That marked.

2134 Words
Hunter's POV Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Gale at lagi syang nasa Central Arc para mahiga sa duyan doon. On time naman yung ginagawa nyang pag inom ng gamot at okay naman yung participation nya sa therapy nya. Hindi ko alam bakit hindi ako sanay na ganun yung pakikitungo nya sakin at sobrang nakakapraning. Sobrang ang lakas nyang mang dedma. Si Cyrll o kapag si Yvie yung katampuhan ko oras lang ang binibilang okay na kami afterward. Pero itong isang 'to lintik taob pa na may relasyon kami sa sobrang pagkatampo! Ang lakas nyang mangtiis ng isang tao! "Hindi kayo nagpapansinan?" Biglang tanong ni Cyrll na tapos na pala nyang basahin yung result ng latest therapy ng kapatid. "Hayaan mo sya...para mapag isip isip nyang lahat ng sinabi nya sakin.." bulong ko habang nagbabalat ng gummy bears. Nakatingin lang sakin si Cy at natatawa. "You are stress...you eat sweet again...a large volume of sweet candies" saad nya ulit habang naiiling. "No. I'm not." Tugon ko at sinimulang kumain. "Malala yung ginawa mo kase hindi ka nya pinapansin..." saad nya ulit at doon nagsalubong yung kilay ko. "Wow! Huh!" Alma ko. Ako pa talaga huh. Napatawa si Cyrll. "Anong nangyare?" Tanong nya. Napatitig muna ko sa kanya bago ko binaba yung kinakain ko at napabuntong hininga. "She said she likes me...." nanghihinang saad ko at napangiti si Cyrll. "Mahalay ka..." sabi ni Cyrll na natatawa. "Ano?" Gago 'to ako pang mahalay? Baka kapag nilublob nya sa holy water yang kapatid nya malamang bumula ng todo yun at mag evaporate eh! Kasora! "She likes you to be her friend....Wag kabig ng kabig Art...." natatawang sabi nya. "Tang ina! Ako pang assuming dito? Kung i-salvage ko kayong magkapatid! She said, her heart starts to like me!" Bulyaw ko sa kanya. Lalo lang syang napatawa! "Ganito, Art believe her if she said she loves you....I mean nag 'I Love You' sya sayo yun yung intimate relationship na gusto nya para sayo......never nya kaseng binitawan yang salita na yan kahit sobrang pagkagusto nya kay Roian....pero kung 'like' madaming ibig sabihin yan...like to be her friend na gusto nyang papasukin sa buhay nya...." paliwanag ni Cy. Napabuntong hininga ako. Bigla din kase akong nailang kay Gale dahil dun eh. "Magbati na kayo....madali lang naman suyuin yang si Gale...gawan mo ng chocolate popcorn." Sabi nya. Napatitig sya sakin at napangiti. "And give her chance to know you....you won't regret it." Saad nya. ..... Habang nakatambay sya sa Central Arc nung hapon ay pinuntahan ko sya at may dala akong chocolate popcorn! Tang ina! Tama ba itong ginagawa ko? "Woh!" Saad ko at hindi ako makatingin sa kanya habang nilalahad ko sa kanya yung lalagyan ng chocolate popcorn. "Hindi mo ko madadaan sa ganyan..." malamig nya saad at pumikit sya habang nakahiga sa duyan na rattan. Napangiwi ako. Jusko ang tigas din ng isang 'to. Naupo ako sa bench malapit doon sa duyan habang hawak ko yung lalagyanan. Kapag hindi ko naman sya nakasundo pareho kaming hindi makakalabas ng Garden kase yung gatepass namin laging magkasama kami. Ang higpit naman kase ni Yuri! "You don't want to go out?" Tanong ko dahil matatapos na yung linggo hindi pa naman nagagamit yung passes namin for this week. "Umalis ka...maiiwan ako dito. Stop bothering me please." Walang ganang sabi nya. Napabuntong hininga ako para pigilan yung inis ko. "Look Gale...hindi ko alam kung saang banda ako nakagawa ng kasalanan sayo....kaya sige na...bati na tayo..." kainis parang hindi ko kilala yung sarili ko ng pakawalan ko yung mga salitang yan! Doon sya napamulat ng mata at diretso sa mga sanga ng puno sya nakatingin. "Woh! Wala ka naman palang kasalanan bakit ka nakikipagbati?" Poker face nyang tanong. Isang minuto na lang talaga mumurahin ko na yung isang 'to! Napapikit ako ng mariin...nakakainis yung talino nyang 'to! Huminahon ka Artemis kapag pinatulan mo ang baliw eh baliw ka din! "Napaghahalataan na tayo ni Cyrll na nag aaway..." saad ko. "Nag aaway ba tayo?" Tanong nya. Mahabaging palad ng panginoon ako po ay biyayaan nyo ng pasensya! Opo! Pasensya! "Gale...tama na yung pagtatampo....sige na...You win! You can ask any questions to me...I'll answer it with honesty." Pagsusuko ko dahil wala syang balak na ibaba yung dipensa nya sa pagmamaktol nyang 'to. "Napaka ano mo sakin...pero kapag kina Yvie sobrang open ka ng about sayo....samantalang sakin kahit ilang buwan na tayong magkasama dito never mo kong tinuring na kaibigan...." dire-diretsong maktol nya kaya napangiwi ako at napakagat ng ilalim na labi ko. Nakakalunod yung sobrang vocal nya. Sabagay kahit sina Yvie ganito din pero iba yung dating sakin nitong pagiging vocal ni Gale. Hindi talaga sya uusad sa isang issue hangga't hindi nya nabibigyan ng hustiya ito...iba din! "Kalma na...hindi ko naman kase napansin na ganun na pala eh.....okay! We are friends...you can ask me questions but....please wag mo kong biglain at hinay hinay lang." Saad ko at napatingin sya sakin bago bumangon ng higa sa duyan at naupo na lamang. Ayan na naman yung nakakapaso nyang titig na wari bang sinusuri nya ko kung nagsasabi ako ng totoo. "Who's Orion?" Seryosong tanong nya. Napalunok ako. Wala ng bawian ito at talagang napasubo na ko. "He's my brother..." I said under my breath at napayuko ako. "Does he hurt you?" Hindi ko alam kung anong tinig yung ginamit nya doon dahil parang guni-guni ko yata na parang nag aalala sya sa way ng pagtatanong nya. Walang tinig yung lumabas sa bibig ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko kaya marahang napatango ako. Kulang yung word na hurt eh...he almost killed me. "Damn it!" Mahinang bulong nya na may bahid ng galit. Tumayo sya at kinuha yung chocolate popcorn sa kandungan ko. Parang nabingi ako sa sumunod na nangyare dahil yung kabog ng dibdib ko hindi ko na nakontrol. She hold my hand and she pulled me para makatayo ako sa kinauupuan ko at gamuntikan ng mapayakap ako sa kanya. "Balik na tayo ng Quarter" saad nya at hinila na nya ko para maglakad ng hindi binibitawan yung kamay ko. "You can turn back on a person, but never turn your back on a drug, especially when its waving razor sharp hunting knife in your eyes." Biglang saad nya kaya napatingin ako sa kanya. "Sobrang favorite ko nung phrase na yan...lalo na yung pangalan nung author." Saad nya. "Anong pangalan nya?" Tanong ko at napatingin sya sa magkasiklop namin mga kamay. "For you to find out..." nakangisi nyang saad. "Ang daya..." bulong ko dahil hindi naman ako mahilig magbasa. "Pwede ba tayong dumaan sa unit ko bukas? May kukunin lang ako." Sabi nya at napatango ako. Kinabukasan... Napapikit ako ng mariin nang makaupo ng kalmado si Gale dito sa passenger's seat sa harap. "Ano? Naghihirap sa tela?" Pagalit ko sa kanya pero tinaasan lang nya ko ng isang kilay. "Si Eba nga hubo sa Garden of Eden eh okay lang walang malisya" sagot nya. "Si Eba yun! Laganap ang mga hinayupak na sawa sa daan!" Nakakagilgil yung mga sagutan nya sakin! "Tang ina bababa pa ba ko para magpalit ng pantalon??? Nauubos na yung oras natin woh!Saka ayoko sa sawa! Si Eba! Si Eba yung gusto ko!"may nakakalokong ngiti syang pinupukol sakin kaya hinataw ko yung braso nya! "Ulitin mo lang yung ganitong damit sa susunod talagang sasamain ka sakin." Banta ko at napasimangot sya. "Sungit! Higpit higpit! Aba! Wag madamot i-share mo din ako sa iba." Mahinang reklamo nya pero natatawa sa huling sinabi nya. At inirapan ko sya! Pagdating namin sa unit nya ay namangha ako sa luwang at ganda nito. Sobrang naka arrange ng maayos ng mga libro nya at gamit nya. Ngayon ko napagtanto, sobrang yaman talaga nya. Hindi ko alam bakit biglang nanliit ako sa sarili ko ngayon, Wala kaseng natira sakin simula nung gabing iyon. Kumuha ng bag na maliit si Gale at nilagay nya doon yung nintendo switch nya at ilang libro na may mga balot pa. "I can offer you the world....I'm the most Ruthless Billionaire in our group...I can do anything for you..." saad ni Gale na nakatayo na pala sa tabi ko kaya nagising ako sa malalim na pag iisip. "Pinagsasabi mo.." bulong ko. Pero yung buong sistema ko sobrang apektado na sa lahat ng sinasabi nya. She just chuckled. "Sobrang dali mong basahin..." sabi nya habang inaayos nya yung strap ng body bag nya. Ganun na ba ko ka-obvious kapag nanahimik? Kase kahit si Cyrll nababasa din ako. Magkapatid talaga sila. Naupo sya sa arm rest ng sofa at matiim nya kong tinitigan. "Sa Garden, there are lot of things I realize for life....this material things it fade....at nawawalan ng saysay dahil mas pahahalagahan mo pa din yung taong gusto mong makasama. Yung sya lang sapat na." Saad nya. Doon ako napatitig sa kanya. If she's good person like Yvie or Easy going like Shannon or Romantic person like Cyrll...Can I fall in love with her? She's literally a bad person. She'd never think in someone else's feelings. She really love to see people in their weakess point. She want everything under her feet! And devastation is normal in her hands. Kaya nagtataka ako bakit ganito sya sakin ngayon? She almost offer herself to me kahit pabigay na sya sa lahat ng pinagdadaanan nya. Devil can't have a halo above her head! Yan ang sigaw ng isip ko. "Devil..." I didn't know why it suppress in my lips. She laugh so hard at napailing. Tumigil sya sa pagtawa at sobrang amusement yung way ng pagtingin nya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. She hold my hand kaya napatingin muli ako sa mga mata nya. Namalayan ko na lang na nakaupo na ko sa kandungan nya paharap sa kanya. Parang kinakabisado nya yung bawat sulok ng mukha ko. "Even if I don't know your real name...who ever you are...I really like how you enchanting my system. Kinda addictive!" Bulong nya habang pinapasadahan ng dulo ng daliri nya yung buhok ko bago nya hinawi yung buhok ko na nagkukubli sa mukha ko. "I'm Artemis" gusto kong aminin sa kanya pero hindi ko magawa dahil may pumipigil sakin at sobrang natatakot ako sa ugali nya na kagaya ng taong gustong pumatay sakin. Uhaw sa kapangyarihan at kayamanan! Nakita ko kung paano nya dinurog si Cyrll na kadugo nya...kung paano nya winasak si Yvie...Kung paano nya nahawakan sa leeg sina Shann at Carol.Pero ano kaya ang pakiramdam na tawagin nya ko sa mismong pangalan ko? Hindi ko alam pero may isang sulok ng pagkatao ko na..I want this Devil to be with my side forever! Napasinghap ako ng magkadikit na yung mga labi namin. Halos mabaliw ako ng maramdaman ko yung dila nya na humihingi ng permiso na makapasok sa bibig ko. Halos bumigay yung dipensa ko at tinanggap ko sya. I felt her lips formed a smile noong nagtagumpay sya. I love candies but this...her candy lips and her bubblegum tongue is my sweetest drugs I ever taste and I can't ignore! Her tongue invading my mouth is really driving me crazy and it gives me sweet shiver to my spine! Okay lang bang bumigay? Halos mawalan ako ng ulirat ng sipsipin nya yung buong bibig ko! Saan nya natutunan 'to? Her both hand is like supporting my jaws while kissing me. Halos panggigilan nya yung lower lip ko bago nya ko tantanan. Ngayon ko namalayan na nanghihina pala akong nakahawak sa magkabilang balikat nya at ngayon naman nakasuporta naman yung dalawang kamay nya sa bewang ko. "Can I hug you?" She said while her eyes driven in emotion that I can't address pero nakita ko na ito sa mga mata ni Cyrll kapag tinitigan nya si Roian. Pero ayoko ulit mag assume! Baka bokyain na naman ako ng realidad kapag nalaman ito ni Cyrll. Kasabay ng pagtango ko ay kinabig na nya ko ng yakap. Bakit pakiramdam ko hindi na ko naliligaw sa bisig ng demonyong nakayakap sakin? Bakit biglang pumayapa ang sistema ko sa mainit na yakap sa taong katulad ni Gale. "Stop protecting me.....Chase your dream Hunter. I want to see you to grown up to be the woman you want to be...." Bulong nya sa tenga ko pero hindi ko alam bakit ako nasasaktan. Tinataboy nya ko at hindi ito matanggap ng isip at puso ko. Lalo akong nanghina sa huling binulong nya. "Let me go....bago ako bumigay sa loob ng paraiso na yun." Pagsusumamo nya. Why my heart is crashing down like a broken glass but in silent motion? Napahigpit yung kapit ko sa damit nya habang napapikit ako ng mariin habang iniinda yung mainit na bagay na nanakit sa puso ko! "Promise....I will ran after you soon I fight my own demon at sa susunod na paghaharap natin...karapat dapat na kong manatili sa tabi mo......at hihigitan natin yung fairy tale story nina Yvie at Andy....nina Cyrll at Roian....nina Yuri at Shann....hindi kita bobokyain gaya ni Carol..." saad nya at napatawa kami sa huling sinabi nya. Gago! Pati si Carol. Hinigpitan nya yung pagkakayakap nya sakin at nakasubsub na ko sa leeg nya kung saan ko sya nilagyan ng tattoo..... Her tattoo proves that this Devil is mine! I planted it small kisses at naramdaman ko yung paninigas nya at kasabay ng mabibigat na paghinga. When I stop....kahit labag sa loob ko... "Gale...you are free..." parang pumiyok pa ko sa huling sinabi ko. Panghahawakan ko na hahabulin nya ko pagkatapos nyang hanapin yung sarili nya. ........................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD