Nasa opisina ng kanyang kaibigan ngayon si Ryder para magimbestiga kung sino ang babaeng sobrang pinagkakatiwalaan ng kanyang magaling na ama sa pagbabantay sa kanya. Bodyguard daw. Nakakatawa. Hinalungkat niya ang mga files sa mga lahat ng empleyado ng hotel at sa ilang sandal lang ay nahanap na niya ang files nito. Chelsea Perez. 4 years na nagtatrabaho ditto sa hotel bilang chef. Graduate ng Culinary Arts. Nandito rin ang photo ng mga seminars at training sna dinaluhan nito. Kung ganito ang kurso nito, bakit naging bodyguard niya ito? Hmm… nakakapagtataka. Hindi sa minamaliit niya ito pero hindi naman masyado halata sa tindig nito. Hanggang balikat lang niya ang tangkad nito, at hindi naman masyado pansinin gaya ng mga nakikilala niya mga babae (Author: ouch). Pero ang napa

