaw na kaya hirap mag english eh..." sabi nung bakla sa kaibigan nyang babae.  "Ikaw na...kahit bara barang english na lang...parang Italyana naman yan eh..." sabi nung babae. At nagtuturuan na sila. "Bakit gusto nyong malaman yung pangalan ko?" tinagalog ko na yung tanong ko. At nanlaki na yung mga mata nila sa pagkakabigla. "Pinoy pala sya friend." anas nung bakla at bakas naman sa mga mata nung babae yung amusement. Nagring yung phone ko. Si Cyrll. "I told you to occupy my house that two blocks away from your school..." ayan na nenermon na naman sya kaya napangiti ako. "That's to big for me Cy...your house in Woodpecker st is enough for me... and about the car uhmmm... let me think about it first if I really need it. For now, magbibiyahe muna ko." natatawang saad ko at napabuntong hininga pa sya bago sumuko.Napatayo na ko at binitbit yung kape ko at dire-diretsong lumabas ng coffee shop habang kausap pa din sa kabilang linya si Cy. Nung nag start na kong mag aral ay doon ko lalong hindi na ininda yung pangako ni Gale pero ang kinagugulo ng isip ko ay sa tuwing may magyayaya sakin ng date ay hindi ko magawang paunlakan sa di ko malamang dahilan. At yung dalawang taong makulit sa coffee shop sa kasamaang palad ay kapitbahay ko sila at lagi silang nanggugulo sa akin. Si Polly yung bakla at si Lei naman yung babae. Mga nagwowork sila dito para sa pamilya nila. Si Polly sa isang fastfood nagwowork tapos si Lei ay isang clerk sa isang company malapit sa school na pinapasukan ko. Habang kasama ko yung kaklase ko na si Kelvin ay nakita namin sa daan na may nanghaharass kay Lei. Hindi ako kumilos dahil ayokong may makaalam ng kakayahan kong manakit ng pisikal sa isang tao. Kaya hinayaan ko si Kelvin na kumilos. Simula nung gabing iyon ay lagi ko ng nakakasama sina Lei gawa ni Kelvin dahil may gusto sya dito. Pagpasok ko ng gate nagulat ako ng madatnan ko si Lei na nakaupo sa pangalawang baitang ng hagdanan sa harap ng front door ng tinutuluyan ko. Halos 10pm na ah! "Lei...." tawag ko at pag angat nya ng paningin nya ay napangiti sya pero bakas sa mata nya yung pagod sa maghapon na trabaho nya. Tumayo sya at lumapit sa akin bago iniabot ang isa maliit na container ng pagkain. Wala sa loob ko na inabot ko iyon. "Luto namin ni Polly iyan para sayo Hunter.." nakangiting sabi nya. Kahit gamit ko na yung totoong pangalan ko dito ay mas pinili kong magpatawag sa pangalan na yan...ewan ba? Naiisip ko kase si Gale ayokong maging unfair sa kanya. "Salamat..." tipid akong ngumiti sa kanya. Mayamaya ay may pumaradang luxary car sa harap ng gate ko. Si Lei kita mo ang pagkamangha sa mga mata nya sa bagay na nasa harap ng gate ko. Pinahawakan ko muna sa kanya yung pagkain. Napangiti ako nung lumabas yung nagmamaneho nun kaya sobrang excited ko syang pinagbuksan ng gate bago sinugod ng yakap. "Hindi halatang namiss mo ko..." natatawang saad ni Cyrll. "Bakit ngayon ka lang dumalaw?" tanong ko ng humiwalay ako ng yakap sa kanya. "Sorry,Madalas kase kami sa Australia recently ni Roian...." sagot nya at mayamaya ay iniabot nya sakin yung susi nung sasakyan. Nagatatakang napatingin ako sa kanya. "Cy....." hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil naguguluhan ako. "Kotse yan ni Gale Ashley Reigh....kaysa manakaw yan sa bahay nyang never nyang tinirhan sa kabilang state...ikaw na lang gumamit at saka nandyan sa loob lahat ng documents nyan." Natatawang saad ni Cyrll at inaya ako syang pumasok. Hindi ko naman magagamit yang kotse na yan bahala silang magkapatid. "You have new friend." nakangiting saad ni Cyrll habang nakatingin kay Lei na tulala sa kanya at medyo nahiya sya nung natauhan sya. "Cyrll...She's Lei and Lei she's Cyrll..." pakilala ko at nakipagshakehand si Cy sa kanya. "I'm Cyrll Altamirano Mondragon...Hunter's Sister" pakilala ni Cy at namilog yung mga mata ni Lei at napatingin sakin Napalunok sya bago nakapagsalita. "M-Ma'am....sorry po hindi ko po kayo nakilala..." kanda utal nyang sabi na kinagulo ng isip ko at kinataka din ni Cy "Ma'am?" takang tanong ni Cyrll "Eh...Ma'am sa kumpanya nyo po ako nagwowork as admin clerk..." hiyang hiya na sabi nya at napayuko pa sya. Napakamot ng  gilid ng noo nya si Cyrll at parang nahiya. "Don't be that so formal Lei... you are friend of my sister so you don't need to..." hindi maituloy yung sasabihin nya kaya "She's normal person Lei.." dugtong ko at napangiwi si Lei. Hanggang sa hindi ko namalayan na may mga nadagdag na sa buhay ko na hindi ko namamalayan. Sina Polly,Lei at Kelvin. Sila yung naging pamilya ko dito sa Amerika kaya kahit papaano nalabanan ko yung lungkot na malayo sa bagong pamilya ko at hirap sa pag aaral. Si Cyrll consistent na nadadalaw nya ko kapag hindi sya busy. "Nasa Berlin si Gale..." saad ni Cy noong minsan dalawin nya ko at pa ready na ko sa residency training ko sa medicine. "I know..." bulong ko at napataas ang kilay nya sakin. "Bakit hindi mo sya sinundan? okay na sya at magaling na" takang tanong nya. "Kapal ng mukha nyong magkapatid ah! Hindi ako patay na patay sa kapatid mo para magkandarapa sa kanyang sundan sya!dang fi-feeling nyo!" muryot ko at napatawa lang sya habang pinagluluto nya ko. "Why so defensive?" takang tanong ni Cy.  "I'm not defensive! kapag nakita ko yang kapatid mo sasakalin ko pa yan! pa-fall ang lintik!" papahinang boses ko sa inis.  "Sakal lang huh? Walang pikutan?"  tantyadong tanong nya sakin kaya napapikit ako ng mariin talagang proud na proud sya sa kapatid nyang demonyo huh? "Ang i-orient mo yung kapatid mo ng bumait." nakasimangot kong saad. "Actually hinahanap ka nya since last year pero pinahihirapan ko sya....lahat ng investigators nya lahat yun binablock ko. Gusto kong paghirapan ka ng kapatid ko na yun......" sabi nya na kinapula ng mukha ko. Haist! heto aasa na naman ako tapos pabokya na naman kaya bahala na sya kung maghahabol sya? Mag iinarte ako ng sagad para pagbayaran nya yung tagal ng pag aantay ko. Hanggang sa nagstart na nga yung residency training ko sa isang hospital malapit lang din sa tinutuluyan ko at magkasama kami ni Kelvin. "Lei is so beautiful Hunter..." day dreaming ni Kelvin habang kumakain kami. "Hindi ka pa din sinasagot?" tanong ko at napatango sya. "May gusto na daw iba pero hindi pa din ako tumitigil sa panunuyo ko." sabi nya na sobrang motivated. "That's the spirit!" natatawang saad ko. At ang nagpagulo ng sitwasyon ko dito sa Amerika noong umuwi ako ng gabing iyon.... Habang papalapit na ko sa gate ng tinutuluyan ko ng matanaw ko sina Polly at Lei na parang nakikipagtalo sa isang lalake at ng makilala ko iyon.Si Kelvin at parang lasing ito. "Why you can't love me back?"frustrated na sigaw ni Kelvin at parang umiiyak na ito at ganun din si Lei dahil umaalog ang balikat nito habang inaalalayan sya ni Polly. "I'm sorry....I'm sorry Kelvin... Kung kaya ko lang talaga na utusan yung puso ko...pero hindi talaga eh.."  umiiyak na paumanhin ni Lei Napatingala si Kelvin sa langit habang nakakuyom ang mga kamao. Nalungkot ako dahil nasasaktan yung kaibigan ko. "Sino? sino yung nagugustuhan mo?"nanghihinang tanong ni Kelvin kay Lei Ang tagal bago sumagot si Lei. Pero noong sumagot sya parang bomba sa pandinig ko at kay Kelvin iyon. "Kay Hunter..." halos pabulong nyang sabi. "Sorry Miss you can't have her...she's mine." nakangising saad ng babaeng nakaakbay na sakin. "Shann?" pabulong kong saad at halos mapatawa sya sa itsura namin. Pagtingin ko kay Lei halos pinagsisihan ko bakit napatingin pa ko sa kanya... sobra syang nasasaktan sa nakikita nya. Habang akbay nya ko ay ginaya nya ko papalapit sa tatlo. Lei insecurities and jealousy  was written all over her face. "Thank you Kelvin for taking good care of my girl...really appreciated it...for now can we leave you guys... sobrang namiss ko kase ito." saad ni Shann na kinagulat ni Kelvin na kilala sya nito gayong ngayon lang sila nagkita at walang pakundangan na hinila nya ko papasok ng bahay. "Gale will be really mad if she saw and heard everything happened recently..."  sabi ni Shann na nakaupo na sa sofa at habang ako ay tahimik na tinitingnan sya. Napataas ang kilay nya sakin. "You need to visit Philippines....Nanganganib yung mga anak ni Yvie...ikaw lang yung hindi spotted ng kaaway nya kaya sa tingin ko ikaw ang makakatulong sa kaibigan natin." seryosong saad nya. "Can I have a week? Kailangan ko lang makapagpaalam sa hospital na...." hindi na naituloy yung sasabihin ko. "That's crucial but....sige mag aadjust kami basta umuwi ka kaagad." sabi nya at napatango ako. Sa kabilang kwarto ko na pinatulog si Shann dahil hindi na nya kakayanin pang umuwi sa hotel na tinutuluyan nya at masyado ng gabi. Noong bandang 12 am pasado ay may mahihinang katok sa pintuan akong narinig kaya ng pagbuksan ko iyon laking gulat ko si Lei at sobrang mugto ng mga mata pero nagawa pa din nyang ngumiti sakin kaya napabuga ako ng hangin. Sya yung counter part ni Gale. Sobrang bait nya at caring sa totoo lang dahil tuwing may sakit ako ay sya ang nag aalaga sakin at ngayon ko lang narealize iyon dahil akala ko parang kapatid lang yung ginagawa nya para sakin kagaya ni Cyrll. Nagkamali ako. "Lei...." mahinang anas ko. "Nag aaral ka? sorry sa abala...uhmmm...dinalhan kase kita nito..." at may iniabot sya sakin na hiwa hiwang prutas. Nang tanggapin ko iyon ay biglang nalungkot ang loob ko. Hindi ko kaya na tapatan yung ginagawa nya sakin. "Dapat hindi ka na nag abala..." nahihiyang anas ko. "Yung kanina wag mong isipin yun.... I know my limitation basta hayaan mo lang ako na manatili sa tabi mo Hunter kahit hindi maibalik...I know she's not your girlfriend dahil hindi kuminang sa saya yung mga mata mo...Hindi sya yung Gale na laging bukang bibig mo kapag ikaw eh nagsleep talk tuwing inaaya ka namin na magmovie marathon." sabi nya at napakagat sya ng ilalim na labi nya. Doon ako nabigla at napayuko. Sobra yung epekto na binigay sakin ng Devil na si Gale. Parang akong nagkasakit ng malala ng walang gamutan. Ngayon ko napagtanto na maluwang ang mundo sa labas ng Garden na sana doon na lang kami ni Gale at walang ibang taong nagpapakomplikado ng sitwasyon namin. "I'm sorry..." bulong ko At narinig ko yung mahinang pagtawa nya at pagkatapos ay nagbuntong hininga. "You can have me Hunter habang wala pa sya...I'm here for your dispposal" seryosong saad nya nung nag angat yung tingin nya sakin at hinagkan nya yung noo ko. Ito yung kahinaan ko...yung manakit ng puso ng mabait sa akin. At hindi ko alam kung paanong paraan ko sya maitataboy dahil wala syang pinakitang masama sakin at lagi nya akong inaalagaan ng walang kapalit. Hinatid nila ko sa airport noong emergency na yung pag uwi ko ng Pilipinas at may dalawang  linggo lang yung dapat kong i-stay doon. Kaya pagtungtong ko ng Pilipinas ay agad kong inayos lahat ng dapat kong gawin. Kumilos ako ng hindi nila alam. Walang nakakaalam na umuwi ako ng mas maaga. At ginawa kong lahat para iligtas yung unico hijo ni Yvie. "I can't walk Tita Hunter...I'm really tired.." nanghihinang saad ni Yuji habang naglalakad na kami sa main gate ng warehouse nina Shann. Paghipo ko sa kanya ay may sinat sya kaya binalot ko sya sa jacket ko bago ko sya kinarga. Ang bilis nyang nakatulog sa mga bisig ko at halos mapatawa ako ng may mumunting hilik akong naririnig sa batang karga ko. Nanghihinang nakatingin sa akin si Yvie noong mapukaw ko yung paningin nya at nanginginig syang inaalis yung pagkakakubli ng jacket ko sa anak nya.Akala ata nya wala na si Yuji dahil grabe yung luhang kumakawala sa mga mata nya. Hindi ko alam bakit bigla akong natense dahil parang may nakamasid sa akin at ng ibaling ko ang mga paningin ko sa paligid para hanapin kung saan naggagaling iyon halos manghina yung tuhod ko at yung t***k ng puso ko heto halos lamunin na naman ako. Kaya agad kong naibigay kay Yvie yung anak nya at inutusan ko syang iuwi na dahil nilalagnat ito. Ako ng tatapos ng kabaliwan nilang ito. Habang papalapit ako sa gawi nila ay iniyuko ni Cyrll yung ulo ni Lucian para hindi nya makita ang mukha ko at hindi ko inintinding pilit yung presensya ni Gale na malapit na sa akin dahil wala akong matatapos. "Ano? Laging ganito na lang yung reunion natin yung halos may patayin na naman kayo?" malamig kong tanong sa tatlo. Napatingin ako sa batang babae sa isang sulok na nahihirapang umiiyak habang duguan yung kamay. Napalunok ako. That's my knife....Si Yvie! jusko bakit sinagad ni Lucian yung isang yun. "Saglit..." tumalikod ako sa kanila at nagsimulang  maglakad para kunin yung first aid kit ko. Naramdaman kong may nakasunod sakin kaya binalingan ko ito ng tingin. Napahinto din sya kaya tinasan ko sya ng kilay! "Saan ka pupunta?" nabigla ako dahil parang medyo panic yung boses nya. "Bumalik ka nga don! May kukunin lang ako sa kotse!" ewan bakit biglang nakaramdam na ko ng inis sa kanya. At wala naman akong nagawa dahil sinundan pa din nya ko na parang bata kagaya noong nasa Garden pa kami. Habang kinukuha ko yung first aid kit ay ginawa ko syang taga hawak para atleast may pakinabang yung pagsunod nya sakin. "How dare you! Hindi mo man lang ako namiss!" muryot nya kaya napabaling ako ng tingin sa kanya at pinigilan kong mapangiti dahil nakayuko sya at halos nakanguso habang salubong ang kilay nya. Pero hindi! Hindi na ko marupok kagaya dati! Tama si Cy paghirapan nya kong gago sya! Sinara ko yung pintuan ng kotse ko at hinarap ko syang muli. Kukunin ko sana sa kanya yung kit pero iniiwas nya at halos mapapikit ako sa sakit noong hawakan nya yung isang kamay ko na pinansalag ko sa bakal noong may sumugod sakin habang nililigtas ko si Yuji. "What the-----Sorry!Sorry!Sorry!" nagpapanic na paumanhin ni Gale. Bali yata ang buto ko dahil ngayon ko napansin na maga ito.  Halos hindi ako nakahinga ng nakakulong na ko ng yakap ni Gale. Parang nawalan ng lakas ang katawan ko dahil heto na naman yung puso at isip kong mga taksil dahil nagwawala na sila sa saya dahil nakauwi na kami sa bisig nya. Ang tagal kong nag aral pero heto natatanga na naman ako sa ginagawa ko dahil kinakain na naman ako ng isang salita ng demonyo sa isip ko. "Liligawan kita Hunter...." Tinatahi ko na yung malalim na sugat nung batang babae habang umaalingawngaw sa tenga ko yan. "Wow! Nakakaproud naman yung baby ko..." biglang na-voice out ni Gale. Tawang tawa si Shann at mahinang sinampal nya si Gale. Pero ako hindi makarecover ang isip at puso ko sa mabulaklak na bibig ni Gale. Hayop! Mag iinarte pa tayo di ba heart and brain! Bibigay na naman kayo! " Tang ina ka ang baduy mo!" natatawang pang aalaska ni Shann kay Gale na nakasimangot na sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag noong nakatapos ako at nabendahan ko na. Pinapiringan ko si Lucian kay Cyrll para makausap ko sya. Hawak ko yung swiss knife ko. Last gamit ko na talaga 'to. " Okey na yung sugat ng kapatid mo...nalapatan ko na ng gamot at natahi ko na..." malumanay kong saad at nagpipigil akong saktan sya dahil sa katangahan nya dalawang bata yung nadamay! Kagat kagat nya yung ilalim na labi nya at bakas sa mukha nya yung pagod, sakit at trauma? May mali na sa kinikilos nya. "Lucian?" tawag ko pero walang response. Yumukod ako at sinuri ko sya. Nang alisin ko yung piring nya sa mata ay ganun na lang ang panlalamig ng sikmura ko. Ganito yung kay Cyrll noong bumigay sya. "Cy?" tawag ko at naglapitan sila at kahit sila nagulat. "B-bumigay sya..." anas ko. Hindi nya kinaya si Yvie. Nagpatawag na ng pulis si Cyrll at ginamit na naman nya yung impluwensya nya dito at sinabi yung ginawa nito sa anak ng kaibigan namin. Pinaikot na naman nyang lahat. Noong papauwi na kami ay agad sumibat ng takbo sina Cyrll habang nakangisi kay Gale. Wala kase syang dalang sasakyan kaya heto magkasama kami. Sobrang nialabanan na nya yung antok habang binabagtas namin yung pauwi. Nagulat pa sya noong nagpark ako sa parking lot sa ground floor ng condo nya at sabay kaming sumakay ng elevator. Hindi na ko umalma ng yakapin nya ko habang nakapalupot ang isang braso nya sa bewang ko. "Buti dito mo naisipang magstay sa unit ko." saad nya at talagang patang pata na yung katawan ko sa puyat at pagod dahil simula ng dumating ako ng Pilipinas ay hindi pa ko nakakapahinga. "Wala akong bahay dito Gale..." tugon ko at napahikab. Pagbukas ng elevator ay akbay na nya ko hanggang makapasok kami ng unit nya. Nahiya ako noong madatnan namin yung sabugang damit ko sa maleta na nasa may salas nya pati sapatos ko at medyas. "Sorry sa kalat..." At akmang aayusin ko iyon ng pigilan nya ko. "No...bukas na lang at saka I actually love it...you feel at home in my sunctuary." at halos hindi na naman ako makahinga ng mapatingin ako sa mga mata nya na sobra ang amusement. Naunang naligo si Gale at pagkatapos ay ako naman yung sumunod na gumamit ng banyo.Pagkaayos ko ay hinila ako ni Gale sa kwarto kung nasaan yung inihanda nyang first aid kit para sa kamay ko. Napangiti ako ng makitang marunong syang maglapat ng paunang lunas sa ganitong bali at magbenda. " Dadalhin kita kay Yuri bukas para maayos 'to..." saad nya at napatango ako. Gusto ko na talagang matulog kaya nahiga na ko sa kama. "Sa sofa ka na lang Gale..." sabi ko at talagang antok na antok ako pero ang lintik tumabi na sakin at kinulong na ko ng yakap kaya hindi ako makagalaw. "f*****g no way! Tabi tayo!" muryot nya at hindi na inintindi ang pag alma ko. "Ako ang may ari ng unit pero naisipan mong patulugin ako sa sofa?" natatawang tanong nya. "Wala ka naman kaseng bait sa katawan para magkusang loob na matulog dun.." saad ko talagang pabigay na yung mga mata ko at diwa ko dahil wala na kong maintindihan sa sinasabi nya kaya napapikit na ko hanggang sa nakatulog. Ngayon ko narealize ng makaharap ko sya ulit at ng yakapin nya ko.... sigurado na ko. Mahal ko na talaga si Gale. Pero walang aamin! Brain!Heart! Narinig nyo wala munang aminan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD