The Devil

2259 Words
Gale's POV Nanginginig akong naglalakad papunta sa salas ng dati naming bahay at nanlalamig ang buong sikmura ko. Yung pawis sa mukha ko ay dumadaloy na sa noo ko pati sa pisngi ko. Para kang inaapoy ng lagnat pero nasa loob lang ito ng katawan mo. Hindi ko na alam kung ano yung totoo at hindi pero naririnig ko na yung classical music na madalas patugtugin ni Daddy. Hallucination is starting to build in my mind. Napaluhod na ko habang umiikot na yung paligid ko dahil sa tugtog na yun. "Don't" nahihirapang tinig ni Daddy sa harap ko habang hawak ko ang isang kamay nya at nakalantad sakin yung pulsuhan nya. At yung isang kamay ko naman ay may hawak na cutter. Napapayuko ako dahil may mga imahe akong nakikita sa balintataw ko. Giyera? Pagsabog? Barilan? What the hell is happening with me? Mayamaya ay yung classical music na lang yung naririnig ko at parang nagkulay abo yung paligid ko. Sadness is eating me alive. I want a hug so I can fight this f*****g sadness but no one give me any damn! Bakit parang nanggagaling na sa ilalim ng lupa yung classical music na yun? My heart beats abnormally! Natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan. "Look My Gale...He never been proud of you...For him you are just his dissappointment. He can't accept you! He can't love you!" Sabi ng isang tinig na hindi ko makilala. Pagtingin ko kay Daddy bigla akong natakot. He look like a clown with a devil smile on his face! Hindi bumubuka ang bibig nya pero naririnig ko yung isip nya. "Weak as always Gale!" "Weak as always Gale!" "Weak as always Gale!" Yan yung paulit ulit na sigaw ng isip nya sakin. My heart broke in a thousand pieces! Ginawa kong lahat para ilagay sa rurok ng tagumpay yung palugi nyang kumpanya! Ginamit kong lahat ng talino at dugo at pawis ko para maging proud man lang sya sakin! Dinurog kong lahat ng kaaway nya! Kulang pa din! I don't want to be unwanted! Kahit kaunting pagmamahal lang Dad! Gusto kong isigaw sa kanya! "Let's play Dad..." I said in my low tone voice. And I smiled at him when I saw fear build in his eyes. "Do it Gale!" Bulong ulit ng tinig na hindi ko kilala. "Can I make you proud right now Dad?" I said. Dahan dahan kong hinihiwa yung pulsuhan nya kasabay ng tugtog ng classical music na yun na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Anger, Betrayal, hatred, sadness and.....what the hell! Why I feel this! This can't be! Why I'm affraid! Why fear start to build in my system! Yung classical music parang nilalamon nito yung isip at tenga ko! Tang ina wala bang magpapatay non! Nanginginig na ang kamay ko sa takot sa tunog na yun! Please! Someone turn it off ! Parang hinahati nito yung tenga ko. Lalo akong nagimbal pagkakita ko sa mga kamay ko...dugo? Malaking sugat....yung pulso ni Daddy....at doon ako nilamon ng kadiliman ng pagtingin ko sa tatay kong walang buhay. Nahigit ko yung hininga ko ng magising ako ay umaga na. Hinang hina akong napabangon sa lapag ng salas namin. Ilang araw na akong nakaalis ng Garden ng hindi alam ng kapatid ko. Hindi kase ako gagaling sa lugar na yun.  Kaya sagad sa buto ang paghiling ko sa kanya na pakawalan ako sa paraisong hindi naman bagay sakin. Hunter. Napangiti ako ng mapait at napahawak ako sa kalahati ng mukha ko. She's my only hope. Ayoko syang madurog sa mga kamay ko. God knows how much I careful everytime I going to hold her hands and how much I careful to kiss her. Sobrang natatakot ako na baka madurog ko sya kagaya ng ginawa ko sa mga taong nakapaligid sa akin noon. I really hate this sanity! I really hate this trauma! Hindi ko man lang sya nadala sa isang mamahaling resturant dahil kadalasan ay classical music ang tumutugtog doon at nakakahiya kung doon ako magbe-breakdown sa harap nya. Kaya lalabanan ko yung trauma ko na 'to para mai-date ko sya sa mga ganung lugar! "Kapag hindi na kaya tumakbo ka pabalik sakin..." Napangiti ako habang inaalala ko yang katagang sinabi sakin ni Hunter. Naghilamos ako ng mukha ko at napatingin ako sa reflection ko sa salamin. "Just chase your dream Hunter....ako ang gagawa ng sarili kong daan pabalik sayo.....iaayos ko lang lahat ng sinira ko." Bulong ko sa hangin. Nagkakagulo ang mga Santillan at sina Tita Helga ng hindi nila malaman kung saan nagpunta sina Yvie at Andrea. Inalam kong lahat at napangisi ako sa katangahan nila. Bakit ganun ang naging desisyon nila? Tahimik akong kumakain sa resturant na pagmamay ari ng peke kong pinsan at kapag alam nyang andito ako ay walang classical music o kahit na anong instrumental song. Nasa kabilang table lang yung mag inang Anderson at nagtatalo sila. "Papatayin ko ang sarili ko Mommy kapag hindi naging akin si Andrea..." parang halos madurog yung boses nya ng banggitin ang katagang yan. Napaikot lang sa ere yung mga mata ko. Magpakamatay na syang hayop sya o kaya tulungan ko sya tarak ko sa leeg nya iyong hawak kong kutsilyo para the end na! "Lucian....hindi lahat eh makukuha mo. Grown up! Nilalagay mo lang sa alanganin yung relasyon natin sa mga Santillan!" Mahinang pagalit ng nanay nya. "Mas importante pa din sa inyo ang bagay na iyon kesa sa kaligayahan ng anak nyo? May agreement na tayo sa mga Santillan na kapag nakuha natin yung tiwala ng Tower ay magpapakasal kami para sa security ng Empire!" Pilit dinidiin ni Lucian. Tahol pa more! "Mamatay ako Mommy..." pagpapaawa nya sa Nanay nya. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang awa nya sa itsura ng anak nya. Jusko! Mapapatay sya ng kaibigan ko! Yan yung gusto kong isigaw sa kanila. Minamaliit nilang masyado si Yvie. Hindi nila alam na si Yvie ang isa pang Demonyo sa grupo. "Berlin....pupuntahan ko sya sa Berlin para pauwin at kapag nangyare iyon ikakasal kayo walang magagawa si Dominique dito...." saad ng nanay nya. Mayamaya ay dumating na yung kausapin ko. Pag upo nya pinakita nya agad sa akin ang lahat ng documents na kailangan ko. "That airline is now under your name Ms.Gale." saad nya kaya napangisi ako. "I gave you list of names na pahihirapan makalabas ng bansa....at ayokong makaka-tutungtong sila ng Germany ng ganun ganon na lang..." utos ko at napatango sya. Sisimulan ko ang pag aayos sayo Yvie. Hindi ko hahayaan na mawasak ka gaya dati. Sa pagmamatyag ko sa kanila sa Berlin halos makapatay ako ng mga taong inuutusan ng mga Anderson na magmatyag sa kanila. Lahat ng pananakot ginawa ko para ni isa walang malaman ang mga iyon sa nangyayare sa kaibigan ko dito sa Berlin. Kaya nung nakakuha ako ng tyempo ay kinausap ko si Andrea at talagang lunod sila sa kaligayahan dahil hindi yata nila nabibilang yung araw na nabubuo na yung bagay sa tyan nya. Sinabi kong lahat sa kanya at consiquences na mawala yung bata sa sinapupunan nya dahil alam na ng mga Anderson ang tungkol sa sikreto nila dito sa Berlin. Napatunayan ko sa kanyang lahat ng iyon at hindi sya nagmatigas na sumama sakin. Tinakas ko sya para kahit sya man lang mailigtas ko na hindi ko nagawa nung si Bianca yung nasa bingit ng kamatayan. Wala akong nagawa nung kay Bianca....sobrang nawalan ako ng kwenta sa sarili ko nung mga panahon na yun. Lahat ng impluwensya ko ginamit ko para maprotektahan si Andrea. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak sya dahil sa sobrang pagkamiss nya kay Yvie at nahihirapan sya sa pagbubuntis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa totoo lang. Nakakataranta! Kaya ako na yung nag adjust...I read books about pregnant woman...her diet and what to do everytime na aatatake ang moodswing nya. Halos makapatay ako ng tao nung kamuntikan na syang masagasaan ng sasakyan at sinadya iyon. Gusto kong kitilin yung buhay nya dahil mga anak at asawa ng kaibigan ko yung kamuntikan ng masaktan! Kasunod nun lumipat kami ng ibang bayan at mas dinoble ko yung pagbabantay sa kanila at halos kontrolin ko yung bawat sulok ng lugar na yun para walang makalapit sa kanila. For the first time....I found my bestfriend sa katauhan ni Andrea. Hindi ako nag alangan na aminin sa kanya lahat ng nakaraan ko at kung gaano akong kasama na tao. She accepted me. At naging parte ako ng pamilya nila. Nung pinanganak ni Andrea yung kambal at nakita kong pumuslit sa hospital si Lucian at tinakot nya si Andrea....inabangan ko sya sa labas ng hospital habang nakafacemask ako. Nawalan sya ng malay sa unang garote ko palang. Dinala ko sya sa isang eskinita na hindi gaanong nilalakaran ng ibang tao kapag ganitong gabi. Halos mamatay sya sa takot ng sindakin ko sya dahil sobra pagkakabasag ng mukha nya. My first warning that I gave to him? Pinutol ko ang hinliliit nyang daliri sa parehong kamay. Subukan nya ulit lumapit ay mauubos ang body parts nya sakin. Gumaling ako dahil sa kambal...paano? Nung minsan na mamalengke si Andrea at kasama nya yung inutusan kong magbabantay sa kanya ay naiwan sakin yung dalawa na noon ay gumagapang na. Nagbabasa ako ng mga documents ng mga weekly reports sa iba't ibang negosyo ko nung panahon na yun. Si Yuji ay tahimik na dumedede ng gatas habang nakahiga sa nilatag kong manipis na kama. Si Yves naman nung gapang ng gapang. Kampante ako dahil may nakaharang hanggang doon sa may hagdan. Pero nung mga ilang saglit ay narinig ko yung pagbuwal ng harang dahilan para gumapang sya palabas doon, Pahabol na ko kay Yves dahil tinutumbok na nya yung pababa ng hagdanan ay may tumunog na musika....musika na ayoko! Napatingin ako kung saan nanggaling iyon....s-sa device na nadiinan ni Yuji! Sobrang naliyo ako at umiikot na yung paligid ko habang ayan na naman yung parang nilalagnat ako. Pinilit kong humakbang habang naliligo na ko sa sariling pawis ko. "Y-Yves!" Nanghihinang tawag ko. Jusko! Wag ngayon! Mamatay sana yung music! Nagdidilim na yung paningin ko kaya hindi ko maapuhan kung nasan yung device na yun. Biglang mabilis na nagflash back lahat lahat sa isip ko kung paano ko hindi nasagip si Bianca at kung paano yung iyak ng kaibigan ko dahil sa pighati! Kung paano nagkatrauma si Yvie sa ulan! Kung paano ko winasak si Yvie! Napapikit ako ng mariin! Biglang narinig ko yung boses ni Hunter sa isip ko. She's calling me! Doon ako nagising at tarantang nahabol ko si Yves na isang usad pa nya malalaglag na. Parang naubos lahat ng lakas ko at yung kabog ng dibdib ko ay nilalamon kasama ng puso ko. Nanginginig ako habang yakap ko sya na ngayon ay nagta-thumb sucking. "Tang ina!" Mahinang mura ko sa hangin. Papatayin ako ni Yvie kapag may nangyare dito! Nung natutong magsalita yung kambal hindi ko alam bakit biglang nagkakulay yung mundo ko. "I love you Gale!" Irit ni Yves noong palabas na ko ng pintuan para bumili ng ice cream at ibang snacks para sa movie marathon namin. I was taken a back. This is the first time that someone says that word to me. Biglang nabuhayan yung mundo ko. Bumalik ako sa kanya at yumukod. "You love me? Why?" Napapangiting tanong ko. "Why? Silly! Because you love us!" Nakangusong saad nya. Kaya napangiti ako. "Thank you and to Yuji for coloring my life....sa susunod someone special to your life naman yung kukulayan nyo...baka konti na lang magbigti na yun...." natatawang sabi ko pero naguguluhan lang syang tumingin sakin. Hindi ko alam na sasaya pala yung buhay ko sa piling nung kambal. Yung mag iina yung nagturo sakin na patawarin ko yung sarili ko at lahat ng taong nanakit sakin. Kahit papaano gumaan yung loob ko pero may kulang. "Your face is so funny! Funny as heck!" Natatawang pang aalaska ko kay Yuji na ngayon ay nakasimangot sakin. Patabain mo ng bilog yung mukha ni Yvie pota! Ito yun eh yung pagmumukha ni Yuji! Binabantayan ko kase silang kumain. Si Yves sarap na sarap sa gulay na niluto ko pero itong isa...pakachoosy! "Gusto mong magutom?" Tanong ko kay Yuji. "Hotdog please?" Pa-cute nyang sabi. "Gasgas na yang pagmumukhang yan Yuji...hindi mo na ko madadaan sa ganyan..." naniningkit na mga mata kong saad sa kanya. Ayaw talaga nyang galawin yung pagkain sa harap nya. "Gusto mo ng hotdog?" Tanong ko at nagliwanag yung mukha nya kaya napangisi ako. Binaba ko sa harap nya yung isang libro ng Harry Potter at nakatitig sya doon. Pakatigas ng ulo manang mana sa pinagmanahan! "Read one chapter then I'll cook hotdogs and bacon for you.." paghahamon ko kay Yuji at gusto kong matawa dahil papaiyak na sya sa hinagpis. "I'm just 3 and point 5!" Nakasibing reklamo ni Yuji. Tawang tawa ako dahil talagang career sya sa turo kong edad nyang point 5! Kapag siguro nakita ako ni Yvie na ganito ko alaskahin yung unico hijo nya baka kalahating taon nya kong pagmumurahin! "Si Yvie Ryle Arcelo ang isa nyo pang parent...at kasing panget nyo sya!" Tawang tawang paalala ko sa kanila. Sikreto namin ito ng kambal kay Andrea na pinakilala ko na sa kanila yung hudas nilang Dada! Habang nasa kwarto ko ako at naglalaro ako ng games sa cellphone ko ng magvibrate ito. Pagbukas ko ng message na natanggap ko. Parang nabingi ako sa kabog ng dibdib ko sa sobrang saya. Picture ni Hunter 'She finished her medical course and now her 1st year residency training before she's eligible for medical licensing and she need another 2 or more years to complete the requirements. Ano kaya mo pa?' Tanong ng kapatid ko. Napangisi ako. 'So proud of her...babalian kita ng buto dahil sa panghaharang mo sa lahat ng investigators ko! I can find her. Wag mo kong maliitin.' Reply ko kay Cy. Napangiti ako dahil dahan dahan na nyang natutupad ang mga pangarap nya. Hintay lang Hunter..... "The Devil is on her way..." bulong ko. Napatayo ako sa kama "Yves! Yuji! We are going to celebrate!" Sigaw ko at nagkukumahog silang tumatakbo papasok ng kwarto ko. "Foods!" Sigaw ni Yuji na kinatawa ko at habang karga ko na si Yves. Handa na ko. ............................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD