Hunter's POV
Parang ngayon ako nilalagnat sa ginawa ko.Yung parang uminom ako ng alak at nalasing ako at ngayon yung hangover! Hinalikan ko sya! Nagholding hands lang kayo bumigay ka na Hunter!
"Hunter lunod na yung mga halaman..."
Doon ako nagulat.
"May problema ka ba?" Tanong nya habang pinapatay ko yung gripo.
"Wala...." sagot ko at naglakad papunta sa may bench sa may west wing ng Garden at tahimik syang nakasunod. Pagkaupo ko ay naupo sya sa tabi ko at tahimik lang sya. Sa totoo lang ang hirap nyang basahin dahil iba yung kinikilos nya sa iniisip nya. Parang tinatantya nyang lahat ng pinapakita nya sakin.
"Tell me your story...." sabi ko at hindi ko alam bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
"You may drown...." kaswal nyang sabi na kinakunot ng noo ko.
"Drown where?" Tanong ko. Dahil sa kanila sya lang yung hindi gaanong ikinukwento ni Cyrll at Yvie sakin. Parang ayaw nilang i-share basta basta yung memory kapag patungkol sa kanya.
"Drown to me...." natatawang sabi nya kaya pinitik ko sya sa noo nya.
Natatawa syang hinihimas nya yung noo nyang pinitik ko.
"Do you think I'm bad person?" Tanong nya habang nakaangat ang isang sulok ng labi nya and her eyes seems serious.
Napalunok ako ng mapatingin ako sa labi nya kaya napaiwas ako ng tingin at inanalyze ko yung panahon na kasama ko sya dito at hindi yung panahon na kalaban ko sya dahil kay Cyrll.
"I think you are not....you just keep wearing a crack mask so everyone think you are powerful..." sabi ko at napatawa sya ng mapakla.
"You think so? I'm powerful than Cyrll so why you think I'm just wearing a mask just scared people?" mapaglarong tanong nya sakin.
Napatingin ako sa kanya at parang hindi sya makapaniwala sa mga sagot ko habang mahinang napapatawa.
"When the first time I knew that my Mom is the long time mistress of Cyrll's Dad....I knew that I'm going to hurt Cyrll to the extent that I need to kill her....that was my Mom's idea....but everytime I'm trying to hurt her...nauuna akong nasasaktan." Sabi nya at pinakita nya sakin yung braso nya na puro peklat ng hiwa na nakalinya hanggang sa pulsuhan nya.
"Lalo akong nadarag sa sakit ng malaman ko na kapatid ko sya sa ama....how's that? Trying to kill your sister? That's mentally torture for me. She's my bestfriend before she became my sister. Parang dalawang katauhan yung dinudurog ko...yung bestfriend ko at ang kapatid ko." pagpapatuloy nya at ibinaba nya yung mga braso nya.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Galit? Bakit? That's my situation....my brother literaly try to killed me. That's kind of betrayal is the one reason why my heart crashing into a thousand pieces. Parang may biglang pader ang tumayo sa pagitan namin ni Gale. I'm afraid again to give my trust to someone.
"Lahat sila ginulo ko para sumuko si Cyrll...ginamit nila Mommy yung pagkakagusto ko kay Roian...halos humantong na isa lang sa kanila yung dapat kong iligtas..nakahinga ako ng maluwag kahit papaano nung sa pag aakala ko na nagpakalayo layo si Cyrll...pero nagkagulo ulit ng ialay naman nila si Alvin.... wala sa plano ko ang may mamatay gaya ng gusto ng nanay ko. Pero hindi ko napigilan...hindi ko nakilala yung sarili ko. Ginawa kong lahat para pigilan sila para hindi mamatay si Bianca dahil ayokong madamay si Yvie....ayokong magparticipate sila sa nangyare.....ang balak ko hindi man ako ang piliin ni Roian ay isasama ko ang nanay ko at yung kapatid ni Alvin sa impyerno...mamatay kaming tatlo para makabayad ako sa lahat." Kwento nya at napayuko.
"Kaya hindi sapat yung ginagawa ko ngayon para makabayad sa kanila....I want to end my life....wala 'tong bilang....walang patutunguhan......gusto ko ng sumuko si Cyrll sakin dahil pagod na kong humarap sa kanila at hindi nila maisip na Walang kapatawaran ang mga katulad ko." Sabi nya na habang mapait na nakangiti.
In that moment...parang may mainit na bagay yung lumulukob sa puso ko at parang masakit. Hindi ko alam bakit sobrang apektado ako ng bitawan nya yung ganyang salita na wala ng halaga yung buhay nya.
"See? Your drowning...." natatawang sabi nya bago tumayo at naglakad papunta sa headquarter.
Bigla kong naalala yung kuya ko sa ugali ni Gale. How he manipulate me and our family just to have power and fame. How I'm so damn angry everytime na nakikita ko sya sa TV o kahit na anong pahayagan. He have it all.
Biglang pumasok sa isip ko yung halik na pinagsaluhan namin ni Gale sa sinehan. Sya yun! Yun ang tunay na sya...mahina at inosente. Daig pa yung bangungot dahil bawat pace ng pagdampi ng labi ko sa labi nya parang pakiramdam ko nandito pa din sa labi ko. How she respond to my kiss....she's so afraid she may done it wrong.....hindi nya alam na sobrang lakas ng impact non sa buong pagkatao ko. Hindi nya alam na parang sasabog yung puso ko sa isang emosyon na sobrang estranghero sakin ng maramdaman ko ang panghihina nya sa bawat pagdantay ng mga labi namin ng mga oras na yun.
'She's a bad person Art! Don't trust her! She's going to hurt you like what your brother did to you! She's capable of hurting!' Sigaw ng isip ko kaya napalunok ako. At doon parang hindi na naman ako makahinga.
Habang pabalik ako ng headquarter ay may narinig akong mga tinig na nag uusap.
Si Aling Pinang at yung apo nya. Sila yung katulong tulong ko dito sa Garden sa pagdadamo at paglalaba ng mga damit namin. Sya lang kase yung napusuan ni Cyrll na makatungtong dito. Isang kanto lang ang layo ng bahay kubo nila dito. At oriented na sila na sikreto ang kung anong meron sa loob nitong Garden.
"Naku! Salamat Ma'am Gale...." tinig ni Aling Pinang at ng silipin ko sila.
Si Gale nagsusulat sa isang notebook habang nakatunghay sa kanya yung apo ni Aling Pinang na si Chloe. Sa pagkakaalam ko Grade 3 na ito.
"Ma'am na naman....Gale...Aling Pinang...just Gale." Sabi ni Gale habang patuloy sa pagsusulat.
Napatawa si Aling Pinang habang nakikitingin din sa ginagawa ni Gale.
"Ayoko po sa math ate Gale...." sabi ni Chloe na kinataas ng kilay ni Gale.
"Parang sinabi mo na ding ayaw mo ng mabuhay....Tuturuan kita wag kang aning..." nakangising sabi ni Gale na kinanguso ni Chloe.
"Ayaw mabuhay agad ate? Di ba pwedeng hindi lang talaga kaya....birthday ko pa naman ngayon ganyan ka magsalita sakin." Reklamo ni Chloe na kinatawa ni Gale ng malakas.
"Alam mo ate ang ganda mo kapag ganyang tumatawa ka....parang linya na lang yang mga mata mo...." puri ni Chloe.
"Okay you get me there! I-celebrate natin yang birthday mo..." sabi ni Gale na kinapalakpak ni Chloe.
Kaya bumalik ako sa headquarter para i-check yung stack namin sa ref.
.....
"Kainis!" Mahinang bulong ni Gale habang ginagawa nya yung inuutos ko.
"Bilisan mo dyan...wala ka pa sa kalahati." Sabi ko at pinipigalan kong mapatawa sa itsura nya ngayon.
"Tang ina! Dalawang kilo 'to! Bakit pa kase binabalatan 'to!" Talagang hindi na nya mapigilan ang magalit.
Doon ako napatawa.
Pinagbabalat ko kase sya ng ubas para sa fruit salad na request ni Chloe.
Uto-uto amp! Talagang nagbalat sya!
Ang sama sama ng tingin nya sakin pero wala akong pakialam.
"Magbalat ka lang..." sabi ko. Ayaw naman nyang huminto eh..balat pa din sya kahit galit na.
Nung yung ubas na lang yung hinihintay dahil napagsama sama ko na yung ibang ingredients ay kinuha ko na iyong ginagawa nya at binuhos sa ginawa ko at parang gulat na gulat pa sya.
"Hindi pa tapos yung iba...." sabi nya sakin.
"Okay lang siguro na hindi nabalatan yan..." kaswal kong sabi at doon sya napapikit ng mariin kaya napakagat ako sa labi ko sa pagpipigil ng tawa. Magagalitin naman ng lintik na 'to.
Mayamaya ay tumingin sya sakin ng walang emosyon.
"Gustung gusto mo talagang minumura kita noh?" Walang ganang tanong nya sakin.
"Ubas lang 'to....sobrang big deal?" Nakataas kong kilay na tanong.
Ngumisi sya sakin.
"Ulitin mo yung ganitong pantitrip Hunter...." lumapit sya sakin at tinapat nya yung labi nya sa tenga ko kaya nangilabot ako.
"I'm going to rape you..." bulong nya na halos gumapang sa buong pagkatao ko.
Think fast Hunter!
Tinulak ko sya habang natatawa.
"Really? Humalik nga hindi ka marunong mang-rape pa?....hindi mo nga namamalayan na tumutulo yung laway mo habang hinahalikan kita at sinalo ko lang lahat....see? Pasalamat ka sa pagiging masinop ko...." nakangising sabi ko para ibalik sa kanya yung pang aasar nya. Namilog yung mga mata nya at sobrang pamumula ng mukha nya.
"Gago." She mumbled kaya napatawa ako.
Nawala yung pagtawa ko ng mag iba yung tingin nya sakin kaya napalunok ako. Desire? Lust? I can't name it....humakbang sya papalapit sakin at syang paghakbang ko patalikod dahil sobrang naaalarma na ko. Parang napugto yung hininga ko ng tumama yung likod ko sa may gilid ng lababo at na-corner nya ko. I'm about to leave pero kinulong nya ko sa mga braso nya habang nakatukod ang mga kamay nya sa gilid ko.
"Gale! Hindi nakakatuwa!" Singhal ko at tinutulak ko sya. Damn it! Her eyes! Arggggh! Nakakalunod tumingin. Parang wala syang naririnig!
She lean her face toward my face at isang pulgada na lang yung pagitan ng mga mukha namin. Ayan na naman yung chocolate mint scent na hininga nya. Hindi pwede 'to! Please brain! Wag mo akong iiwan! Hormones please wag malandi ayan may tukso na naman sa harap natin!
Halos manginig ang buong kalamnan ko at sobrang nablangko ang buong pagkatao ko ng banayad nyang dinilaan yung lower lip ko! Argggh! Tempting! Tempting! Gusto kong hulihin yun! Pero nung gagawin ko na biglang dumausdos iyon sa baba ko papunta sa leeg ko! Halos lahat na yata ng santo natawag ko na para tulungan akong wag mapaungol sa sarap na ginagawa nya. Tang ina naman Hormones! Kakasabi ko lang walang iwanan at walang lalandi eh! Pabigay ka na sa totoo lang!
"Don't worry...Hindi pang re-rape yung pag aaralan ko....I'm going to have my own research....how to melt you under the tip of my tongue..." she said while kissing my neck kaya napapikit ako ng mariin! She's killing me! And promise, heat is starting to build up in my system sa tuwing dumadatay yung labi nya sa balat ko sa leeg ko at yung maiinit nyang hininga jusko! Brain please! Don't leave me! Please think! Nang tantanan nya yung leeg ko ay nakangiti syang tinitigan ako at my amusement sa mga mata nya?
"But for the mean time...let's enjoy the boundaries." Nakangiting sabi nya at hinagkan nya ko sa noo ko na kinatigil ko kasabay ng paglukso ng puso ko.
She step back and she pick up a one piece of grape and eat it.
"Delicious...." nakangiti nyang sabi pero sakin sya nakatingin.
Hindi pa talaga ako makarecover! My heart still beating abnormally!
Nung umalis sya...ayun nawala na ko sa sarili at hindi ko na maalala yung susunod na step nung ginagawa kong fruit salad!
Hindi ko na talaga sya pagbabalatin ng ubas! Pangako yan!
.............................................................