CHAPTER 4

2223 Words
Chapter 4: First meeting “I’LL SEE you when I see you, hija,” marahan na sabi ni Engineer Don Brill. Na sabi niya kanina ay Grandpa na lang daw ang itawag namin sa kaniya. Sobrang bait niya, tapos naikuwento niya na marami siyang mga apo na katulad niyang inhinyero din. Nakatutuwa nga. Si Cy ay interesado pa sa mga kuwento niya. Tanong nang tanong nga siya kanina. Magiliw na sumasagot naman si Grandpa Don Brill. O sige, iyon na lang ang itatawag ko sa kaniya. Nagsilapitan kaming magkapatid nang itaas niya ang kamay niya. Alam namin ang gesture na iyon. Nauna akong nagmano at sumunod na rin ang mga kapatid ko. “Mag-ingat po kayo,” nakangiting sabi ko. “Of course, hija. Magkikita pa uli tayo. Alam mo, Cyrille?” “Ano ho iyon?” I asked him. “Malaki ang magiging role mo sa pamilya namin,” sagot niya. Kumunot ang noo ko, kasi hindi ko na na-gets ang sinabi niya. “So, take care of yourself.” Tumingin pa ako sa aking ama, ang lapad-lapad ng ngiti niya tapos tinanguan niya ako. Napanguso ako. Ano kaya ang pinag-usapan nila ng kaibigan niya, ’no? Parang may alam din kasi si papa. Sinundan na lamang namin nang tingin ang papalayong sasakyan ng mga ito. “Grabe, Papa. Halatang mayaman ang kaibigan niyo. Paano niyo iyon naging kaibigan ang isang inhinyero na iyon?” namamanghang tanong ni Cy. Ginulo ni papa ang buhok niya. “Wala ka bang tiwala sa papa mo?” “Siyempre ho mayroon,” mabilis na sagot niya. Nilingon ako ni Papa. “Ano sa tingin mo, anak? Mabait ba si Don Brill?” I nodded. “Ang guwapo niya rin, Papa. May asawa pa ba iyon?” Napahalakhak siya sa tanong ko at si mama naman ay nakitawa na habang nagliligpit siya nang pinagkainan namin kanina. Tumulong sa kaniya si Calder. “Anak, mas maganda pa sa iyo ang maybahay ni Don Brill. Mabait din iyon,” ani mama. Nagkibit-balikat na lamang ako. “Buhay pa ang asawa niya kung ganoon, Papa?” “Aba’y siyempre naman. Mahal na mahal niyon ang asawa niya. Mabait na at maganda pa kahit may edad na,” aniya. Bigla ay na-curious ako. “Narinig ko po na may mga apo si Grandpa Don Brill, Ate.” I glared at Cy. “At ano naman ang ibig mong sabihin doon, aber?” masungit kong tanong. Nagkibit-balikat lamang siya kaya napairap ako sa kaniya. Pinatapos na rin sa amin ang mga gawain namin at nang natapos na nga kami ay saka lang kami nakapagpahinga. Hindi pa kami nakapagdesisyon kung kailan kami pupunta sa Manila, para makita iyong car rental namin. Nai-excite na rin naman ako pero tumulong na muna ako sa shop ni papa. Naisipan ko naman ang kaibigan kong si Cooper. Yayayain ko siyang sumama sa Manila para magtrabaho na lang siya roon. Maliban sa kaniya ay mayroon din naman akong best friend. Babae at busy lang siya ngayon dahil isa siyang pulis. Bihira lang din iyon mangumusta sa akin, kahit may cell phone naman kami. “Mama, pupunta po ako ngayon sa Racing Arena lang po ako,” paalam ko kay mama. Nagbibilang pa siya ng pera sa mesa niya. Iyong mga kapatid ko ay pumasok na rin sa school nila. Kaya kapag wala akong trabaho ay nasa shop lang ako. “Ano’ng gagawin mo roon? Huwag mong sabihin na makikipag-racing ka na naman, Cyrille? Ipaalala ko lang sa iyo na babae ka, ha? Hindi ka lalaki, anak,” mahinahon na saad niya. “Mama, hindi naman po ako nakalilimot sa gender ko,” aniko. Kinakamot ko pa ang gilid ng kilay ko. Naalala ko ang perang nakuha namin kahapon. Nagsisimula na rin kami sa surprise namin sa kanila. “Eh, bakit pupunta ka roon? Hindi ba nag-resign ka na?” “Si Cooper po ang pupuntahan ko roon, ’Ma. Iha-hire ko pa siya sa bago nating negosyo. Siya lang po ang kilala ko at puwede kong pagkatiwalaan,” paliwanag ko para naman payagan na akong umalis. Kilala naman niya ang kaibigan ko. “O siya. Mag-iingat ka.” Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Bisikleta ang napag-trip-an kong sasakyan. Malapit lang naman iyon. Exercise na rin ito. *** “Cyre!” agaran na tawag ni Cooper nang makita niya ako sa arena. Kumaway lamang ako sa kaniya. Nagpaalam na muna siya sa lalaking kausap niya, saka niya ako nilapitan. “Busy ka ba?” tanong ko sa kaniya. Pinasadahan ko pa nang tingin ang buong paligid ng arena. As usual ay maraming tao at katatapos nga lang din iyong car racing. “Hindi naman. Break ko na,” sagot niya at pinunasan pa niya ang namumuong pawis sa noo niya. “Sigurado ka na ba na hindi ka na babalik pa rito?” I shook my head. “Alam mo na magsisimula na rin ako sa negosyo ko. Ano? Sasama ka ba sa akin sa Manila?” Tinitigan ko pa ang mukha niya, na kung ano ang kaniyang magiging reaksyon. “Gusto mo ba akong itanan, Cyre?” nakangisi tanong niya kaya mahinang sinuntok ko ang braso niya. “Gàgo! Gusto lang kita alukin ng trabahador! Alam mo naman na ikaw lang ang kilala ko na magaling sa mga ganitong kalakaran. Ano? Magpasya ka na,” untag ko. Mahinang napahalakhak pa siya, kaya sinamaan ko siya nang tingin. “Hindi ito joke, Cooper.” “Alam ko naman. Pero gusto mo ring mag-resign ako sa trabaho ko?” nakataas ang kilay na tanong niya. Napabuntong-hininga ako. “Bahala ka nga,” naiinis na sabi ko. Tatalikuran ko na sana siya nang hulihin niya ang braso ko. “Oo na. Iyon naman ang plano ko. Ang sumama sa iyo. Sa Manila iyon, ’di ba? So, makikita ko rin ang best friend mo roon?” Napanguso ako. Alam ko na crush niya rin si Lyka Ann. Bihira lang magpakita iyon sa ’kin at iwan ko kung makikita namin ang babaeng iyon doon sa Manila. Doon naman siya nakadestino, e. “Ewan ko. Ah, basta. Tatawagan na lamang kita. Sasama ka sa akin,” mariin na saad ko. “Sige na nga!” sigaw niya. “Pero kailangan mo akong tulungan sa trabaho ko rito! Marami akong aayusin na sasakyan dito.” Pinagbigyan ko na lamang siya. Doon na rin ako kumain ng lunch, kasama ko pa rin siya. Hapon na ako nang magpasya akong umuwi. Ihahatid pa sana niya ako pero tumanggi na ako. Habang pauwi na nga ako at mabagal ang pagpepedal ko, nang makita ko ang isang sasakyan na nakahinto. Nasiraan ba siya? Iyon Madalas na akong nakai-encounter ng mga ganito, kaya naman ay bumaba ako mula sa bisikleta ko at nilapitan ko ito. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking naka-Amerikanong kasuotan. Nakatalikod lang siya at ang kamay niya ay nasa magkabilang baywang niya. Nakabukas na ang bumper at doon nakatutok ang atensyon niya. Hindi yata siya marunong mag-ayos ng makina ng sasakyan niya? “Need help, Sir?” I asked him. Hindi siya nagulat sa biglaan kong pagsulpot. Sa halip ay napatingin siya sa bisikleta ko. “Kaya bang buhatin ng bisikleta mo ang kotse ko?” malamig na tanong niya. Halatang iritado pa siya. “Baka ang bisikleta mo pa ang bubuhatin ko.” Ako naman ay napakunot ang noo. Pilosopo! “Of course not. Ano’ng klaseng mindset naman ’yan, Sir?” nakataas ang kilay na tanong ko. Nakauubos siya nang pasensiya. “Please, I don’t need your help here, Miss. Hindi ko rin kailangan ng kasama. Sa iba ka na lang at hindi ako mahilig sa babae.” Kahit may bahid na iritasyon ang boses niya ay kalmado pa rin ang kaniyang tinig. “Excuse me? Nandito lang ako para tulungan ka. Hindi rin ako mahilig sa lalaki. Ikaw na nga ang tutulungan ay ikaw pa ang may ayaw?” masungit na tanong ko nang hindi ko na rin napigilan pa ang inis ko sa lalaking ito. “Mas naaabala lang ako.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay saka lang siya napatingin sa ’kin. Kumunot ang kaniyang noo at ngayon na magkaharap na kami ay parang may kumakalabog sa dibdib ko. “Maganda ka sana pero ang dungis ng mukha mo.” His piercing gaze slices through me, as if exposing my deepest secrets. Chiseled nose, strong jaw, and those cheekbones leave me breathless. Towering above, his lean physique and broad shoulders radiate commanding confidence. God, he’s gorgeous, but so brooding. “May inayos lang ako na sasakyan sa shop namin, psh. Makauwi na nga lang. Pagabi na, marami pa namang asong ulól diyan sa kalsada,” pananakot ko pa. Para makabawi ako sa panlalait niyang madungis ako. Magpepedal na sana ako nang bigla siyang sumigaw. Tiningnan ko ulit siya. “Wait lang, Miss! Okay, fine!” Napangisi ako. “Mahal ang serbisyo ko, Sir.” “Paano ba? Aayusin mo kung ano man ang nasira riyan sa kotse ko?” magkasalubong ang kilay na tanong niya at hindi niya talaga alam kung ano ang problema ng sasakyan niya, kaya nasiraan siya sa kalagitnaan ng kalsada. “Dapat kung marunong kang magmaneho ng sasakyan ay kailangan mo ring matutong mag-ayos nito,” pangangaral ko at nilapitan ko na siya. “Bahay o gusali lang ang inaayos ko, miss.” Alam ko na kung ano siya o kung ano ang trabaho niya. “Oh, isa ka palang karpintero?” Nagtanong pa rin ako para sigurado. “The fvck?! Carpenter?!” sigaw niya na tila hindi pa makapaniwala. Ang OA naman niya. “Ang sabi mo kasi ay taga-ayos ka ng bahay o gusali,” anas ko. “Haist, maganda na sana pero tánga. FYI, Miss. Isa akong engineer,” malamig na saad niya. Pinalampas ko ang pagsabi niya sa akin na tànga. Kasi mukhang na-offend ko siya. Napakamot ako sa ulo ko. “Pasensiya ka na. Hindi mo kasi sinabi kung ano ka talaga.” Hindi na lamang siya nag-react pa. “Marunong kang mag-ayos niyan?” “Isa akong mekaniko,” sabi ko at nasa boses ko ang tila proud ako sa sarili ko, dahil mekaniko ako. “The hèll. May babae bang mekaniko?” Hayan na naman ang kaniyang pagtitig at kailangan mula ulo hanggang paa pa? Tsk. “Babae ako, ha. Hindi ako bakla,” nanlalaki ang mga matang saad ko. Ako yata ang na-offend! “Yeah, right. Walang lalaki na may malaking—” Sukat doon ay napayakap ako sa sarili ko. “Hey!” Aminado ako na malaki nga ang dibdib ko. Pero ayokong napapansin iyon! Na madalas ito talaga ang tinitingnan ng mga tao, lalong-lalo na ang mga kalalakihan. Ramdam ko ang init ng magkabilang pisngi ko dahil sa sobrang kahihiyan. Kainis! “Could you please fix it now? It’s getting late.” Kalmado na ulit ang boses niya. Binuksan ko na ang bumper para makita ko kung ano ang sira ng sasakyan niya rito. “Dahil ito sa fuel pump,” sagot ko sa kaniya. “What’s that?” curious niyang tanong. Wala ba siyang alam tungkol doon? “The fuel pump is a crucial component of a vehicle’s engine system. It supplies gasoline from the tank to the engine, where it is utilized to generate energy,” paliwanag ko. Nang balingan ko siya ay umawang na ang labi niya sa gulat. “Pasalamat ka at hindi sumabog ang sasakyan mo. Kundi, patay ka,” dagdag pang saad ko. “Paano ’yan? Paano mo maaayos ang sasakyan ko?” “Hindi ito agad-agad maaayos. Kailangang suriin, linisin ang pump. Kung gusto mo ay dalhin na lang sa shop namin ang kotse mo,” suhestiyon ko. “How?” “Iwan natin dito ang sasakyan mo. Sumama ka sa akin.” Napaatas ang kilay niya. Na parang mali sa sinabi ko. “Wala ka bang cell phone para tawagan mo na lang ang kasamahan mo sa shop? Kahit babae ay hindi ako dapat nagtitiwala sa kung sino-sino.” Napa-facepalm na lamang ako at bumuntong-hininga. “Hindi ko dala ang phone ko. Bahala ka nga. Ang arte mo. Akala mo naman ay gagahasain ka,” naiiritang saad ko. Iiwan ko na rin sana siya roon nang makarinig ako nang pagbusina ng isa pang kotse. Kay Cooper iyon. “Cyre!” I waved at him. “Cop! Pakabit!” Natawa na naman nang malakas ang lalaking ito sa sinabi ko. Tapos ang isa pang lalaki ay napaismid. Inikutan ko siya ng mga mata. “Single pa naman ako, Cyre. Puwede ka namang maging akin nang hindi kita ginagawang kabit,” pagbibiro niya. “Tadyakan kita riyan, e. Ikabit mo ang sasakyan iyan sa kotse mo. Dadalhin sa shop namin. Nasiraan si kuya—” “Darcy, Darcy O. Brilliantes ang pangalan ko,” sabat ng lalaki at natigilan ako dahil pamilyar ang surname na binanggit niya. “Brilliantes? Kaano-ano mo si Don Brill Brilliantes?” tanong ko. “How did you know my grandfather?” he asked in surprise. “Kahapon ko lang siya nakilala. Kaibigan siya ng papa ko,” sagot ko. “Then do you Charlie Misa?” “Papa ko iyon, ah,” mabilis na sagot ko. “Cyre, ano ba ang nangyayari dito? At sino naman ang lalaking iyan?” singit na tanong ni Cooper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD