Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao sa paligid namin ni Jane ng naka akyat na kami sa nakaset na red mini sofa bed kung saan nagperform ang mga babaeng nauna sa amin. Katabi nito ang mini table kung saan nakapatong ang mga shotglasses na may tequila, mga naka slice na lemon, asin at may tubig pa sa baso. May kung ano ano pa sa table. Talagang prepared. Bulong ko sa isip ko. Gosh! I cant believe this is really happening! Samantalang relax na relax lang naman si Jane at abot tenga pa ang ngiti nito ng mahuli niya akong nakatingin. This girl is impossible. I can't believe this is happening. Lumapit na si Jane sa kinatatayuan ko ng marinig namin ang hudyat ng malanding babae na nagsisimula na raw ang oras namin. "Be ready Coleen, papatunayan ko sayo na mali ang iniisip mo sakin. Sabi

