Temptation

1945 Words
Hunter's POV Habang tumatagal parang palala ng palala itong nasasaisip ko. Hindi maganda 'to kase feeling ko nagiging manyakis na ko dahil sa hinayupak na Gale na yan! Bawat kilos nya naaakit ako at ayokong naaamoy yung amoy nya kapag nahihipan sya ng hangin parang nanghihina yung sistema ko! "Hindi naman ako naaattract sa babae eh" mahinang reklamo ko sa hangin at gusto ko ng ihataw yung ulo ko sa puno para magising na ko. "Hunter....tapos na kong magtanim ng mga rosas." Saad nya kaya napalingon na ko sa kanya. Nakakapangsisi! Putikan sya, yung sa pisngi nya, sa braso hanggang kamay at ang kinaloka ng isip ko ay yung putik nya sa leeg nya. Bakit ang sexy at ang ganda pa din nya kahit putikan! "Maligo ka na....ako ng magdidilig." Sabi ko at nilagpasan ko sya para puntahan yung ginawa nya. Habang nagdidilig ako ng mga tinanim nya hindi ko na naman napigilan yung sarili ko na kausapin yung mga rosas. "Kaloka hindi nya alam na maganda sya...." mahinang saad ko. Ang pinakaworst na gabi ko heto yun! Nung nasira yung aircon sa kwarto namin. Wag ano! Dalawa yung kama sa loob ng kwarto at binabantayan ko sya dahil suicidal sya. Binuksan ko na yung lahat ng bintana para may hangin na pumasok pero walang epekto kay Gale na puro reklamo. "Ang init!" Reklamo nya at antok na antok na yung mga mata nya. Halos mahimatay ako ng maghubad sya ng pang itaas nyang damit at nakabra lang sya. "Much better..." mahinang usal nya bago nahiga at pumikit. Ang ganda ng katawan nya sa totoo lang. Pinasadahan ng mga mata ko yung tattoo nya sa leeg hanggang sa tattoo nya sa gilid ng dibdib nya. Gusto kong halikan at dilaa--- napailing ako at gusto kong sapukin yung sarili ko dahil sa naisip ko! Humiga ako at nagtalukbong. Tang inang buhay 'to! What the hell is your problem Hunter? Her skin under your tongue? Really? Kahit hindi ako makahinga sa ilalim ng kumot ay tiniis ko kesa naman hindi ako makahinga na makita syang ganun! Sobrang pasasalamat ko nung nag umaga na at tapos na yung kalbaryo ko. Pagkaluto ko ng umagahan namin ay dinala ko na ito sa lamesa sa lilim ng isang puno. Nadatnan ko na magkausap sina Cyrll at Gale. "Wow! This is the first time you compliment someone..." amaze na saad ni Cyrll bago sya nito sikuhin at napatingin sa akin bago napatikhim. "Ano pang kailangan mo?" Tanong ni Cy sa kapatid at nailapag ko na yung mga pagkain namin. "Grocery and new aircon.And buy me something sweets" Sagot nya at napatango si Cy bago tumingin sakin. "Hindi ka natutulog?" Tanong sakin ni Cyrll at napairap ako. Nagawa pa nyang itanong. "I need day off..." saad ko. "Teka saan ka pupunta?" Alarmang tanong ni Gale na kinataas ng kilay ko. Napatawa si Cy sa inasal ng kapatid. "Panic?" Pang asar na tanong ni Cy sa kapatid at nag iwas ito ng tingin. Tinaasan ko sya ng kilay na kinasimangot nya. "Once a week pwede kayong lumabas....basta hindi masasagasaan yung therapy nya." Sabi ni Cyrll na kinangiti ni Gale. Tumango ako na kinatuwa talaga ng isa. Habang naliligo si Gale ay magkausap kami ni Cyrll. "Napag isipan mo na ba yung kukunin mong kurso sa abroad soon na gumaling si Gale?" Tanong nya. "I want to pursue my medicine course...." saad ko. "Sige aayusin ko yan...nga pala..happy birthday.." bati nya sakin na kinagulat ko. "Alam mo?" Takang tanong ko at napangiti sya. "Syempre, alam kong lahat lahat....ako na yung kapatid mo di ba? At yung gift namin ni Roian sayo on the way na..." Nakangiting sabi nya. Napangiti ako. Tama, si Cyrll na yung bago kong kapatid. "I will never let you down and no matter what happened, I'm here for you Artemis." Nakangiting sabi nya sakin. Tumulo yung luha ko. Si Cyrll lang ang meron ako at tumutupad sa lahat ng pangakong binibigay sakin. Sya lang yung pamilya na mayroon ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap ako sa kanya. ......... Sobrang excited na mamasyal ni Gale habang nakasakay sya sa passenger's seat sa harap ng kotse ko. 3 months na kase syang hindi nakakalabas ng Garden maliban na lang kapag nahohospital sya dahil sa mga suicide attempt nya. "Can we go to the beach?" Tanong nya. "No...teka bakit ang iksi ng suot mo?" Pagalit ko dahil nakakadistract eh! "Dapat ba mag gown kapag gagala?" Nakasimangot nyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako para mawala yung inis ko sa babaeng ito! Yung katigasan ng ulo ni Yvie multiply mo sa tigas ng ulo ni Cyrll plus kalokohan ni Shann ang resulta si Gale! Hindi na sya nagsalita ng buong biyahe namin. Ewan hindi ako komportable na ganito sya. Kaya ang ending nasa beach kami! Ginising ko sya at parang nagliwanag yung mukha nya ng matanaw nya yung dagat. Para syang batang nag aalis ng seatbelt at hindi nya maialis yung paningin nya sa dagat sa harap. "Sabi na crush mo ko eh!" Sabi nya bago lumabas ng sasakyan. "What?" Tang inang gago! Lumabas ako ng sasakyan at sinundan ko sya. "Take your shoes off..."sabi nya at inalis ko nga. Dadamputin ko sana iyon pero naunahan nya ko. Sobrang tuwang tuwa syang na tinakbo yung sapatos ko. Parang iniwan nya yata yung sapatos nya sa kotse ko. "Dito Hunter dali!" Kaway nya sakin. I was taken a back. She's smiling....her eyes...it's glowing in happiness. Baka dahil sa ugali nya kaya hindi ko makita na maganda sya? Ngayon ko napapansin na may pagkakahawig sila ni Cyrll lalo na kapag ngumingiti. Wala akong nagawa kundi humakbang papalapit sa kanya. Masama ito...masama ang epekto nitong ganda nya. Nagugustuhan na ng mga mata ko. "Gusto mong magbeach pero hindi ka marunong maglangoy...kalokohan mo din noh?" Sabi ko at napatawa sya. "Hindi naman kase ako dinadala ng mga magulang ko sa mga ganito..." saad nya at nagpatiunang naglakad habang bitbit nya yung sapatos ko. Napakunot ang noo ko at sinundan ko sya. Tuwang tuwa sya na tumatama sa paa nya yung mahinang alon ng dagat. "As in never?" Tanong ko. Ewan curious ako eh. "Yup! Never! KJ kase ng mga magulang ko....kaya di ba napatay ko yung isa." Medyo sarcastic yung bandang huling sinabi nya. Yung step dad nya yun. "Mental torture naman yung ginawa sayo ng nanay mo sayo noon...kaya wala ka sa sarili na...." nagulat ako ng napahinto sya at nilingon ako. "Kwento pa...hahalikan kita!" Banta nya kaya nanigas ako at ilang saglit bago ako nakarecover. "Gawin mo ng ibaon kita sa buhanginan na 'to!" Angil ko at ako na yung nagpatiunang naglakad.  Nakakita kami ng kainan na nasa malapit din sa dalampasigan. Habang nagsusuot ako ng rubber shoes ko ng tapikin nya yung kamay ko at sya yung nagtali ng sintas ng sapatos. "Tapang tapang mo pero ang bulok mong magtali ng sintas mo...." bulong nya habang tinatali yung kabilang sintas ko naman. Napalunok ako dahil ngayon ko lang sobrang natitigan yung mukha nya ng ganitong kalapit. Ngayon ko nalaman na ang kapal at ang pilantik ng mga pilik mata nya. Yung kulay ng iris ng mga mata nya parang ang tabang na pagkabrown tapos yung ilong nya ang tangos. Higit sa lahat yung dumadagundong sa buong isip at pagkatao ko....yung labi nya...parang ang sarap na hali....... "Tang ina!" Mahinang mura ko at napabaling sa ibang direksyon. Tumayo sya at napabaling sa direksyon na tiningnan ko. "Problema mo?" Tanong nya. 'Ikaw! Tukso ka eh!' Gusto ko sanang isigaw sa pagmumukha nya pero nevermind na lang kase magpe-festival ng kayabangan sa katawan yang hayop na yan. Habang namimili kami ng kakainin namin. Pareho naming hawak yung menu nila. "May alergy ka ba sa seafoods?" Tanong nya habang hindi maalis yung tingin nya sa menu. Nahihiya ba syang magtanong? She seem.....nevermind! Likot kase ng mga mata nya. "Wala....pero hindi ako fanatic nito." Saad ko. "Talaga? Uhmm....let's try this one. Favorite namin 'to nina Shann." Saad nya at kinawayan nya yung waitress. Sobra pagkakatitig sa amin nung waitress pero di ko sya pinagtuunan ng pansin. Pero ilang saglit pagtingin ko sa waitress ulit dahil nagpapaulit ulit na si Gale sa kakasabi nung order namin. Ang haliparot na waitress sobra titig sa kasama ko. "Nakuha mo Miss?" Tanong ni Gale "Ah...yes ma'am...." nahihiyang sagot nung babae. "You want buttered shrimp Babe?" Nakangising tanong ni Gale sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay. Anong pauso ng hayop na 'to? Kaya sinipa ko sya sa binti ng pasimple at napagiik sya. "I guess...you don't like shrimp..." nakangiwing saad nya. "Okay na yan..." sabi nya sa babae at umalis na ito. "Stop saying non-sense thing..." walang emosyong saad ko pero ngumisi lang ang hayop! Habang kumakain kami...hirap na hirap sya sa pagbubukas ng crab. "Sobrang miss ko na si Carol..." bulong nya habang parang nakikipagdigma sya sa crab. "Amina nga..." poker face kong sabi at kinuha yung talangka sa kanya. Sobrang alagain nya sa totoo lang. Nakonsensya naman ata sya kaya pinagbalat nya ko ng hipon. Halos mahimatay ako ng kunin nya yung kamay ko at...sinipsip nya yung daliri ko. Parang kinapos ako ng hininga ng maramdaman ko yung mainit nyang bibig sa dulo ng daliri ko. Parang lahat ng hangin sa katawan ko naipon sa dibdib ko habang nagwawala sa pagtibok yung puso ko. Napalunok ako kasabay ng paghinga ko. Her tongue...licking my pointing finger....it send electricity to my vein. Ang init! And something building in my head and throughout my body.....and I can't address what it is! "What the hell...." bulong ko at babawiin ko na sana yung kamay ko pero ang higpit pa din ng pagkakahawak nya doon. Sinimot nyang lahat ng ano ng talangka sa mga daliri ko. Dapat nakakadiri ito eh! Pero bakit gusto ko? Kasora! Sobrang sensual! Nakakabaliw ito! "Ano ka pusa?" Kunwaring angil ko pero parang kiber lang sya. Hindi pa din nakakarecover yung sistema ko kaya binitawan ko na yung crab. Hayaan ng magutom yung lintik na animal na yan! "Naiwan sa daliri mo lahat ng gusto ko eh..." she declared like nothing happened. Habang kumakain ako ay hinayaan ko na si Gale. Pagkasubo ko sa hipon ay sinipsip ko yung daliri ko. Sarap! Pagtingin ko sa kaharap ko napangisi sya. "Indirect kiss."  Proud nyang sabi na kinanuot ng kilay ko. Pinagsasabi nito? Napatingin sya sa daliri ko at doon ako natauhan kaya sinipa ko ulit yung binti nya. Arghhh! Ayaw nya kong tantanan. Ano kayang lasa ng bibig nya? Biglang naisip ko. Lintik nasasaisip na naman akong bago eh! Hayop sobra! Animal na animal! Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay inagaw ulit ni Gale at pinunasan nya gamit yung dala nyang face towel bago nilagyan ng sanitizer yung mga kamay ko. Ubod ng yabang na sweet naman si Gale kaya lang...sobrang abnormal nya eh! Hirap pagkatiwalaan. Sya na yung nagbayad ng kinain namin dahil mayaman naman sya. Habang naglalakad kami sa dalampasigan pabalik kung saan ko pinarada yung kotse ko. Tahimik lang sya pero napatigalgal sya at hindi na humakbang kaya napatigil din ako bago napatingin sa kanya. Nanlaki yung mga mata nya habang diretso yung tingin nya. "s**t!" Panic na anas nya. Pagtingin ko sa tinitingnan nya....Labrador na aso at sobrang bilis ng takbo papasugod sa amin pero ang hayop na Gale hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at pinansalag ako sa asong paparating! "Tang ina ka!" Irit ko at napapikit na din ako kase sobrang lapit na ng hinayupak na aso! Yung kabog ng dibdib ko sobra! Ayoko talaga sa aso! Kaya ko pang makipagbarilan pero wag na wag lang akong lalapitan ng aso! Nung nag pass through yung aso sa gilid namin doon lang ako nakahinga ng maluwag. At may nagtatawanan na mga bata ang nakatingin sa amin na nakasunod sa pagtakbo nung aso. "Duwag! Tanda na eh!" Sabi nung bata at nag belat sa amin. Aba't! Inambaan ko ito pero nagtatakbo. Si Gale tawang tawa sa nangyare kaya talagang ginarote ko sya. "Aw! Ouchhh! Hunter ano ba!" Pagmamakaawa nya habang pilit nyang inaalis yung pagkakasakal ng braso ko sa leeg at ulo nya. "Gawin mo ulit yun....pipilayan kitang hayop ka!" Inis na inis kong singhal sa kanya. "Promise hindi na...." natatawang saad nya kaya lalo kong winasiwas yung ulo nya bago ko sya pinakawalan. Napairap sya sakin bago nagpatiunang naglakad. Bwiset na kapatid ni Cyrll na 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD