Hunter's POV
"Bakit panay-panay tingin mo sakin? Nagkakagusto ka na sakin noh?" Nakangising sabi nya sakin na kinangilo ko. Ulol na 'to!
"Wala namang diperensya yung pagmumukha mo pero medyo assuming ka sa part na yan Gale." Matabang kong sabi habang nagtetext ako kay Cyrll regarding ng result ng therapy ng huhang nyang kapatid. Napatawa sya habang naiiling na nakatingin sakin.
Hudas!
"Alam mo Hunter...nagagandahan ako sayo." Sabi nya na kinahinto ko saglit at napatingin sa kanya with my poker face. Aliw na aliw syang nilalaro sa daliri nya yung mga rosas.
"Stop annoying me..." saad ko na kinataas nya ng kilay.
"Eh di ang gwapo mo na lang Hunter!" Bwelta ulit nya pabalik at doon na ko napapikit sa inis!
"Hindi mananahimik?" Walang ganang tanong ko.
"Tsk! KJ!" Saad nya bago nagwalkout.
Napabuntong hininga ako. Napaka talaga!
Pagbulsa ko ng cellphone ko ay may dumadating na sasakyan. Anong masamang hangin ang nagpadpad sa kanya dito?
Pagkababa nya ng sasakyan ay para syang batang nagtatakbo sakin at yumakap.
"Hunter!" Tawag ni Yvie sa pangalan ko na akala mo may nang api sa kanya.
Tinulak ko sya ng kaunti at tinitigan sya habang napanguso sya.
"Anong nangyare?" Tanong ko dahil parang problemado sya.
"Kase...ano." hindi nya malaman kung saan magsisimula kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Inaya ko ng date si Andrea....walang pumapasok sa isip ko kung saan sya dadalhin. Tulungan mo ko...si Cyrll kase parang pusa hindi ako pinansin nung nagmamakaawa ako!" Sumbong nya sakin.
Mayamaya ay may napatawa sa gilid nya.
"Baog ka talaga!" Pang aalaska ni Gale kay Yvie.
"Eeeeh! Special naman kase si Andrea alangan bara-bara lang yung date na gagawin ko!" Talagang nahihirapan sya sa pag iisip.
"Engot sa resort nina Roian mo dalhin and use my telescope show her the universe..." sabi ni Gale na kinaliwanag ng mukha nung isa at napayakap kay Gale.
Ilang saglit lang yung tinagal ni Yvie at umalis na ito pero babalik daw sya kasama na sina Carol para dito daw mananghalian.
"Tuwang tuwa si Cyrll sa improvements mo..." sabi ko habang nakaupo kami sa isang duyan.
Napangisi lang sya at muling nanahimik.
"Labas tayo..." aya nya.
"Assurance?" tanong ko dahil gusto kong ipangako nyang magbabait sya.
Naningkit ang mga mata nya habang nakangisi sya. "Pwede mong pagsawaan yung katawan ko Hunter..."
Sa galit ko tinadyakan ko yung duyan nya kaya nagwasiwas sya sa kinauupuan nya.
"Tang ina! napakapikon nito eh!" singhal nya sakin pero tinaasan ko lang sya ng kilay.
Napabuntong hininga sya at nagtaas ng kanang kamay.
"Magbabait ako at hindi gagawa ng kahit na anong kalokohan." pangako nya.
"Alam mong sasapitin mo soon na hindi mo ko sinunod...." sabi ko at napanguso sya at napatango.
Pagkagayak namin, habang naglalakad kami papunta sa kotse ko ay ang kulit nya.
"Sinong first kiss mo Hunter?" usisa nya kanina pa.
Napahinto ako sa paglalakad at hinarap ko sya.
"Bakit gusto mong malaman?" malamig kong tanong.
"Wala lang....I considered you as my friend so I want to know everything regarding to you..." sabi nya
"Si Carol." plain kong sabi na kinabilog ng mga mata nya.
Pagsakay namin ng kotse ay hindi pa din makapaniwala yung mukha nya.
"How?" napangiti ako dahil parang nai-voice out nya yata iyon.
"Sa bar ni Shann...she's broke that time at walang ibig humalik sa kaibigan mo at para hindi sya mapahiya hinalikan ko sya." kwento ko bago ko pinaandar yung makina ng kotse ko.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik sya. Problema ba iyon para sa kanya?
"Bakit ganun?" tanong nya at napaharap sya sakin. Napalingon ako sa kanya saglit at muling tinuon ko yung paningin ko sa daan.
"Huh?" takang tanong ko.
"Broken din ako pero hindi mo ko hinahalikan!" reklamo nya at promise parang doon nanghina yung mga braso ko kaya napagewang yung sasakyan pero mabilis ko din itong napa steady sa daan. Yung kabog ng dibdib ko sobrang nakakabingi. Tang ina!
"Shut up!" mahinang pagalit ko sa kanya pero napanguso lang sya ulit at tumingin sa labas ng bintana ng kotse ko. Ang clingy nya sobra! Nakakapanghina ng sistema sa totoo lang.
"big deal sakin yun dahil unfair sa part ko na hindi ako ang first kiss mo.....samantalang ako kapag nagkataon ikaw ang first kiss ko...swerte mo huh!" mayabang nyang sabi.
Lintik na yan! nadedemonyo na naman yung isip ko! Wala pang nakakahalik sa kanya! Ayan na naman yung labi nya umi-eksena na naman sa isip ko! Mangkukulam yata yung babaeng 'to! ang lakas mang invade ng isip ko!
"Manahimik ka kung hindi tatadyakan kita palabas ng kotse ko habang 60miles per hour tayo!" kakasora!
"Sungit!" bulong nya at napasandal na ng upo.
Sa kabilang city kami nagpunta, nasa isang mall kami at parang na-miss nya mag gala sa maraming tao.Napapikit ako sa idea para hindi sya makalayo sa akin ay hinawakan ko sya sa kamay. Medyo nataranta ako na para bang may kuryenteng dumaloy sa kamay namin. Pati sya natahimik at nag iwas ng tingin.
Habang naglalakad kami sa totoo lang parang nanghihina ako habang hawak ko yung mga kamay nya at hindi ko din alam bakit sobrang gusto kong hawakan yung mga kamay nya at sobrang fit nito sa kamay ko.
"Hunter, Let's watch this." turo nya sa movie na showing. Bumili muna kami ng kakainin namin bago bumili ng ticket.
Inapakan ko yung isang paa nya para hindi sya makatakbo sakin habang kumukuha ako ng pera sa wallet nya. At sinasamaan ko sya ng tingin sa tuwing gumagalaw sya kaya nagpapalobo sya ng pisngi.
Pagkaabot ko ng bayad sa cashier ay sobra pagkakangiti nito lalo na nung muli kong hinawakan yung kamay ni Gale.
Pagkaabot ko nung dalawang ticket...
"Bagay po kayo Ma'am...pareho po kayong maganda..." nakangiting puri nung cashier kaya alanganin akong ngumiti sa kanya.
"Nadadala ko lang sya Miss mas maganda kase ako sa kanya." pagyayabang ni Gale kaya mahigpit kong pinisil yung kamay nya. Hudas na 'to!
Pagpasok namin ng sinehan ay nauna na syang maglakad kaya ang itsura namin parang ako na yung hila hila nya.
Sa kalagitnaan ng movie parang nilalamig sya.
"Tang ina! Bakit kase ang hilig mong magsuot ng maiiksi?" pagalit ko at hinubad ko yung cardigan ko at binigay ko sa kanya.
"Kung girlfriend kita papakinggan kita...so maging tayo muna bago utos..." natatawang pang aasar nya habang sinusuot yung cardigan ko.
"Punyeta!" yan yung sagot ko sa kanya. Lahat ng pulang dugo ko namumuti na sa tigas ng ulo nya.
Nung nakatuon ulit yung paningin nya sa screen napansin ko wala sa movie yung atensyon nya at parang kay lalim ng iniisip nya. She's sad. Gusto kong malaman lahat ng nasasaisip nya sa mga oras na ito. Gusto kong tumulong pasanin yung problemang gumugulo sa kanya.
Parang nabiyak yung puso ko noong may pumatak na isang luha sa mata nya. Hindi sya ganito kahina sa harap nina Cyrll. Malakas yung loob nya yun ang pagkakakilala ko sa kanya.
Hindi ko alam bakit kinabig ko yung ulo nya papunta sa balikat ko at kahit sya parang napatulos.
"Tell me everything that cause you pain..." bulong ko.
Pagkabuntong hininga nya ay doon nagsunud sunod yung luha nya.
"I want to die..." bulong nya at doon parang bomba iyong sumabog sa buong pagkatao ko.
Kinagat nya yung ilalim na labi nya para pigilan yung pag iyak nya.
"This guilt.....it's eating me alive....this sadness it killing my system...hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin....Hindi ko na kayang pagbigyan si Cyrll." her voice...it's full of sandness, longing for something na hindi nya ma-identify kung ano at yung matagal ko ng hinahanap sa kanya....yung soul nya. hindi sya nag oopen up ni kahit na kaninong kaibigan nya. Dito nya tinago yung kaluluwa nya.
"Gale...wala ka pang regalo sakin...birthday ko noong isang araw." Sabi ko at parang nagulat sya.
Umayos sya ng upo at nagpunas ng luha.
"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong nya na parang nagtatampo.
"Nainis kase ako sayo...pinangharang mo ko sa aso!" Mahinang pagalit ko din.
Napatawa sya ng mahina.
"Anong regalong gusto mo?" Tanong nya.
Napasandal ako ng maayos.
"Simply....just stay with me." Sabi ko dahil ayokong magsuicide sya. Gusto kong may panghawakan sya at kakapalan ko na yung mukha ko na panghawakan nya ko.
"I can't do that..." nakangising sabi nya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Aba't ang choosy nya ah! Parang lugi pa sya na i-offer ko sa kanya yung presensya ko!
"You are unfair! Si Carol nung broken sobrang comfort mo pero ako na yung nabroken......." hindi ko na sya pinatapos.
At para matapos na yung pagpapantasya ko sa labi nya.
Hinalikan ko sya!
Ang lambot ng mga labi nya. First kiss nya ito...kaya magaan ko syang hinalikan at hindi sya marunong magresponse! Sya yung baog hindi si Yvie! Hindi ko natiis ay pinang gigilan ko yung lower lip nya at dinilaan ko iyon gamit yung tip ng dila ko. My mind is going crazy!
"Put your lips like this.." I said between our lips and right there nung muli kong nilapat yung labi ko sa labi nya ay natuto syang gumanti sa mga halik ko. Hinawakan ko ng magaan yung baba nya para maidiin ko yung paghalik ko sa kanya. She moan when my tongue is now invading to her mouth. Argggghhh! Delicious! Her mouth taste like chocolates! Para akong nagdidiliryo at hindi ko magawang bitawan yung paghalik ko sa labi nya. Ganito ba kalala yung pagpapantasya ko sa labi nya?
Habol hininga kami nung bitawan ko yung labi nya at napapikit ako sa pagpipigil baka lumagpas ako. Kalma Hunter! Hindi ka rapist! f**k sake! Nasa sinehan kayo!
"Okay na? Wala ng complaint?" Pilit kong pinapakalma yung paghinga ko.
"Hindi mo pa pala ko gusto sa lagay na yan..." natatawang sabi nya kaya pinitik ko sya sa noo. Yabang sobra!
Paglabas namin ng sinehan hindi ko maintindihan bakit ang gaan na ng pagkakahawak ko sa mga kamay namin. Parang magkasiklop na lang ito at parang may pag iingat.
"Kain tayo bago umuwi..." sabi ko at napatango lang sya na para bang nahihiya. Lihim akong napangiti.
Nagtake out kami ng pagkain at naghanap ng park para doon kumain.
Ngiting ngiti sya habang kumakain. Abnormal?
"Sobrang saya huh?" Tanong ko
"Crush mo talaga ako! You kissed me! Mapagbigay ka pala?" Natatawang pang aalaska nya.
"Mapagbigay talaga ko...gusto mo s*x? Hubad!" Balik kong pang aasar sa kanya.
Napalunok sya at tinutukan nya ko ng tinidor.
"Hayop ka! Di ka marunong sumabay sa joke!" Kanda utal nyang sabi kaya napangisi ako.
"Baog is the new virgin." Natatawang pang aasar ko sa kanya at napasimangot lang sya.
Pagbalik namin sa Garden ay nadatnan namin si Cyrll na waring inaantay kami. Napakunot ang noo nya habang nakatingin sa amin at bumaba yung tingin nya sa mga kamay namin kaya agad akong napabitaw.
Ngumisi sya ng nakakaloko.
"Are you two dating?" Mapanghusgang tanong nya.
"No!/Hindi ah!" Sabay naming sagot ni Gale.
Pero isang nakakalokong ngisi lang ulit yung sinukli nya sa amin.
Ipagkakalat ni Cy 'to panigurado!
..................................
Please follow me guys. Thank you