Nagising si Jane dahil sa sunod sunod na pagring ng cellphone niya kaya naiinis na kinapa niya ito habang nakapikit. "What do you want this early!" Masungit na sabi niya ng mapindot ang answer button. "Girl okay ka lang ba? Nasan ka? Buti na lang sunday ngayon at wala tayong pasok kung hindi magugulat si Ma'am Enriquez dahil ngayon ka lang aabsent ulit. Hahahaha!" Pang aasar ni Wendy. "Masakit ang ulo ko Wendy! Mamaya kana nga tumawag! Isa pa inaantok pa ako!" Nakapikit na sabi ni Jane dito. "Yun nga ang itatanong ko kaya tumawag ako bruha ka! Balita ko may babaeng nag uwi say ----" "Call me later okay! Inaantok pa ako!" At pinatayan nito ng phone si Wendy at walang pakialam na hinagis ang cellphone niya. Dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at inaninag ang paligid niya. Kinusot

