"A-ano?" "I said, I like you." "Binibiro mo ba ako, Valdemore?" Inasahan niyang ganito ang magiging reaksyon ni Michelle sa kanyang pahayag pero wala na siyang pakialam kung anong magiging resulta. Bigla lang nitong inilahad sa dalaga dahil sa galit ng kanyang nararamdaman. "I really do, Michelle. Hindi ko ugaling magbiro. Totoo ang sinasabi ko. Gusto kita. Hi-hindi ko alam pero ng makasama kita at makilala kahit sa maiksing panahon lang, iba na ang nararamdaman ko." Umiling ito. "Hindi. Iba ang nararamdaman mo. Sinasabi mo lang iyan dahil iba ako sa mga tao nakapaligid sa iyo." Huminto sila sa pagsasayaw. Nakatayo lang silang dalawa. Tatalikuran sana siya nito ng hinawakan niya agad ang braso nito. "Stay with me for a second. I really, really do, Michelle. Oo, aaminin ko na iba ka s

