//Chelsea// Tapos na ang sereminya at nasa reception na sila. Nagsasayawan at nagsasayahan ang mga bisita habang sila ay nasa table kasama ang binabantayan niya na si Sophia habang ito ay kumakain dahil kailangan itong uminom ng gamot. "Miss Sophia, aren't you tired yet?" Madali lang kasi ito mapagot lalo na kagagaling lang nila sa biyahe. Ng nasa private plane sila, hindi pa ito nakakpagpahinga. "I'm fine. Chelsea, why don't you enjoy yourself today. Ang alam ko ang asawa ni Mr. Santoro kaibigan mo." "Naku huwag na lang." Gusto niya pero hindi niya kayang iwan ito. Trabaho niya na bantayan ito. "I insist. Sige na puntahan mo na siya. Hindi naman ako aalis dito." Paniniguro nito sa kanya. "Hindi talaga pwede eh. Tiyaka na kapag---" "I'll take care of her." Itinaas niya ang kanyang

