Bukas na ang kanilang prom night. Hindi siya makatulog. Hindi niya maintindihan anong nararamdaman. Parang kinakabahan siya na may halong saya. Ang hindi rin niya mawari kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya kay Michelle. Tama kaya ang mga pinagsasabi nila Oyo at Toni na...gusto niya ang dalaga?Aside from her "nerdy appearance", iba ito sa mga babae nakasalamuha niya. Kahit suplada ito at parang naha-highblood kapag lumalapit siya rito, still, he dosen't care. Siguro naninibago lang siya dahil ito lang ang babaengmay lakas ng loob na pikunin, pagsasalitaan ng kung ano-ano at higit sa lahat wala itong takot sa kanya. Lalong lalo na hindi ito natatakot kapag nadadamay ito sa problema niya. Siguro nga eto ang rason. Pero bakit ganito? Dapat paghanga lang ang nararamdaman niya rito pero...

