Hunter's POV
"Kahit magwala ka dahil sa pagkabitin mo sakin sa may kitchen....wala talaga akong magagawa para dyan dahil hindi talaga ako marunong makipag anuhan! Mag aaral pa lang ako.Hindi ka naman maiinip fast learner ako." Mahinang bulong ni Gale sakin habang kumakain sya ng spaghetti na luto ni Aling Pinang.
"What?----what the hell!" Singhal ko ng pabulong sa kanya at pinagmulatan ko lang sya ng mata at talagang naiinis ako sa kanya kaya kinurot ko sya pero tuwang tuwa lang sya na hinuli yung kamay ko na pinangkukurot ko sa kanya. Napakatabil ng dila!
Natigil ako ng natatawa si Chloe na nanunuod sa amin.
"Naku! Maraming salamat sa inyong dalawa para salo salo na inihanda nyo para sa apo ko." Sabi ni Aling Pinang.
"Maraming salamat sobra Ate Gale at Ate Hunter..." masayang pasasalamat ni Chloe sa amin.
Napangiti ako sa kanila at napatango indikasyon na okay lang saka hindi naman sila ibang tao para sa amin.
"Nah! It's okay....saka sobrang nasarapan naman kami ni Hunter sa bagbabalat ng ubas..." makahulugang sabi ni Gale na nakangisi sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin! Sobrang argggh! Kakagigil ang daldal!
Noong bandang 9pm ay hinatid namin sila dahil ang dilim ng daan at madalang ang poste ng ilaw.
Pagdating namin ulit ng Garden ay nagulat kami na nandito si Carol at patakbong yumakap kay Gale.
"Namiss kita Gale!" Habang yakap nya si Gale.
Si Gale ang higpit ng yakap sa kaibigan. Pagkahiwalay nya kay Gale ay napatingin sya sakin at pist bump? Doon ako napatawa ng mahina dahil sa kalokohan nitong babaeng 'to.
"I bring your telescope...look!" Turan ni Carol at nakaset up na iyon sa gintna ng open ground. Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng punong kahoy. Kumakain kase sya ngayon ng pagkain na niluto ni Aling Pinang.
"Finally..." mahinang anas ni Gale at parang iyon ang pinakapaborito nyang gamit.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Napangiti ako ng mabanaag ko sa boses ni Gale yung pagkamiss nya kay Carol dahil sobrang attentive nyang makinig at bawat detalye ng sinasabi ng kaibigan nya ay kinakabisado nya.
"Magpagaling ka kaagad para may kasama na ulit akong mamasyal sa abroad...." biglang sabi ni Carol at napangiti ng malungkot si Gale.
"Si Shann o kay sina Yvie muna ang isama mo..." sabi ni Gale.
"Ehhh! Mas gusto kitang kasama! Sobrang baby ako sayo...Ayaw na kitang ihanap ng girlfriend sobrang nakakaselos kapag nagkagirlfriend ka na...hindi mo na ko ibe-baby..." nakangusong sabi nya.
"Woh! Hindi pa daw ako pwedeng mag girlfriend." Natatawang sabi nya habang nakatingin sakin.
"Namo ka!" Kasora kanina pa sya!
Napatawa si Carol sa amin. Mayamaya ay parang may naalala sya.
"Nga pala nasa Singapore si Cyrll ngayon. Sabihin ko daw sayo na may proposal si Orion para mag invest sa kanila. Who's Orion?"tanong ni Carol na kinatabang ng paligid ko.
"Anong balak ni Cy?" Tanong ko dahil hindi ito nabanggit ni Cyrll sakin ng personal at sobrang urgent ng Singapore nya huh?
"I did'nt know....pero parang wala syang pakialam dahil busy sya sa offer ng mga Santillan. Gumagawa daw sya ng remedyo para kung sakaling mabusted si Yvie ay may plan B." Kwento ni Carol. Ang tutuso talaga!
Si Gale parang pinag aaralan yung kilos ko. Kaya tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Is that Orion hurt you?" Malamig na tanong ni Gale na kinatulos ko. Pero parang sumasang ayon yun way ng pagkakatingin sakin ni Carol.
Napatikhim ako.
"Hindi..." sagot ko at napatingin ako sa telescope. Gusto kong ma-try yun.
"The way Cyrll look at that Orion...parang papatay sya." Ang daldal ni Carol.
"Really?" Usisa ni Gale.
"Oo...parang may mali. Hindi nga nag abala si Cy na basahin yung proposal." Kwento ulit ni Carol bago kumain.
Gale look at me like I'm a bad liar! Napaka!
Hanggang sa makaalis si Carol ay panay panay ang tanong sakin ni Gale about Orion....actually that was my brother's nickname at labas na si Gale sa usapin patungkol sa pamilya ko.
"I have my ways para makilala si Orion." Biglang sabi nya nung papatulog na kami.
"Why it's bothering you..." pagod kong sabi.
"Nothing...just like....malaman ko lang na sinaktan ka nya...aabuhin ko sya pero kung hindi we are good." Nakangising sabi nya.
Sira ulo!
Hindi ko na sya pinansin dahil antok na antok na ako.
Kinabukasan nagpanic ako ng makita kong bakante na yung kama ni Gale. Napalalim yung tulog ko. Hindi pwedeng nawawaglitan ng paningin yung isang iyon.
Pagtingin ko sa orasan sa may dingding ay pasado alas-otso na. Dali dali akong lumabas para hanapin si Gale.
Nakahinga ako ng maluwag noong natanaw ko syang nag aayos ng pagkain sa table sa ilalim ng puno.
I compose myself to look like calm at hindi galing sa pagkataranta. Tahimik akong naupo sa isang silya habang nakatingin sya sakin.
"Nakakadiri ka Hunter walang mumog mumog man lang...." sabi nya at inabutan nya ko ng kutsara at tinidor.
"Aga mong nagising?" Tanong ko habang nagsisimula ng kumain.
"Body clock...." tugon nya at doon napataas ang kilay ko dahil ngayon lang nya ko naunahan magising.
"Inaantay kitang bumangon para hindi ka magpanic kagaya ngayon..." nakangising sabi nya.
"Panic? Mukha mo..." bulong ko.
Nasa kalagitnaan ng pag aalmusal namin ay nag alarm yung phone ko at napatingin ako kay Gale.
"We have 'visitors'...." sabi ko at nagpunas ako ng bibig gamit ang table napkin. Tumayo ako habang hawak ko yung swiss knife ko. Kalmado akong naglakad paikot sa may gilid ng West wing part ng garden at pagtingin ko sa cellphone ko napapikit ako ng mariin na umikot naman sa kabilang bahagi si Gale at hawak nya yung isang panyo at tinatali nya sa likod ng ulo nya para hindi sya makilala.
Parang gubat kase itong Garden at may lawak itong 26 na hektarya. At ginawan ito ng division ng nanay ni Cyrll. Ang madalas lang naming gamitin dito ay yung West Wing at yung North Alley kung nasaan yung gate at mataas na bakod.
May tatlo ng nakatawid....ang aga ng mga ito.
Nang malapit na ko sa kinalalagyan nila ay napatingin ulit ako sa cellphone ko para i-check si Gale. Nakaabang na din sya. Lima silang nakapasok at naghiwa-hiwalay ng lakad. Hanggang North Alley lang sila dapat at hindi sila pwedeng makatungtong ng Central Arc dahil nandoon lahat yung patungkol kay Cyrll at nasa West Wing naman yung kay Gale.
Nagkubli ako sa katawan ng isang puno ng may paparating sa gawi ko at pag yapak nya sa isang tuyong sanga ay inatake ko na sya mula sa likod nya. Sakal ko na sya sa leeg nya at piniga kong maiigi yung bandang itaas ng adam's apple nya dahilan para mahigit nya yung hininga nya at saka ko sya sinaksak sa binti at balikat nya at yung huling atake ko at doon na sya nawalan ng malay. Pasimple ulit akong naglakad papunta sa kinaroroonan nung isa pa at kinuha ko yung isang lubid na nakasabit sa sanga. Hindi nya namalayan na nasa likod na nya ko kaya iginapos ko ng mabilis yung leeg nya gamit yung lubid na dala ko. Tinutukan nya ko ng baril kaya hinila ko yung lubid papunta sakin kaya dumausdos sya papalapit sakin at doon gamit ang kutsilyo ko ay madiin kong hiniwa yung pulsuhan nya kaya nabitawan nya yung baril na hawak nya. Tinadyakan ko sya kaya napahiga sya sa lupa habang nanginginig nyang hawak yung pulsuhan nyang malalim ang sugat.
Bawat paghakbang ko ay syang padausdos nyang atras.
"Minuto lang mamatay ka...." natatawang sabi ko habang malamig ko syang tiningnan. Gusto kong matawa ng malakas ng lalo syang nagpanic sa takot.
Mayamaya ay may tumilapon sa paa ko. Halos malumpo ang itsura nito.
"Napatay ko yata yung isa pa doon..." kaswal na saad ni Gale kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Lumuhod ako at sinaksak ko yung likod ng tuhod ng lalakeng hinagis ni Gale sakin...pahiyaw na sya pero sinupalpalan ko yung bibig nya ng isang kahoy at kagat kagat nya yun dahil sa sakit.
Pagtingin ko sa nilaslasan ko halos magimbal sya at ang putla na ng mga labi nya dahil rumaragasa yung dugo sa may pulsuhan nya.
Mayamaya ay nag alarm ulit yung phone ko at pagtingin ko sa kuha ng cctv halos maihi yung isa pa nilang kasama sa pagtawid sa may bakod ng North Alley.
"Iniwan kayo ng isa nyong kasama?" natatawang tanong ko sa kaharap ko sabay pakita nung clip nung kasama nila. Hindi sya makakalayo....at nagmessage ako sa tauhan ni Cyrll na pulis ng bayan na 'to.
"Pundido ang isip nitong kasama ko kaya hindi ko alam kung sasantuhin kayo nito..." nakangising sabi ko at doon sya ginarote ni Gale hanggang sa mawalan din sya ng malay. Dahil sa oat taking ko nung college ay ginamot ko naman yung nilaslasan ko.
.............
Nakasandal kami ni Gale sa likod ng kotse ko at natatawa sa limang nakatalik ng magkakatalikuran at pabilog habang nakapiring ang mga mata at may busal sa bibig. May isang lubid ang nagkokonekta sa kanila at hawak iyon nung pulis na inutusan ko si Peter.
Nasa may bangin kami at alam nila yun kahit nakapiring ang mga mata nila dahil rinig na rinig nila yung paghampas ng malalakas na alon sa mga naglalakihang bato. Mayamaya ay nagdatingan yung ibang kasama ni Peter.
"Sir!" bati ni Peter at pagtingin sa amin nung mga bagong dating ay tinanguan nila kami.
"Pasensya na Ma'am at nakalagpas sila sa check point...nalingat kami." paumanhin nung isang pulis.
"Ayos lang...mamatay naman itong mga ito dito...." natatawang biro ko
"Todasin na yan Ma'am..." natatawang pagsasakay nung isa.
Yung lima halos maihi na sa takot. Kinuha ni Gale yung baril at nagwarning shot na lalong kinahina ng tuhod nung lima.
"Sayaw!" sigaw ni Gale kaya kahit nakagapos yung lima at nanghihina sa takot ay napasayaw yung lima kahit nakatali. Napa-face palm ako dahil sa kalokohan ni Gale na tawang tawa kasama sina Peter.
"Ayos ba?" mahinang tanong ni Gale sa mga pulis habang nagatatawanan.
Sinenyasan ko si Peter na alisan ng busal yung isa.
"M-M-M-Maawa po kayo! May pamilya pa po ako!" paulit ulit nyang pagmamakaawa habang patuloy pa din sa pagsasayaw yung apat.
"Sinong nag utos sa inyo?" malamig kong tanong at parang maiiyak sya kung aamin sya.
"Sagot na....maiksi yung pasensya ng boss ko na 'to..." bulong ni Peter.
"P-Papatayin nila ko at yung buong pamilya ko..." sabi nya kaya nabwisit ako kase gusto ko ng magpahinga kaya ang ginawa ko kinuha ko kay Gale yung baril at pinaputok ko lahat ng bala ng magazine noon malapit sa mga paa nilang lima. Si Gale natigalgal.
"See? Kapag niloko mo ko yan ang sasapitin mo..." mahinang sabi ko at walang gana akong tumingin kay Gale na napalunok bago napanguso.
Yung tatlo napaihi na sa takot yung dalawa napaupo na marahil sa pangangatog ng tuhod.
"Lundag!" utos ko sa lima.
Pero hindi sila makagalaw sa sobrang takot. Sina Peter ay natatawa sa palabas sa harap nila.
"M-Maawa po kayo..." umaatungal na sya ng iyak.
"kung hindi nyo kayang sagutin yung tanong ko...lumundag na kayo..." bagot na bagot kong sabi at nilahad ko yung kamay ko sa isang pulis at binigay nya sakin yung isa pa nyang baril at kinasa ko iyon at nag iyakan na naman silang lima! Nakakarindi!
Napatingin ako sa isang nakatali at waring tinataas nya yung kamay nya....Inalis ni Peter yung busal nung isang yun.
"S-Si...Sir Lucian Anderson...Sya po yung nag utos sa amin Ma'am....n-naghahanap po sya ng butas kay Cyrll at kay Yvie...." lintaya nya.
Doon ako napatango tango at binigay ko sa pulis yung baril.
So he's curious though? Bago pa nya malaman yung Garden ay madami pa syang pagdadaanan. Wala syang masisilip ng higit pa sa North Alley.
Humarap ako kina Peter at sinabi ko sa kanila na ikulong nila yung lima at antayin yung desisyon ni Cyrll.
"Hindi ka makikialam...Let Cyrll to decide in this matter...." sabi ko kay Gale na walang emosyon ang mukha at alam kong galit sya sa taong binanggit nung lalake.
"Kapag hindi kinaya ni Cyll....papakawalan kita sa Garden at ibabalato ko sayo yung hudas na yon." bulong ko kay Gale at napangisi ako sa kanya ng napatingin sya sakin.
................................................................................
Pagbalik namin ng Garden...napatingin ako sa kamao ni Gale.....sugatan ito kaya ang ginawa ko hinawakan ko sya sa pulsuhan nya at parang nagulat pa sya nung hawakan ko sya. Tahimik akong sinusuri yung sugat nya. Pagbalik namin doon sa lamesa sa kinakainan namin sa ilalim ng punong kahoy ay malinis na ito....mukhang dumaan na si Aling Pinang dito para kunin yung marurumi naming damit. Pinaupo ko sya at kinuha ko yung first aid kit. Habang ginagamot ko yung knuckle nya ay nakatingin sya sa mukha ko kaya naiilang ako.
"If you are not a nurse...you are a doctor like Yuri..." saad ni Gale na kinahinto ko.
Napangisi ako at muling tinuon ko yung paglilinis sa sugat nya. Magaling syang mag obserba huh?
"Nililinis ko lang 'tong sugat mo...nurse o duktor na agad?" natatawang sabi ko
"You know where to hit your knife in someone's body para hindi sila totally mamatay....alam mo kung saan yung pinaka weak na part ng tao katulad kanina nung nilaslas mo yung pulsuhan nung lalaki alam mo yung oras kung kailan sya malalagutan and the moment na mawalan sya ng malay doon mo sya ginamot para tumigil yung pagdurugo. Never kong nakitang nagpakawala ka ng suntok you always use your knife or your bare hands to choke them in the neck...sobrang pulido eh....parang pinag aralan mo ito ng matagal...." lintaya nya at napangiti ako dahil sakto yung sinabi nya.
"I'm a nurse...a long time ago..." I said under my breath. The long profession na kasamang naglaho nung gabing nakita at kinupkop ako ng nanay ni Cyrll.
Magtatanong pa sana si Gale ng may dumating na sasakyan. Pagbaba nung driver hindi ko alam bakit biglang may naramdaman akong mainit na bagay sa dibdib ko at hindi ako makahinga.
Si Roian ang dumating....yung first love ni Gale at may dala syang bagay na nagparagasa ng samut saring emosyon ko na matagal ko ng binaon nung gabing iyon.
Pagtapat nya sa harap namin.
"Bakit wala na kong maramdaman sayo ngayong kaharap kita..." biglang diklera ni Gale na kinatigalgal namin ni Roian.
"Wow! Huh! Goodmorning! Ganda ng batian mo!" Malditang bati ni Roian bago nya inirapan si Gale at nakipagbeso sakin.
"Wag ng magselos...kalma lang yung puso ko..." mayabang na saad ni Gale na kinasimangot ng mukha ko. Pinagsasabi ng hayop na 'to.
Napatawa si Roian.
"Kapag pikon ka...talo ka sa isang yan..." bulong ni Roian sakin.
At napangiti ako. Matibay lang talaga yung mga buto ni Gale dahil sa likod ng panggagarote ko sa kanya ay nakakatayo pa sya.
Binaba ni Roian yung isang bote sa harap ko at nakatitig sya sakin.
"Nagpunta sila sa opisina ko kahapon....may proposal sila sa akin na kung pupwede na sila ang maging supplier ng wine sa hotel at resort ko....and Cyrll give a hint regarding this wine...." sabi nya at hindi nya maituloy pero na-gets ko na.
"Yup...that's my formula..."I manage to smile but pain is now banging in my heart.
"Winemaker ka din?" Manghang tanong ni Gale.
"Di mo alam?" Takang tanong ni Roian.
"Hindi..." parang dissappointed si Gale pero hindi ko iyon pinansin.
"Ninakaw nya sayo ito?" Tanong ni Roian at napatango ako. Hindi ko kayang tanggihan lahat ng tanong ni Roian dahil parang si Cyrll din yung tinanggihan ko kapag nagkaila ako.
"Gusto mong bawiin? I can do it for you...kaya kong pabagsakin yun" alok ni Roian pero agad akong napailing dahil komplikado at may usapan na kami ng pamilya ni Cyrll.
"No...I already give up on them and you know what situation I have in my family..." sabi ko at parang doon lang nya naalala. My family knew I'm dead already...yun ang pinalabas ng pamilya ni Cyrll para mahinto sila sa paghahanap sakin.
"Just remember Ar-- Hunter kung may kailangan ka don't hesitate to tell me....Hindi ka na ibang tao sakin..." sabi ni Roian at malamlam yung mga mata nya kaya napangiti ako at nagpasalamat ako sa kanya.
Buong duration ng pag uusap namin ni Roian ay tahimik si Gale at ang lalim ng iniisip. Hinatid namin si Roian hanggang doon sa pinagparking-an nya ng kotse nya. Pabalik na kami ng Quarters namin sa WestWing.....
"Ilang buwan na tayong magkasama pero parang kaaway pa din yung turing mo sakin..." biglang saad ni Gale na kinahinto ko.
"Pinagsasabi mo?" Tanong ko ng binalingan ko sya.
"You can't even give me a chance to know you....sa kanilang lahat ako lang yung ina-out cast mo sa circle mo......You don't want me to die and you want me stay with you but you never give any damn for me to know you.....isn't it unfair?" Lintaya nya and pain is visible in her eyes.
Hindi ako nakakibo.
Sa kanila kase si Gale....yung lahat ng ginawa nya parang salamin ng ginawa ng kapatid ko sakin....natatakot ako na baka gawin din nya yung ginawa ng kuya ko sakin. I almost die that night....pero ang tinuluyan nyang patayin eh yung puso ko dahil higit sa lahat ng tao syang kuya ko ang pinagkakatiwalaan ko at sobrang mahal ko at nangakong iingatan ako.
"You giving me a f*****g dilema in my mind Hunter....baka nga hindi mo pa pangalan yan..." tumawa sya ng mapakla.
"Don't take it too serious Gale...We are friends." Sabi ko na lang and right there emotion ran to her eyes.
"Really?....." mahinang saad nya na parang nagpipigil.
Sa totoo lang iba't ibang emosyon na din yung nagwawala sa buong sistema ko ngayong nagkakaganito sya sa harap ko.
"I really hate you for hanging my brain in this kind of situation.....and I really hate you for making my heart to like you..." saad ni Gale bago ako nilagpasan.
Doon parang tinakasan ako ng ulirat at yung puso ko nagwawala sa isang emosyon na ayaw ko.....
Bigla akong nakaramdam ng saya!
Napakagat ako ng ibabang labi ko at napapikit ako ng mariin. Hindi pwede to!
Two devils don't deserve to fall in love!
.............................................