"Boss naman! You know na kailangang kailangan ka ng office at papatawagan ka na naman sa akin paulit ulit ng Daddy mo.." Halos nakapikit na nakikinig si Coleen sa maingay at sunod sunod na reklamo ng kausap niya sa telepono na si Art. "Kung alam niyo lang kung ilang megaphone na naman ang sumalubong sa akin kahapon nung malaman ni Miss Trishia na di ko kayo kasama pabalik dito sa Pilipinas. Boss naman... Tapos mag eextend pa kayo ng isang araw? Usapan natin na pabalik na kayo ngayon.." Walang tigil na sabi ni Art na sa tingin ni Coleen ay nagmamartsa na ngayon habang pumipilantik ang mga daliri sa stress sa kanya. Kasabay niya sana itong nakabalik sa Pilipinas kahapon kung di siya nagsabi dito na mageextend siya ng isang araw. Nakausap niya kasi sa skype si Captain Mondragon na kinamusta

