Chapter 1
Kriiinnnggg...
Kriiinnnggg...
Nakapikit na hinagilap ni Coleen ang tuloy tuloy sa pagring na telepono. Bakas sa mukha nito ang inis dahil sa pagkaantala ng tulog niya.
"What is it?" Masungit na tanong nito sa kausap habang nakapikit pa.
Halos tatlong minuto niyang pinakinggan ang paliwanag ng taong tumawag habang nakahawak at hinihilot ang sentido niya bago siya nagsalita ulit.
"Okay. I'll be there in a minute." At pabagsak niyang ibinaba ang telepono saka madiing ipinikit ang mata na halos nananakit pa dahil sa tama ng ilaw ng lampshade sa cabin niya.
COLEEN'S POV
Kakababa ko lang ng tawag galing sa Engine Room, may problema daw. Asan naman kaya ang third engineer na siyang duty nitong mga oras na ito. Nakakabwisit, pagkatingin ko sa wristwatch ko ay alas dos kinse palang. Halos dalawang oras pa lang ang nagiging tulog ko dahil kakatapos lang din ng duty ko na 8-12. Nakakainis, di pa rin nagbabago si 3rd Engineer Ferdinand, konting problema nagpapanic pa rin ito.
Nag ayos na ako ng sarili ko at nagsuot ulit ng white coverall na siyang isinusuot ko bago bumaba sa engine room for safety. Kukunin ko na sana ang helmet ko ng magring ulit ang telepono, kayat naiinis na sinagot ko ulit ito ng makita ko sa monitor na sa engine room ulit nangagaling ang tawag.
"What again Oiler? I told you to give me a minute at bababa na rin ako diyan." Maawtoridad na sabi ko na siya naman atang ikinataranta ulit ng oiler na kausap ko.
"Chief.. Ka.. kasi po.. ano... the.." Nabubulol na sabi nito na di pa halos matapos. Narinig niya kasi na medyo mainit ang ulo ko.
"Will you speak clearly! Ano bang nangyayari diyan at parang nagkakagulo kayo, asan ba si Third?" Pagtataray ko. Kagigising ko lang kasi, sumakit pa ang ulo ko dahil sa biglang bangon dahil sa emergency kuno na yan.
"Ma'm... ay Chief! Kasi po natataranta na po si Third, kailangan po kayo dito. Biglang may pumutok sa generator number 2 sa starboard side, di po namin alam anong gagaw.."
Pakiramdam ko lalong kumirot ang ulo ko sa naririnig kong boses ng oiler namin na natatarantang sinasabi sa akin kung ano ang sitwasyon sa engine room. Napapangiwing pinilit ko nalang kalmahin ang sarili ko bago tuluyang uminit ang ulo ko.
"Relax Oiler! Pababa na ako diyan. It's just a little problem. Sige na at pababa na rin ako." Di ko na hinintay ang sagot niya at binabaan ko na siya.
Nagtataka ba kayo kung bat ganun na lang ako bulabugin ng oiler ko?
Sino ba ako?
Well, sige na nga di ko na papatagalin pa ito. And to start my story, magpapakilala na muna ako.
Ako nga pala si Coleen Brylle Castro, 25 years old and a licensed Chief Engineer at my early age. Kaya nga andito ako ngayon ay ako lang naman ang Chief Engineer ng barkong sinasakyan ko ngayon, ang International Norweighan Luxury Cruise Ship. Ang cruise ship na ito ay ang nangunguna at sikat ngayon sa buong mundo dahil sa laki at magandang serbisyong naibibigay nito sa mga maykaya o kilalang tao na gustong sumasakay dito. Magdadalawang taon na akong nagtatrabaho dito bilang Chief Engineer, at kasama ko dito ang ibat ibang lahi ng mga taong may kanya kanya ring posisyon. Pero dahil na rin siguro sa galing ng Pinoy e halos karamihan ng seaman hanggang sa iba pang crews na nagtatrabaho dito karamihan ay taga Pilipinas.
About my family background?
My father is Enrique Tan, the popular and one who has a big name when it comes to business industry. Sino ba naman ang di nakakakilala sa isang businessman na nagmamay ari ng naglalakihang hotel na kilala na halos sa buong mundo na ngayon ay nagpapatayo pa ng sariling Airport dahil sa family-owned Airline namin.
And why i'm using Castro as my surname while my Dad is the famous Tan businessman? Malalaman niyo rin yan kapag binasa niyo ito.
My only Mother is Lucia Castro, a full time housewife. Ayaw ni Daddy na napapagod at na sstress si Mommy kaya naman di na ito pinahawak pa ni Daddy sa ibang business namin.
And lastly, Vincent Tan. The 31 years old yet handsome brother of mine. Dalawa lang kaming magkapatid, kaya naman mahal na mahal ako nun. 28 na rin siya ng mag asawa siya dahil naging abala rin ito sa pag alalay kay Daddy sa pagmanage ng business namin. Sobrang mahal na mahal ako ng kuya ko. Siya yung parang boyfriend ko na na kulang nalang ay balian ng buto ang mga lalaking nagbabalak na ligawan ako simula pa noong nasa Pilipinas ako at nag aaral. Well, noon yun. Malayo na ako ngayon, marami na rin akong naabot at napagdaanan bago makarating sa kung ano akongayon. Marami na ring nagbago simula nung umalis ako ng Pilipinas para simulan ang daang pinili kong sundan, kung ano ang magpapasaya at gusto ko talaga. But i miss my older brother so much, its been a while since we had that long serious talk.
Yan na lang muna, kailangan ko na ring bumaba muna sa Engine room dahil alam kong nagkakagulo na sila dun. Baka mamaya ito pa ang dahilan para magpanic ang iba at makarating ito sa taas.
Tinitigan ko na lang ulit ang helmet ko sa ibabaw ng table at mabilis na kinuha ito saka lumabas ng cabin ko para sumakay sa elevator papunta sa Engine Room.
Pagpasok ko naman ng engine control room ay nabungaran ko kaagad ang ilang duty engineer pati na rin si Third na balisang balisa. Binati nila ako pero di ko na lang pinansin at tuloy tuloy na dumiretso sa table ko para basahin ang status report na nakapatong dito.
"Speak up." Simpleng sabi ko bago naupo sa swivel chair ko at nagsimulang basahin ang report sa table ko.
"Chief, i'm sorry if i ask them to wake you up. Alam kong kakaakyat mo lang and I know it sounds irritating and unprofessional but.. Chief.. di ko makita kung anong problema sa Generator kung bat ito pumutok. I know its because of my liability kaya nagyari ito. Aaminin kong nagpanic ako agad." Nakatungong paliwanag ni Third.
Tumayo ako habang hawak parin ang report na binabasa ko habang idinial ang number ng bridge para makausap ang duty officer dito.
"Deck department.. Hello?" Sagot ng taong sa palagay ko ay officer on watch ng mga oras na yun.
"May i speak with the duty officer?" Maawtoridad na sabi ko. Nakilala siguro ako nito kaya naman buong galang na nagpaalam ito na tatawagin daw si Second Mate, ito daw kasi ang nakaduty.
"Good morning georgeous! Still working at this hour? 8-12 ang duty mo Coleen di ba, este Chief Engineer Castro pala! " Narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya.
"Captain?? Kayo nga po ang maaga nagising, I thought 4-8 pa po ang duty ninyo." Sagot ko naman kay Captain Mondragon.
Captain Joaquin Mondragon is the Captain of this vessel, parang ama ko na rin siya dito dahil sa pagiging mabait nito sakin simula nung sumampa ako dito. Lagi rin kasi ako nitong inaasar at kinukulit na parang bata. Kakilala rin siya ng Daddy ko dahil naging magcollege friend daw sila. Kaya naman inihabilin ako ni Daddy dito simula nung sumakay ako.
"What is this call about Chief?" Sabi nito.
"Just a little problem with one of our generator Captain. We just need to activate the reserve generator for us to inspect the other one who give a little trouble here. I called to request for temporary minimizing the use of the power supply while i'm trying to figure out what happened. Then i'll give you the report sir as soon as we notice the cause."
Narinig ko ang bahagyang pagkagulat ni Captain Mondragon pero agad ko ring narinig na medyo napatawa pa ito ng konte. Para lang siguro makabawas sa tensyon.
"Just that Miss gorgeous? Wait. Dont tell me you're the one who will give a hand with this? Will you let your people do their work Coleen? I'm sure they can handle it." Seryosong sabi nito.
"Don't worry Sir. It will be fast. I'll just give you a call after the time we fix this. Don't mind me Cap. You better rest." Natatawang sabi ko pagkatapos ko syang biruin. Pangalawang ama ko na nga siya dito kaya naman sobra rin mag alala nito sa akin. Babae pa rin daw naman kasi ako at may mga bagay na kayang gawin ng lalaki na di ko na dapat pang inaako. Pero kilala niya ako. Kahit nga si Daddy di rin ako kayang pagsabihan kapag gusto ko. Ipinilig ko nalang ang ulo ko.
Bolero talaga ni Captain Mondragon. Naisip ko nalang.
"Well. Kilala naman kita Miss Coleen, napakahandy mo pagdating sa mga ganyan kaya alam kong di ka rin makikinig. Saka ikaw pa. Wala pa atang di nakayang gawin ang aming tough lady engineer! Hehehe!"
"Kayo po talaga. Sige na sir. The electrician will call you from time to time for some changes." At ibinaba ko ang tawag pagkatapos nitong mag asar. Tiningnan ko naman si Third na naghihintay na matapos ang usapan namin ni Cap.
"Did you inspect the generator after the incident happens. Walang mangyayari kung magpapanic ka lang. Third engineer ka kaya alam mong ikaw ang naka assign sa pagko kundisyon at cleaning niyan. Did you missed something while putting it back again. Or maybe di mahigpit ang pagkakakabit ng mga bolts at knots nito. Yan lang ang nakikita kong dahilan base sa nababasa kong report na ginawa mo." Di pa rin lumilingong sabi ko habang binabasa ang report na hawak ko.
"I'm really sorry Chief.. I know its my fault.. I understand if..."
"Di maaayos yun kung magsosorry ka lang ng paulit ulit. Mind if you'll help me to check and give an immediate solution for this?" At tumayo ako habang nagsusuot ng gloves. Sinabihan ko na rin ang duty engineer na ihanda ang mga gamit na kakailanganin sa pagbukas at pag inspect sa pumutok na generator. Napatango na lang naman na sumunod sakin si Third habang patungo sa area.
Kalikot dun..
Kalikot dito..
Walang arteng ininspection ko ang generator habang iniilawan naman ako ng turbo light ng apprentice ko. Lahat sila ay napanganga sa ginagawa ko. Ikaw ba naman ang makakita ng babaeng walang arte na kinakalikot ang nasirang generator at walang pakelam sa kumalat na grasa at matinding amoy nito.
● ● ●
Halos dalawang oras at naayos din ng engine team ang nangyaring insidente sa sa engine room, nagbalik rin sa normal ang lahat pagkatapos nun. At malaki ang naitulong dito ni Coleen, ang Chief Engineer nila.
Marami talaga ang humahanga dito dahil sa bukod sa maganda at matalino ito ay napaka hands on nito pagdating sa trabaho. Marami rin ang nagtangkang ligawan ang dalaga pero sinusungitan at tinatarayan lang nito. Kilala rin kasi ang dalaga di lang dahil sa pang ramp model at maladyosang ganda nito kundi dahil rin sa pagiging terror at masungit nito. Mataas ang standard nito pagdating sa mga nanliligaw sa kanya at bihira ang nakakaabot nito kaya walang pumapasa sa lahat ng nagpapalipad hangin dito.
"You did great Chief! Talagang hanga na ako sayo. Napakasipag mo at talagang di mo pinababayaang ang co-officer mo ang mamroblema kapag may kailangang ayusin." Nakangiting sabi ni Captain Mondragon kay Coleen. Nasa opisina kasi siya at personal na hinatid ang report tungkol sa nangyari sa baba.
"It's my responsibility Captain. Kayo po talaga. Alam niyo naman po tulungan tayo dito.." Nakangiting turan ng dalaga.
"Tito na lang, di ba sabi ko pag tayo lang e tito na lang itawag mo sakin, gusto ko nga Daddy, ayaw mo naman." Nakangiting turan nito.
"Tito talaga.. Sige na Tito.. Magtatampo ka na naman niyan. Hehehe!"
"Yan. Masyado kasing formal kung Captain na naman tawag mo sakin kahit tayo lang ang magkaharap. Nga pala hija, bukas na ang dikit natin sa Brazil. Dalawang linggo tayo dun. San mo balak gumala? Marami ding magagandang spot doon, malay mo dun mo na makita ang prince charming mo!" Natatawang pang aasar ulit ng Kapitan sa dalaga.
"Tito talaga. Wala akong panahon sa mga lalaking makikita ko man dun. Kayo talaga. Saka natuloy yung pagpabook ko ng flight papuntang Pilipinas. Uuwi muna ako kahit isang linggo habang nandito ang barko. Alam mo naman sina Daddy. Nagtatampo na po kasi halos 10months na akong di nakakauwi. Saka aayusin ko po yung ibang dokumentong pinapapirmahan ni Daddy." Paliwanag naman ni Coleen na nangingiti na rin dahil sa biro ng ama amahan.
"Hija.. About your Daddy Enrique, di mo ba talaga siya mapagbibigyan? Nagkaka edad na rin ang Daddy mo hija, ang kuya mo naman e alam naman nating nahihirapan na rin kung paano hahatiin ang katawan sa pagmamanage ng business niyo.."
"Isa pa hija may pamilya na ang kuya mo.."
Biglang nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan ng dalawa.
"Tito.. Wag na lang po nating pag usapan ang mga yan, di pa rin magbabago ang desisyon ko. Alam kong nakiusap na naman si Daddy sa inyo para kumbinsihin ako."
"Hija.. Sana maintindihan mo ang Daddy mo. Di lang naman yun ang dahilan niya. It's not just about your family business and handling it. Its just that, ayaw ng Daddy mo na dito ka nagttrabaho, ayaw nilang nalalayo ka sa kanila. Isa pa, kapag pumayag ka sa gusto ng Daddy mo ayaw mu nun? Ikaw ang boss at titingalain ka ng lahat saka mas makikilala ka pa kagaya ng Daddy at Kuya mo. Di ka pa mahihirapan kagaya dito. Doon they'll just wait for your command, parang dito din naman. Ang pinagkaiba lang, di ka masstress masyado at malapit kapa kina kumpare." Patuloy na pangungumbinsi ng Tito Joaquin niya.
"Coleen, mahal na mahal ka ng pamilya mo, alam mo yan. Wala man ako sa posisyon para magsalita o magcomment ng ganito pero alam mo naman hija na magulang din ako kaya naiintindihan ko sila." Dugtong pa ni Joaquin.
"Tito.. Gusto ko lang talagang tumayo sa sariling mga paa ko. Di ko kailangan ng popularity o sobrang daming pera. Ang mahalaga masaya ako at natututo ako sa paraang gusto ko. Maybe in time babalik ako sa kanila para pamahalaan at sundin ang mga gusto ni Daddy, pero i need more time for myself. Saka nag eenjoy ako dito Tito. Kilala niyo ako. Ako yung tipong ayaw ng naka upo lang at utos ng utos. I hate to be as high and as popular like my Dad or lets say my family. I want a simple life." Malungkot na paliwanag ni Coleen sa Tito niya. Ngumiti naman ang matanda at tinapik nito ang balikat niya.
"In time hija, your Dad will understand. Pero sana maintindihan mo rin siya pagdating ng panahon. May pagkapasaway ka nga talaga sabi ng Daddy mo."
"It seems di talaga kita macoconvince hija, dito ka masaya eh, saka dito ang gusto mo. Sigurado naman na uuwi ka rin para sa pamilya mo, di nga lang ngayon. So.. Kamusta na lang sa Daddy mo ha? Nako mag iingat ka nga pala pag uwi mo. Alam ko namang di ka na naman magpapasundo sa kahit sino sa kanila."
"Wag niyo sana sabihin muna kay Daddy kapag tumawag Tito.. Isusurprise ko po kasi sila eh. Para makabawi naman po ako." Pakiusap ni Coleen.
"Basta ikaw hija, may ipapa abot nga pala ako sa asawa ko ha? At para na rin magkakilala na kayo in person. Sa tawag lang kasi kayo nakakapag usap nun. Di mo rin pa nakikilala ang unica hija namin. Nako. Pag nakilala mo yun sasakit din ang ulo mo." Napakamot sa ulo na sabi ni Captain Mondragon.
"Sabi niyo nga Tito. Sobrang pasaway nun. Hayaan niyo po Tito, sana mameet ko para maturuan ko ng leksyon! Hahaha."
"Ewan ko lang kung umobra ang pagiging bossy mo dun hija. Ang asawa ko nga sumusuko eh! Batang yun talaga. Kelan kaya titino." Umiiling na sabi ni Captain Mondragon.
"Bata pa naman Tito eh, okay lang yun.. Intindihin niyo na lang po muna."
"Ang laki talaga ng pagkakaiba niyo Coleen. Samantalang ang anak kong yun napakatigas ng ulo. Nakailang lipat na ng university at ng mga courses. Napapadawit pa sa gulo lagi. Pero alam mo? May pagkakaparehas kayo.. " Nakangiting sabi ni Captain Mondragon.
"What is it Tito? Pretty? Hahahaha! We know right."
"Both uninterested when it comes to holding and managing our businesses!" Tumatawang sabi nito.
"Tito naman eh!! Ayan na naman tayo."
"But the big difference is.. You are very hardworking, and you set aside boys or getting in to a relationship with just someone you first met. While my daughter? Hay.. Napakarami na nung naging boyfriend, paiba iba. At ginagawa niya pa ang kung anong gusto niya ng di man lang kami iniinform. O di man lang iniisip ang pangalan ng pamilya niya na nadadala niya sa mga kalokohan niya. That kid...." Bumuntong hininga ang Tito niya saka malungkot na umiwas ng tingin para di makita ni Coleen ang kalungkutan sa mga mata nito.
"Tito, dont worry.. Titino din yun. Kung may time para makilala ko siya hayaan niyo. Tiklop yun sakin." Pagbibiro pa ni Coleen na ikinangiti naman ng matanda.
"Hay nako hija, sana nga mahawaan mo yun ng ugali mo." Pilit nalang itong ngumiti.
Pagkatapos magkwentuhan ng dalawa ay nagpaalaman na ito para din makapagpahinga ang napuyat na dalaga.