Chapter 6: Motor
HINDI nga siya umalis agad. He chose to stay at saka siya inaya ng kapatid ko na pumasok sa loob.
Wala naman talaga akong pakialam sa kaniya. Kung gusto niyang umuwi ay sige, umalis siya. Ang sa akin lang naman ay iyong aalis siya nang hindi nagpapaalam sa mga magulang ko. Iyon ang pinakaayaw ko sa isang tao.
Maagang nagising si mama, nagulat pa nga siya nang makita niyang nagkakape na ang dalawang lalaking kasama ko.
Silang dalawa rin ang nag-uusap, akala ko nga ay hindi sasagot ang isa riyan, pero nawili rin naman. Kung saan-saan na umabot ang kanilang usapan.
Hanggang sa kumain na nga kami ng agahan. Si papa na naman ang dumaldal sa inhinyero. Hindi nauubusan ng topic.
“Ang panganay ko ay magsisimula pa lang iyan sa bago niyang negosyo,” pagbibida ni papa.
“Ano po ang negosyong ipapatayo niya?” tanong nito. Hindi ko alam kung curious lang ba siya o interested na malaman ang tungkol sa bagay na iyon.
Naramdaman ko pa ang pagsulyap nito sa ’kin, ngunit hindi ko naman siya tiningnan pa.
“Car rental, hijo,” sagot ng aking ama. Punong-puno ng galak ang kaniyang boses.
“Papa, huwag niyo na nga akong pag-usapan,” nakasimangot na sabat ko. Natawa lang siya, ang binatang kausap niya ay pinagtaasan lang ako ng kilay.
Tahimik lang ang dalawa kong kapatid. Maliban kay Cy na mana sa papa namin sa sobrang kadaldalan. Ganoon din naman si Collete, ngunit hindi siya makasabat sa usapan. Kasi hindi naman siya makaka-relate.
“Engineering ang kurso mo, Cylinder right?” he asked my brother.
“Oo, nasa pangatlong taon pa lang ako ng kolehiyo,” sagot naman nito.
“When you graduate don’t hesitate to visit our company in Manila. Iha-hired ka namin,” sambit nito na ikinabigla ni Cy.
Pero makikitaan din siya ng kagalakan. Iyong tipong pagka-graduate pa lang niya ay may trabaho na ang naghihintay sa kaniya. Hindi na siya mahihirapan pa. Ang labo kasing makapagtrabaho ka agad-agad sa isang firm na wala ka lang license.
“Before that, he need to pass his board exam,” sabat ko naman. Napatingin na naman siya sa akin. Tumango-tango pa siya, na tila agree siya sa sinabi ko.
“With or without his license, nagha-hire pa rin naman kami ng bagong engineer,” sabi niya. Gusto pa yata niyang makipag-debate sa ’kin.
“Pagmamay-ari ng Brilliantes clan ang pinakamalaking firm sa Maynila, anak. Maganda ang oportunidad na naghihintay sa mga batang katatapos lang ng kolehiyo. Kahit wala pa silang license ay puwede silang makapasok agad doon. Parang training na rin iyon sa kanila,” paliwanag naman ni mama. Alam niya ang tungkol doon. Close nga yata ang parents ko sa pamilya ng binatang ito.
“I see,” sabi ko na lamang, kasi wala na akong masasabi pa maliban na lang doon.
Isang oras ang lumipas bago nagpaalam ang lalaki. Maayos na ulit ang sasakyan niya kaya sure ako na makauuwi na siya ngayon sa kanila.
Inaya naman ako ng mga kapatid ko sa bahay para pag-usapan na namin ang plano namin. Sumama pa ang bunso namin.
“Doon ka na sa shop, Collete. Bantayan mo roon sina mama at papa,” sabi ko, pero umiling lang ang bulinggit.
“Doon ka na para may ambag ka sa amin,” utos pa ni Cy. Ngunit mapilit siya. Tumabi lang siya kay Calder. Akap-akap nito ang kaniyang manika.
“Malay niyo po ay may maitulong ako?” sabi nito. Napakunot tuloy ang noo naming tatlo.
Hanggang sa pisilin ni Calder ang pisngi nito. “Bantayan mo ang pinto kung ganoon,” sabi niya rito. Tumingin lang sa front door, tapos tumulis ang labi. Wala kaming maaasahan sa bunso namin. So, hinayaan na lang namin siya.
Akala nga namin ay babantayan niya ang pinto. But she didn’t. Nagulat na lang kami ni Calder nang may umakbay sa amin.
“Papa!” sigaw ng mga kapatid ko.
“Parang may pinag-uusapan kayo, ah? Nagpaplano ba kayo para sa nalalapit naming wedding anniversary ng mama niyo?” Mariin akong napapikit. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nina Calder at Cylinder.
“Papa, surprise dapat iyon, e,” singit ni Collete. Eh, siya itong hindi nagbabantay sa pinto kung may papasok pa.
“O siya, kunwari ay hindi ko narinig ang pinag-uusapan niyo at wala akong alam sa plano niyong magkakapatid,” ani papa. Tapos umakto pa siya na tila wala nga siyang nalalaman. “Pero tama na muna ’yan. Cyrille, anak. Puwede bang pakihatid ang bisita natin?”
“What do you mean by that, Papa?” I asked him. Tama ba iyong narinig ko?
Eh, kaaalis lang kanina ng lalaking iyon. Kaya sino pa ang bisita ni papa na hindi pa nakauuwi? Na kailangan pa talagang ihatid.
“Si Engineer Darcy, anak. Nasiraan siya ng sasakyan sa daan. Hindi talaga maganda ang kondisyon ng kotse niya,” paliwanag niya at napatingin ako sa aking kapatid.
“Hindi mo ba sinuri nang mabuti, Cy?” nagtatakang tanong ko. Alam ko na wala pa sa kalingkinan ng aking galing ang kapatid ko. Ngunit nasisiguro kong mahusay rin naman siya.
“Luma na talaga kasi ang sasakyan niya, ate. Sinabi ko na rin sa kaniya na may posibilidad na masisira din iyon,” paliwanag nito sa akin. Pero gusto pa niyang bumili ng ganoong model ng sasakyan.
“What now, Papa?” I asked my father.
“Ihatid mo na lang siya sa Maynila. Calder, samahan mo ang kuya mo na kunin ang sasakyan ni Darcy.”
“Papa, paano ko naman siya ihahatid? Eh, wala naman po akong kotse. Maliban na lang kung gusto niyong iangkas ko siya sa motor ko?”
“Oo, iyon nga ang mangyayari, anak. Sinabi ko na rin sa kaniya iyan.” Tumango pa siya.
“Bakit po ako ang maghahatid? Si Cylinder na lang, Papa,” aniko sabay turo sa kapatid ko.
“May pasok kinabukasan ang kapatid mo, Cyrille. Ikaw na lang,” giit niya.
“Ang pangit naman pong makita na babae ang driver ng motor, tapos lalaki ang angkas?” hindi makapaniwalang tanong ko. Mabilis na umalis ang mga kapatid ko. Tapos no choice na naman ang peg ko. “Ang yaman-yaman niya, tapos hindi siya makabili ng bago niyang sasakyan?”
“Sige ne, Cyrille. At kung nasa Maynila ka na ay bisitahin mo na rin ang kaibigan mo. Kumustahin mo siya at sabihan mo na bumisita siya kamo rito sa bahay. Matagal ko nang hindi nakikita ang batang iyon. Mamaya niyan ay subsob na pala siya sa trabaho niya at hindi na nagpapahinga,” mahabang usal ng aking ama.
Tama, maliban kay Cooper ay may best friend din ako. Babae siya. Grade school pa lang kami nagkakilala. Ang alam ko ay buhay pa rin naman ang kaniyang biological father. Pero may sarili ng pamilya.
“Sige po, Papa.” Napabuntong-hininga na lamang ako.
Si Cylinder ang nagmamaneho ng truck namin, para mabitbit iyong kotse ng lalaki. Tapos ako ay naka-motor na. May dala na akong extra helmet para sa kaniya.
Pagkarating namin doon ay nasa labas na nga siya. Ako ang una niyang tiningnan bago ang truck na nasa unahan ko lang.
Bumaba ako sa motor ko at saka ko siya nilapitan. “Ang totoo, may balat ka ba sa pwet?” tanong ko sa kaniya. Naningkit ang kaniyang mata, na tila hindi niya nagustuhan ang aking tinuran.
“What the hell was that?” malamig niyang tanong.
“Ang ibig kong sabihin. Napakamalas mo naman. Engineer ka naman. Marami kang pera, pero pambili ng bagong kotse ay hindi mo kaya? Alam mo tamang-tama rin naman ang timing. Sige, imbitahan kita sa new business ko. Bumili ka ng sasakyan,” anas ko and out of nowhere ay napahalakhak siya.
Naguguluhan na tiningnan tuloy siya ng mga kapatid ko. Parang nababaliw na siya kung makatawa. Eh, hindi naman ako nagbibiro.
“Okay. Just text me kung saan ang car rental mo. Ipapadala ko ang sekretarya ko para bumili ng bagong sasakyan. Good timing din pala iyang pagma-market mo ng business mo, Miss,” sabi niya na sinabayan pa nang pag-iling.
Binalingan ko na sina Cy at Calder. Ininguso ko ang sasakyan.
“Sige po, ate. Kami na ang bahala,” tumatangong saad ni Cy.
Itinuro ko naman ang aking motor, saka ko ibinigay sa kaniya ang helmet. “Marunong ka bang mag-drive ng motor, Engineer?” I asked the guy.
“Hindi. I never tried it, because it’s too risky and dangerous,” he replied, and I shrugged.
“Matagal na akong nagda-drive ng motor. Buhay pa naman ako hanggang ngayon,” sabi ko.
“Miss, hindi ko naman sinabi na nakamamatay ang mag-drive ng motor. Ang sabi ko lang ay napakadelikado, and seriously? Bakit motor ang napili mong imaneho?” salubong ang kilay na tanong niya. Muli lang akong nagkibit-balikat.
“Tara na lang,” anyaya ko. Hinagis ko ang helmet ko. Mabilis naman ang reflex niya at nasalo naman niya iyon.
Nauna akong umangkas. Kahit na medyo nakaiilang ang puwesto ay wala naman akong magagawa pa.
“Ingat kayo, ate,” sabi ni Calder sa amin.
“Kayo ang mag-ingat,” sabi ko naman sa kanila.
Malayo ang espasyo ng inhinyero at ako ang nahihirapan sa kaniya. Nakakapit naman siya sa handle na nasa likod, pero talagang napakalaki ng space sa pagitan namin.
“What? Let’s go,” he said.
“Bakit ang layo mo? Mabilis akong magmaneho at kapag ganyan ang puwesto mo ay sige ka. Kapag nalaglag ka ay hindi na kita babalikan pa or worst hindi ko na mapapansin na nahulog ka na nga,” aniko.
Humugot siya nang malalim na hininga saka siya dahan-dahan na lumapit sa akin. Ang haba ng legs niya, kaya expected na aabot din iyon sa hita ko. Nagmistulang nakakulong na nga ito.
“This is—f**k!” malutong na mura niya, nang pinaharurot ko na ang aking motor. Napangisi ako at hindi na niya alam kung saan na siya kakapit.