//Ryder// Ito na ang araw ng itinakdang kasal nila Zandro at Bella. Nasa simbahan na siya kasama si Zandro na tila sa nakikita niya hindi ito mapakali. "Second wedding mo na ito, ninenerbyos ka pa rin?" Biro niya rito. "I just want to say "yes" right now." Seryoso at nangingit ang mga mata nito. Nagmamadali ba ito matapos ang kasal? "Hey, bro! Chill lang. Alam ko gusto mo na maging legal na asawa si Baby Bella pero ceremony kasi ito ninyong dalawa. Sabi nga nila, cherish this very special moment." "Alam ko iyan. Baka may mangiistorbo na naman sa kasal namin." Inaalala pa pala niya ang nangyari na ginawang peke ang kasal ng dalawa sa ama ni Olivia. "Tapos na iyon, Zandro. Pinangako na ng papa ni Olivia na hindi na sila lalapit at gagambala pa sa inyo. Tatlong taon na ang lumipas and h

