CHAPTER 5

2311 Words
Chapter 5: Girlfriend “ABA, ewan ko. Hindi ko naman siya kilala,” nakataas ang kilay na sabi ko. Napahilot naman siya sa sentido niya. Na parang na-stress siya sa naging sagot ko. Eh, sa totoong hindi ko naman talaga kilala ang lalaking ito. Nagmagandang loob lang naman ako na tulungan ito, kasi sa kalagitnaan nang biyahe niya ay nasiraan pa siya ng sasakyan niya. Siyempre, concern citizen lang naman ako. “Eh, ano naman ang ginagawa mo rito? Hindi mo siya kilala pero nandito ka? Bakit hindi ka pa dumiretso nang uwi?” balik na tanong niya. Sinapak ko nga siya, dahil nainis agad ako sa kaniya. “Excuse me?” Binalingan ko ang lalaki. “Ang papa ko ba ang hanap mo? Si Papa Charlie?” tanong ko sa binata. Marahil ay binata pa siya, o baka may girlfriend na rin. Parang hindi rin naglalayo ang edad namin. “Kasasabi ko lang, ’di ba?” Nagsalubong ang manipis kong kilay. Ang suplado naman ng lalaking ito, ah. Hinarap ko uli si Cooper. Nasa magkabilang baywang na rin niya ang mga kamay niya. Kunot na kunot din ang kaniyang noo, habang pinagmamasdan niya ang lalaking kasama namin ngayon. “Tara na. Iyong sasakyan niya. Ilabas mo na ang rope. Tapos ikabit mo sa kotse mo. Bilisan mo,” utos ko sa kaniya. Malakas na tinapik ko pa ang balikat niya. Napangiwi pa nga saka siya kumilos. *** “Ano’ng kailangan mo sa papa ni Cyre?” tanong ni Cooper sa lalaking nakaupo sa backseat. Ako ang katabi ng kaibigan ko sa passenger’s seat. Bahagya ko lang sinulyapan ito. “That’s not your concern,” supladong tugon nito. Nagkatinginan pa kaming dalawa, sa huli ay pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Kaya umikot ang mga mata ko. Pagdating namin sa bahay ay agad akong bumaba para tawagin si papa, na may bisita siya. “Papa!” sigaw ko. Nakita ko naman ang paglabas niya mula sa shop niya. Nagsalubong pa ang kilay niya at dali-dali siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Tiningnan pa niya ang dalawang sasakyan. “Cyre? Bakit ka ba sumisigaw, anak?” Namulsa ako at itinuro ko ang kotseng sinakyan naming tatlo. “May naghahanap ho sa inyo, Papa.” Agad na bumaba ang estranghero. Pinasadahan pa niya nang tingin ang buong paligid, saka nailipat niya ang tingin sa aming ama. “Engineer Darcy!” tawag ni papa rito. Tuwang-tuwang pa siya nang makita ito. So, magkakilala nga sila. “Good afternoon, Tito Charlie,” bati nito sa aking papa. Napataas pa ang isa kong kilay nang nagyakapan silang dalawa. Lumabas na rin ang dalawa kong kapatid at nakiusyuso pa. “Sino ang dumating, Ate?” tanong ni Cy. Nagkibit-balikat ako at itinuro ko ang bisikleta kong nasa bubong ng sasakyan. “Kunin mo na lang doon ang bisikleta ko,” utos ko sa kaniya at dumiretso na ako sa bahay namin. Tinawag pa ako ni Cooper na kinawayan ko na lamang. Kahit curious ako kung ano ang ginagawa rito ng binatang iyon ay wala naman akong pakialam pa roon. Dumiretso na ako sa kuwarto ko para makaligo na rin. Habang nasa ilalim nga ako ng tubig ay bigla na lang lumitaw sa balintataw ko ang guwapong mukha ng bisita ni papa. Napailing ako at bumuntong-hininga. Marami na akong nakita na nagguguwapuhan na kalalakihan, pero bakit ibang-iba ang hitsura niya? Bakit yata parang may sparks ang mukha niya? Na parang maaliwalas. “Ate Cyre! Pinapababa ka ni papa! Dalian mo!” Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Calder. Mabilis na nagbanlaw na ako ng katawan ko at agad nang nagbihis. White oversized t-shirt ang suot ko at pink na pajama pababa. Ang maikli kong buhok ay sinuklay ko lang ito. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin. Nasa hagdanan pa lamang ako nang maramdaman ko ang dalawang pares na nanonood sa akin. Kumunot ang noo ko. Nasa loob ng bahay namin iyong lalaki. Eh, pinatuloy siya ng mga magulang ko? Nang magtama ang mga mata namin ay mabilis na napaiwas siya nang tingin. Hinanap ko ang mga kapatid ko, pero wala sila. Saan kaya nagpunta ang mga iyon? It’s good na nandoon din sina mama at papa. Kausap nila ang kanilang bisita. Napansin naman ako ng aking ama, kaya tinawag niya ako. “Anak, halika rito.” Sumunod din naman ako at umupo sa pang-isahan na sofa. Iniwasan ko ang mapatingin sa lalaki. “Darcy, hijo. Ito pala ang panganay kong anak. Si Cyrille Mae, veinticuatro pa lamang siya. Pero tapos na sa pag-aaral iyan.” Naglahad ng kamay ang nagngangalan na Darcy. Ang pangalan niya ay pambabae, ’no? “Nice meeting you, Miss. I’m Engineer Darcy O. Brilliantes,” pakilala nito. Palihim akong namangha, dahil isa pala siyang inhinyero. Wala sa hitsura niya ang pagiging engineer niya. O baka ganyan naman dapat ang mga hitsura nila? Pang-CEO type kasi ang mga katulad nila. “Anak,” sambit ni mama. Napansin nila na nakatitig lang ako sa malaking kamay nito. Kitang-kita ang ugat sa braso, ngunit ang ganda ng mahahaba niyang mga daliri. Tapos mestizo pa siya. Tumikhim ako at tinanggap ang kamay niya. “Cyrille,” tipid na sambit ko lang sa pangalan ko. Umawang ang labi ko nang maramdaman ko ang tila kuryente na tumutulay ngayon sa aking ugat, na parang nagmumula rin iyon sa kaniya. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay, maging siya ay naguguluhan. Hanggang sa umikot ang parehong kamay namin. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang dinala niya sa mga labi niya ang kamay ko. Hinalikan niya iyon kaya mas lalong hindi mapakali ang t***k ng puso ko. Nagwawala, gustong-gustong lumabas mula sa ribcage ko. Nang bumitaw na rin siya ay naitago ko sa aking likod ang braso ko. Napansin niya iyon, kaya bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya. Ang halakhak ni papa ang kumuha sa atensyon namin pareho. “Napaka-gentleman mo talaga, hijo,” komento ni mama. Halos umikot ang mga mata ko. Alam kaya nila na suplado rin ito? “Cyre, siya pala ang pangalawang apo ni Don Brill. Panganay rin siya sa magkakapatid,” ani papa. Tumango lang ako at hindi ko na ibinalik pa ang tingin sa kanila. Subalit gusto kong magtanong. “Ano ho pala ang ginagawa niya rito, Papa?” “Ah ano kasi, anak. Ire-renovate itong bahay natin. Nagboluntaryo ang lolo niya na siya ang maghahanap ng engineer natin. Kaya pinadala niya rito si Darcy,” paliwanag ni papa. Masyadong mabait ang kaibigan niya, pinautang na nga siya ng pera ay ngayon naman pinadala pa ang apo. “Bakit kailangang ipa-renovate ang bahay natin, Papa?” nagtatakang tanong ko. Kasi maayos pa naman ang bahay namin. Masikip kung titingnan ng ibang tao, pero para sa amin ay ayos na rin ito. “Palalakihin kasi natin ang shop, kaya itong bahay natin ay ipupuwesto sa may likod. Hindi ito puwedeng magtabi. Bibigyan lang ng koneksyon.” “Panibagong pinto? Pero, Papa. Kaya ba iyan sa budget natin?” tanong ko na ikinatango naman niya. “Oo naman, anak. Hindi naman namin ipa-renovate ng mama mo ang bahay natin kung wala tayong budget,” naiiling na sagot naman niya. “I see,” iyon na lamang ang nasabi ko. “Tito, kailan po ba magsisimula ang renovation? Babalik pa kasi ako sa Manila. Tiningnan ko lang ang bahay niyo,” magalang na sabi nito. In fairness naman, kahit may kalamigan ang boses niya ay napagalang pa rin niya. Huwag lang siyang magsusuplado. “Next week,” sagot ni papa. “May matutuluyan na ho ba kayo in case na magsisimula na rin ang renovation, Tito, Tita?” “Wala pa. Puwede naman kaming magpatayo riyan ng tent.” “Kung gusto po ninyo ay mag-stay na muna kayo sa private resort namin. May kalayuan po yata rito, pero okay lang din naman po. Bakasakaling hindi komportable ang mga anak niyo, lalo na—” Nag-iwas ako nang tingin. He notice na nasa kaniya ako nakatitig kasi. Siyempre may mga mata ako. Natural na mapapatingin talaga ako sa kaniya. “Hmm, pag-iisipan namin iyan, Darcy.” “Ang mabuti pa ay maghahain na muna ako ng hapunan natin,” ani mama. Kaya tumayo na rin ako. Nagtungo ako sa pinto para sana lumabas. “Saan ka pupunta, Cyre?” “Sa labas lang po, ako, Mama,” paalam ko. Dumiretso ako sa shop at naabutan ko roon ang mga kapatid ko. May kung ano’ng sinusulat si Colette sa notebook niya. Tapos si Calder naman ay isa-isa niyang sinalansan sa pinaglalagyan ang mga gamit. “Kapag mayaman na ako ay bibili rin ako ng ganito.” Si Cy ang nilapitan ko at marahan ko siyang binatukan. Kanina pa yata siya nakaupo sa hood ng sasakyan, habang nililinisan niya rin ito, na napuno na rin yata ng alikabok. “Ano’ng ginagawa mo riyan?” supladang tanong ko. “Si Ate naman ay nambabatok. FYI, ako ang nag-ayos ng sasakyan ng bisita ni papa,” sabi niya at parang proud pa siya. Eh, hindi na bago sa amin ang mga ganito. “Ano’ng ginagawa niyo rito sa shop?” “Si ma-Colette, Ate.” Itinuro ni Calder ang bunso namin at nang marinig niya ang pangalan niya ay tumulis ang mapula niyang mga labi. “Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya dahil ma-Colette siya,” natatawang sabi ni Cy. “Ano ang ginawa mo, Colette?” I asked her. “I asked the guy kung boyfriend mo ba siya, Ate. Kasi ’di ba nakita ka namin na kasama mo siya?” nakangusong tanong niya. Para lang malukot ang ilong ko. “Ba’t naman ganyan ang tanong mo, Colette? Bisita iyon ni papa. Lolo no’n ang engineer na pumunta sa atin kahapon at saka ano’ng boyfriend naman iyang pinagsasabi mo?” “Sorry naman po, Ate. Ang guwapo kasi ng mamang iyon. Parang bagay kayo, e,” pagdadahilan niya at napatampal na lamang ako sa aking noo. “Pumasok ka na roon sa bahay at huwag kang magulo. Kaya kayo pinapalabas kasi ma-Colette ka,” naiiling na sambit ko. Ang balak ko ay hindi sasabay sa hapunan. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpaplano namin para sa wedding anniversary nina mama at papa. Ang kaso ay pinatawag na naman nila ako. Lumabas na rin ako kasi ayokong magtagal pa. Napahinto lang ako nang makita ko si Darcy—ey, ang feeling close ko naman kapag iyon na ang itatawag ko sa kaniya. Puwede namang Engineer Darcy. “Nasa Tagaytay pa ako, babe. Bukas pa ang balik ko. Nasira kasi ang sasakyan ko at gabi na rin. Kaya bukas na tayo magkikita. Don’t worry, didiretso agad ako sa condo mo.” May girlfriend na siya? Girlfriend o asawa? Ngunit wala naman akong nakita na wedding ring sa daliri niya. Kaya baka girlfriend niya ang katawagan niya ngayon. Napailing na lamang ako at nilampasan ko na lang siya. It seems na hindi ko siya napansin. Dumiretso ako sa kusina, nandoon na silang lahat. Maliban sa engineer na kausap pa niya ang nobya niya. “Cyre,” tawag ni Mama na may pagsuway sa tono ng kaniyang boses. “Gutom na po ako, Mama,” kibit-balikat na saad ko at nagsandok na ako ng kanin. Masarap na naman ang ulam namin ngayon. Pumasok na rin naman iyong binata at umupo siya sa tabi ni Calder. Katapat niyang nakaupo si papa. Ang katabi ko naman ay si Colette. “Pasensiya na po sa paghihintay,” sabi nito. “Wala iyon. Sige. Kumain ka lang, hijo. Iyang ginataan na kalabasa ay paborito iyan ng mga anak ko,” pagbibida ni papa. Kitang-kita ko kung paano nila asikasuhin ang bisita. Si Cy ay lumalamon na rin kasi wala ring pakialam ang isang ito. Si Colette ay pasulyap-sulyap. Hindi naman mukhang na-out of place ang engineer, kasi ang daldal ni papa. Nauna pa nga kaming lumabas ng mga kapatid ko at kaniya-kaniyang pasok sa aming kuwarto. Nang nagpapahinga na nga ako ay malakas na kalabog ang narinig ko sa kabilang kuwarto. Silid iyon ni Cy. Naulinigan ko rin ang boses ni Calder. Mukhang hindi sa panganay na anak ni papa ang pinahiram niyang matutulugan ng kaniyang bisita. Nakatulog din naman ako kalaunan at narinig ko lang ang pagbusina ng sasakyan sa labas. Kahit inaantok pa ako ay bumaba ako para tingnan ang ingay na iyon. “Uuwi ka na ba?” tanong ko sa lalaki. Lumingon ito sa akin. Madilim pa, iyong ilaw sa poste lang ang nagbibigay sa amin ng liwanag. “Yeah, that’s my plan,” seryosong sagot niya. Paano niya kaya nakuha ang susi ng shop? “Puwede mo naman imaneho iyan—oh, Ate. Ikaw pala.” Si Cy lang pala. “Uuwi na raw po siya.” “Eh, ’di umuwi siya,” mahinang sambit ko. Napatitig sa akin si Engineer Darcy. “Ipagpaalam niyo na—” “Pinakaayaw ng mga magulang ko ay ang ganito. Maayos na tinanggap sa bahay, tapos aalis nang walang paalam?” malamig na tanong ko. “Hoy, Ate. Ano ka ba?” Siniko pa ako ng kapatid ko. “Kailangan niya raw umuwi agad. May aasikasuhin siya.” “Hindi naman natin siya pinipigilan, ah. Umalis siya kung gusto niya. Pakialam ba natin sa kaniya?” Higit nang kumunot ang noo nito. “Bisita natin siya, Ate.” Kinurot pa ni Cy ang pisngi ko. Mabilis kong tinabig ang kamay niya. “Fine, I’ll stay,” he said. “Huwag mo nang pansinin si ate, Engineer.” “It’s okay. Tama naman ang ate mo. Hindi magandang asal ang aalis nang hindi nagpapaalam,” pag-a-agree nito sa sinabi ko. Excited lang siyang umuwi, dahil sa girlfriend niya. Na hinihintay siya sa condo nito. Psh. Miss niya agad, ha. O baka clingy nga ang babaeng iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD