"Tell me if it hurts." Ininda ni Chelsea ang hapdi at sakit na nararamdaman habang nilalapatan ng alcohol ang kanyang sugat. Hindi niya inakala na hindi pala daplis ang natamo niya sa barilan na naganap kagabi. "Are you Okay, Chelsea?" Tanong nito sa kanya. "Oo... I'm okay..." Sagot niya ng mariin siyang nakapikit. Tinatahi na kasi nito ang kanyang sugat. "Almost there...and good job." "Salamat, Nathan." "You're welcome." Ngiting sagot nito. "Pasensya ka na napatawag ako bigla sa iyo para lang ditto." Madaling araw pa kasi ngayon at wala na rin naman siyang magagawa kundi humingi ng tulong rito. Ito lang kasi ang maasahan niya sa ganitong sitwasyon niya. "Mabuti na lang hindi lumubog ang bala sa braso mo, kung hindi aa butin ka ng ilang araw ditto sa ospital." "Nag-iingat naman ak

