Nalalakad sa hallway ng University na pinapasukan nila ang magkaibigang Jane at Wendy ng habulin sila ng humahangos na guard habang dala ang isang bouquet ng yellow roses. "Miss Mondragon,para po pala sa inyo. Hinatid lamang po ng delivery boy kanina na kakilala ko rin at pinapaabot sa inyo." Natigilan at napalingon si Jane dito. Nagkatinginan din sila ni Wendy bago nagtatakang tumingin sa guard. Ngayon lang kasi may naglakas ng loob na padalhan siya ng bulaklak maliban dun sa mga babaeng dati niyang pinapatulan kapag nilalandi siya. "Yellow roses? Kanino naman galing yan? E diba halos red roses o kaya naman ay tulips ang binibigay sayo ng mga manliligaw mo o nagkakagusto sayo?" Inismiran lang ni Jane ang sinabi ni Wendy at ibinalik ang tingin sa bulaklak. "Ma'am mauuna na po ako. Wa

