Chapter 32

1568 Words

"Titigan mo lang ba yan?" Halos mapatalon si Jane sa gulat ng biglang magsalita si Charlotte sa gilid niya. Di kasi niya namalayan na dumating ito dahil na rin sa malalim na pag iisip niya sa kung sino ba talaga ang laging nagpapadala sa kanya ng mga red roses na halos tatlong beses sa isang linggo. Halos memorize na nga niya yung oras o araw na darating ito na kung hindi iaabot sa kanya ng guard ng school na pinapasukan niya ay delivery boy naman. Ilang beses na niyang pinilit paaminin ang guard nila kung saan o sino ang nagpapabigay ng mga bulaklak pero tikom parin ang mga bibig nito. Kahit yung delivery boy ang tinatanong niya, iisa lang ang sagot nito. Hindi nila alam at napag utusan lang. "Jane Mondragon nandyan ka pa ba?!" Natauhan ulit siya ng muling magsalita si Charlotte na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD