Pilit na pinipigilan ni Chelsea ang nararamdaman niya sa paguusap nilang dalawa. Ayaw na niyang balikan pa kung sino siya noon dahil ito lang ang makakapaghina sa kanya. Nagkasundo na silang dalawa ng papa nito kung ano lamang ang magiging papel sa buhay ng anak nito: ang magiging tagapagbantay lamang. Trabaho ang ginagawa niya kaya siya nandito ngayon, hindi para rito. // "It's good to see you again." "Maraming Salamat po sa pagdalaw at sa tulong niyo, Mr. Valdemore." Isa sa tumulong na pag-aralin siya ay si Mateo Valdemore. isa sa pinakatanyag na larangan ng paggawa ng alahas. Malaki ang respeto at utang na loon niya rito kaya naman labis ang kanyang galak na dalawin siya ngayon. Nandito siya sa isang private camp training kung saan isa siya sa mga tao nagsasanay na maging professio

