Chapter 7: Lyka & Darrius
“KAPIT ka! Mahuhulog ka niyan. Sige ka!” sigaw ko sa kaniya, dahil talagang hindi niya alam kung saan pa siya kakapit. Nakatatawa lang ang reaksyon niya ngayon, ngunit nakaiinis lang din.
Malulutong na mura lang ang naririnig ko mula sa kaniya. Puro siya reklamo, kapag nahulog siya riyan ay hindi ko na talaga siya babalikan pa. Bahala siya.
“Where do I hold then? Do you want me to hug you?” naaasar niyang tanong. Ang lamig pa ng kaniyang boses.
“Do you really want to fall?” I asked him back. Nauubos na ang pasensiya ko sa kaniya. Paano kami makaaalis agad dito kung ganito naman siya?
“Sino ang gugustuhin na mahulog? Tsk.” Inihinto ko na muna ang motor ko sa gilid ng kalsada at tumingin ako sa kaniya. Salubong ang makapal niyang kilay. Maski ang helmet niya ay hindi maayos ang pagkakasuot. Halatang walang alam pagdating sa motor ang isang ito.
“Sa akin ka na lang kumapit,” sambit ko at nakikita ko sa mga mata niya ang matinding pagtutol sa suhestiyon ko. Tss. Hindi siya yayakap sa ’kin, dahil lang sa may girlfriend na siya. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa taong ito?
“Huwag mo na lang akong ihatid. Tatawag na lang ako sa susundo sa akin,” aniya. Sino naman kaya ang aabalahin niya para lang masundo siya rito?
“Bahala ka nga. Hindi kita pipigilan diyan. Bumaba ka na,” walang emosyon na sabi ko at hindi naman siya nagdalawang-isip agad na siyang bumaba sa aking motor. Hinubad niya pati ang suot niyang helmet saka niya iyon inabot sa akin. “Maski pagsuot niyan ay hindi ka marunong.” He didn’t say anything, padabog na kinuha ko na lang ang helmet ko at nang mapatingin siya sa aking mukha ay inirapan ko siya.
He tried to contact his brother—iyon ang narinig ko, pero halatang walang sumasagot mula sa kabilang linya, kaya wala na siyang choice kundi ang umangkas na lang sa motor ko. Para maihatid ko na siya hanggang sa Manila.
Naka-survive naman siya, sa may jacket ko lang naman siya kumapit at talagang iniiwasan niya ang dumikit sa aking likuran. Unfortunately, he can’t avoid that. Dahil may mga pagkakataon ay nagpipreno ako. Mabilis din naman siyang dumidistansya, medyo gumagalaw lang kaya madalas ko siyang sitahin. Ang likot-likot niya kasi.
Sa harapan ng café kami huminto at bumaba na rin siya. Pulang-pula ang tainga niya. Nabasa rin ng pawis ang kaniyang buhok na ngayon ay inaayos niya. I can’t blame him, mainit sa biyahe kahit na presko naman ang hangin, dahil sa bilis nang pagmamaneho ko ng motor.
“Gagabihin ka kapag uuwi ka pa sa inyo,” sabi niya. Kahit maaga pa kaming umalis doon ay lunch time na kami nakarating sa Manila.
“Eh, ’di go gabihin kung gagabihin ako,” sabi ko lang. Dahilan na kumunot ang noo niya. Hindi niya nagustuhan ang pagsasawalang bahala ko kung gagabihin pa ako pauwi.
“May kakilala ka ba rito na puwede mong pag-stay-an kahit isang gabi lang?” I frowned. Naninimbang na tumingin ako sa mga mata niya. Bakit naman siya nagpapakita ng hospitality?
“Why do you even care, Engineer?” bored na tanong ko. Pinagkrus ko pa ang magkabilang braso ko. Bahagya rin akong nakaupo sa motor.
“Tsk. Sabihin mo na lang kung mayroon. O gusto mo na mag-check in na lang muna sa hotel?” Mas lumalim ang gatla sa aking noo. Bakit ko naman gagawin iyon? Mag-aaksaya pa ako ng pera para lang doon?
“Seryoso ka ba riyan? Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. I can handle myself at sanay akong ginagabi sa pag-uwi. Wala ng bago rito,” aniko.
Kapag nasa Manila ako ay ang best friend ko ang palagi kong naaalala. Nandito kasi siya. May sarili siyang pharmaceutical company, hindi iyon kalakihan. Dahil nagsisimula pa siya sa maliit niyang business. Pareho lang naman kasi kami, e.
Nagsisimula pa lang sa pakikibaka sa buhay. Masuwerte naman kami kung tutuusin, may mga magulang pa kami ang gagabay sa amin.
Tumingin naman ako sa kabilang street. Sinadya kong dito sa tapat ng café na mag-park kasi malapit lang ang kaibigan ko sa place na ito.
“May best friend ako rito,” aniko sabay nguso sa isang direksyon. Sinundan naman niya iyon nang tingin. Nang magsimula akong maglakad ay siya namang pagsunod niya sa ’kin.
Puwede naman siyang umalis kung gusto niya. Bahala na ako sa sarili ko at hindi na niya ako responsibilidad pa.
Napakunot ang noo ko. Parang sarado itong pharmacy ng kaibigan ko. Wala ba siya rito?
Nagkatinginan pa kami ni Engineer Darcy. “Miss, wala yatang tao riyan.” Saka siya tumingin sa pinanggalingan namin kanina. Sa tabi ng café ay may nakatayong malaking pharmacy roon. ’Di hamak na mas malaki iyon kaysa sa building na malapit sa kinatatayuan namin. “May pharmaceutical company sa kabila. Base pa lang sa materyales ng gusali ay bago lang ito ipinatayo.”
Isa siyang inhenyero, malamang ay mapapansin niya iyon. Don’t tell me malulugi pa ang business ni Lyka, dahil lang sa building na nasa kabila? Na mukhang maraming customer ang bumibili ng mga gamot. Binuksan ko na ang pinto. Hindi ito naka-lock, malamang ay may tao pa. Nandito naman siguro siya.
“I told you na hindi ko isasara ang pharmacy ko at mas lalong hindi ako sasama sa ’yo!” Boses na iyon ng best friend ko.
Si Lyka Ann Medina, isa siyang doctor. Siya ang nagpatayo ng sarili niyang pharmaceutical company. Pero bakit ngayon ay parang malapit nang magsasara ito?
“I already packed your things. Sa akin ka na ngayon tutuloy, Miss.” Saka lang din lumabas ang matangkad na lalaki na bitbit ang malaking maleta. Bago pa man siya makalayo roon ay may babae na ang humila sa braso niya at inagaw nito ang hawak niya.
“Don’t you dare, Darrius!”
“We better go, Miss.”
Hindi pa nila kami napapansin. Focus sa presensiya ng isa’t isa. “Darrius?” Napatingin naman ako sa katabi ko na mukhang kilala niya ang kasama ngayon ni Lyka Ann. Binanggit din kasi ng babae ang pangalan nito.
“Kuya? What are you doing here?” gulat na tanong naman ng lalaking nagngangalang Darrius at napalingon na sa amin si Lyka.
Napasinghap siya nang makita ako at basta na lamang niya tinulak ang lalaki, para lang makalapit sa akin. Napadaing ito, ngunit hindi naman siya natumba. Sa laki ng pangangatawan niya ay hindi siya kayang pabagsakin ng petite na babae.
“Cyrille! You’re here!” bulalas nito at dinamba ako nang mahigpit na yakap. Muntik pa kaming bumagsak, mabuti na lang ay may tao sa aking likuran.
Napahawak ito sa magkabilang balikat ko at itinulak ko naman si Lyka. Bahagya rin akong dumistansya para hindi na magdikit pa ang aming katawan.
Sa huli ay inanyayahan kami nito sa maliit niyang kitchen dito sa pharmacy niya. Mag-isa lang yata siya rito at wala na siyang empleyado.
“Gusto niyo ba ng coffee?” tanong niya. Hindi naman siya nakangiti. Ganyan naman siya palagi. Akala mo ay pati mundo ay pasan-pasan niya.
Maraming nagsasabi sa amin na boring daw kaming kasama. Palagi kasi kaming tahimik, mas preferred namin iyon, pero doon kami mismo nagkasundong dalawa. Kilala na namin ang isa’t isa, e.
“It’s almost lunch time, baby. Hindi kape ang ipainom mo sa amin.” Napalingon ako sa katabi ngayon ni Engineer Darcy.
Malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Pareho ang physical feature nila at mukhang alam ko na kung ano ang kanilang relasyon. Magkapatid sila, halatang mas bata lang ang isa.
“Shut up. Hindi naman kita kinakausap and FYI, hindi kita bisita rito. Intruder ka lang naman. Basta-bastang pumapasok kahit hindi naman invited,” malamig na sabi sa kaniya ni Lyka.
Sa paraan lang nang pagtawag nito ay may namamagitan na sa kanila. Ewan ko lang kung ano ang totoong relasyon nila. But he called her baby. Napangiwi ako sa ka-sweet-an nito. In fairness naman ay guwapo ang isang ito. Magaganda nga talaga ang kanilang lahi.
“Miss, I’m your boyfriend,” giit ng lalaki at napaismid pa ito. “Mag-order na lang tayo ng pagkain. Ikaw ba, kuya? Hindi ka pa aalis?” baling nito sa nakatatanda niyang kapatid. Oo nga, wala yatang balak umalis ang isang ito.
Nang hindi sumagot ay tumingin sa akin ang boyfriend ng kaibigan ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay at binalingan ko nang tingin si Engineer Darcy.
“Puwede na kayong umalis kung gusto mo. Ayos na ako rito, kung concern ka pa rin na baka uuwi ako ngayon ay bukas na ako uuwi. Dito na lang ako mag-stay sa kaibigan ko.” anas ko.
“Stay with your friend? Hindi safe ang place na ito para sa inyong dalawa. Last time I checked ay muntik nang pasukin ng mga magnanakaw ang building,” sabat ni Darrius at si Lyka naman ang tiningnan ko.
“May sarili kang condo, right? Bakit dito ka natutulog sa building mo?” malamig na tanong ko sa kaniya. Parang kapatid na rin ang turingan naming dalawa. Normal na sa amin ang minsan na ganitong sitwasyon. Napasapo siya sa noo niya at bumuntong-hininga. Naging malikot na rin ang kaniyang mga mata. “May nangyari ba na hindi mo sinasabi sa akin, ha Lyka?”
“Ha? Wala naman! At huwag kang magpapaniwala sa isang iyan,” aniya.
“Binenta na niya ang condo niya to pay the damage. Last time na may bumili ng mga gamot niya ay naospital lahat. I wanted to help her, pero tinataboy niya lang ako. She’s stubborn,” Darrius uttered.
Puro kamalasan naman yata itong nangyayari sa kaniya at ’saktong nandito pa ako. Kung wala ako rito ay hindi ko malalaman ang nangyayari sa kaniya.
“Why didn’t you tell me, Lyka? Nag-aalala pa naman sa ’yo si papa. Tapos may kinakaharap ka na palang financial crash? Ano ba talaga ang totoong nangyari?” Nag-iwas na naman siya nang tingin at walang balak na sabihin sa ’kin. Napatiim bagang ako.
Iyong Darrius na lang ang hinarap ko, matino kasi siyang kausap kaysa sa babaeng nasa tabi ko ngayon. Ang sarap kurutin sa singit.
“It’s a long story. But to make it short ay may nagsabotahe sa negosyo niya. I already bought a property na puwede niyang simulan ulit, but she rejected it,” salubong ang kilay na pagpapaliwanag nito. Nagsabotahe? May kinalaman kaya ang bagong pharmaceutical company na nasa kabilang street lang?
Japaisip naman ako sa sinabi niya. I understand the reason. Hindi iyon gagawin ni Lyka.
“Because may sentimental value ang building na ito. Ito ang unang negosyong naipatayo niya gamit ang perang pinaghirapan niya. Hindi ito madaling palitan, kahit sabihin natin na puwedeng magsimula uli. Ito ang kauna-unahang gusali na naipatayo niya,” mahabang saad ko. Doon lang siya natigilan, na tila nahulog sa malalim na pag-iisip.
“Cyrille, ang mabuti pa ay sa labas na lang tayo kakain.” Hinila ako patayo ni Lyka at wala naman akong choice kundi ang sumunod sa kaniya. “Engineer Darcy, right? The second grandson of Brilliantes clan?”
Kilala pala ng babaeng ito ang kapatid ng boyfriend niya, but it seems never pa silang nagkita.
“Yes, I am.” I looked away nang mapatingin siya sa direksyon ko.
“You’ll better leave para maisara ko na ang pharmacy ko.” Napatingin ako sa mga gamot na marami pang naka-display.
Kahit pinagtatabuyan na sila ay sumunod pa rin sila sa amin. Naglakad-lakad lang kami, naghahanap ng malapit na restaurant at hindi naman kami nabigo. Hinatak na naman niya ako sa loob ng fast food restaurant at siyempre nagmumukhang bodyguard ang magkapatid.
“Take a vacant table, kami na ang mag-o-order ng pagkain.” Nakailang beses na yata akong kumunot ang noo ko sa lalaking ito.
“Why?” sa halip ay tanong ko sa kaniya. “Magkaniya-kaniya na lang tayong kumain. Kasama ko naman ang best friend ko at ikaw ay ang kapatid mo naman. May pera naman kami—”
“Just thanks me later, Miss,” sabat niya kahit hindi pa ako tapos magsalita.
“Pambihira,” iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Naiintindihan ko pa ang kapatid niya kung sasama ito sa amin, pero siya?
“Bakit magkasama kayo ng kuya ni Darrius, Cyrille? May namamagitan ba sa inyong dalawa?”
“Ang alam ko ay mayroon na siyang girlfriend. Kailan ka naman nagkaroon ng boyfriend?” I asked her. She was about to ignore my question nang pinanliitan ko siya ng mata. Sinulyapan niya ang dalawang lalaki na nasa counter na.
“Napikot lang ako,” sabi niya na sinabayan pa nang pagtawa. Nakahanap kami ng vacant table at pareho kaming umupo roon.
“Ano naman ang ibig mong sabihin doon?” nagtatakang tanong ko.
“Ah basta hindi kami dumaan sa ligaw-ligaw na ’yan. Huwag na nga nating pag-usapan ang lalaking iyon. Nababanas lang ako sa kaniya,” napapairap na saad niya. Nagsalin siya ng tubig sa baso at saka uminom.
Mukha namang mabait ang boyfriend niya at wala akong nakikita na pinaglalaruan lang siya nito. Base pa nga lang sa nakikita kong pagmamalasakit nito sa kaniya ay parang mahal naman siya nito.
“I’m just curious, Lyka.”
“Ikaw ang sumagot sa tanong ko, Cyrille.”
“Galing kami sa bahay. Kilala siya ni papa, kaibigan din ng lolo niya,” paliwanag ko at gumaya rin ako sa pagsalin ng tubig. Tamang-tama na kanina pa ako nauuhaw.
“So, na-meet mo na pala si Don Brill?” Napahinto ako sa pag-inom at gamit ang likod ng palad ko ay pinunasan ko ang bibig ko.
“Kilala mo rin siya?” balik na tanong ko.
“Yes. Mas nauna kong nakilala ang lolo ni Darrius. Dito rin sa pharmaceutical company ko,” sagot niya. “Mabait si Don Brill, right? Mahilig lang siyang magreto sa mga apo niya,” dagdag na sabi niya na sinabayan pa nang pag-iling.
“Yes, siya yata ang nagpahiram ng pera kay papa para ma-fully paid ang car rental ko,” sabi ko naman.
“Magsisimula ka na pala sa bago mong negosyo? Saan naman ’yan? Gusto mo ba na tumira tayo sa iisang apartment?” suhestiyon niya at napaisip naman ako.
“Sa condo. You don’t need to pay the rent every month,” sabat ng boyfriend niya na kababalik lang at may dala ng isang malaking tray.
Lumipat ang tingin ko sa kapatid niya na pandalawang tao rin ang pagkain sa tray. Akala ko ay sila lang ang may dalang pagkain, may humabol pang waiter at marami silang in-order na pagkain.
“Kumain ka na, thanks sa paghatid dito sa akin,” aniya at napatingin sa amin si Darrius.
“Is she your girlfriend, kuya?” he asked his brother.
“No,” tipid na sagot lang nito.
“Anyway, I’m Engineer Darrius O. Brilliantes. Lyka’s boyfriend. You’re Cyrille Mae, right Miss? Minsan ka na niyang naikuwento sa akin.”
“Ganoon? Tawagin mo na lang akong Cyrille,” aniko at kinuha ko na ang share ko. Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa.
Nagsimula na rin akong kumain. Kahit ano talaga ang nakahain sa mesa ay hindi ako nag-iinarte sa pagkain.
Wala kaming imikan habang kumakain. Ang weird lang kasi parang sanay na sanay kami na magkasamang apat. Walang awkward moment.
Hanggang sa natapos kami ay ang tahimik pa rin namin. Until I broke the silence.
“Hindi mo pa ba pupuntahan ang girlfriend mo, Engineer?” tanong ko naman sa kaniya.
Napahinto na naman ang nakababata niyang kapatid at tumingin ito sa kaniya.
“May girlfriend ka na pala, kuya? Bakit hindi ko alam? O alam ba iyan ni grandpa?” sunod-sunod na tanong nito.
Hinintay ko rin na sumagot ang inhinyero na ito, ngunit wala na siyang naitugon pa.
Hanggang sa paglabas namin ay saka ko lang napansin ang ilang beses niyang pagtingin sa relo niyang pambisig. Nakasuksok naman ang dalawang kamay ko sa bulsa ng aking cargo pants.
“Darrius, sasabay na ako sa ’yo,” he said to his younger brother. But Darrius looked at his girlfriend.
“Babalikan kita, miss,” paalam nito at humalik pa sa pisngi ni Lyka. “See you later, Cyrille.” Akala ko ay hindi na ito magpapaalam sa akin. May pahabol pa pala siya.
Hinarap ako ni Engineer Darcy at tinitigan ang mga mata ko nang diretso. Ewan ko kung bakit may kakaiba sa tingin niya. “Can I have your contact number, miss?” Nagulat naman ako.
Ano ang gagawin niya sa cell phone number ko? Kailangan pa bang ibigay iyon sa kaniya?
Kinapa-kapa ko ang bulsa ng pants ko. Nagbabakasakaling nadala ko ang aking cell phone. Napanguso ako at umiling sa kaniya.
“Nakalimutan ko sa bahay,” sabi ko at napahilot siya sa sentido niya.
Napahalakhak naman ang best friend ko. “No doubt. Hindi mahilig magdala ng phone si Cyrille, engineer. Ganyan talaga siya. Malamang ay makalilimutan niya,” she said.
Inaamin ko na totoo iyon. Mas may importansya pa yata ang aking motor kaysa sa cell phone ko. Ewan ko ba sa sarili ko.
“Kailangan ay palagi mong dala-dala iyon. Especially kung nasa labas ka,” pangangaral niya. I shrugged my shoulders.
“Next time,” sabi ko lang na ikinailing niya.
“I call you instead, Miss,” sabi nito kay Lyka.
“Lyka, just call me Lyka. Pambihira kayong magkapatid. May sarili naman kaming pangalan, pero masyado kayong pormal.”
“Miss, sagutin mo ang tawag ko mamaya.”
“Isa ka pa.” Napairap na lang ang huli.
Bago sila sumakay sa puting sasakyan ay ilang sandali pa nila kaming tinitigan. Lyka shook her head at ilang beses niyang sinenyasan ang kaniyang nobyo.
Muli kaming pumasok sa building niya. “Wala ka na bang empleyado rito, Lyka?” curious na tanong ko at isa-isa kong sinuri ang mga gamot. Wala pang expiration ang mga ito. “Tinanggal mo ba sila kasi palugi na itong company mo?”
“Small business lang ito, Cyrille. At hindi ko tinanggal ang mga tauhan ko. Lumipat sila sa kabila,” paliwanag niya at itinuro ang nasa labas. Dahil salamin naman ang pader ay makikita ang building sa labas. Napatango ako.
“Ano ba talaga ang nangyari? Baka may maitulong ako sa ’yo.” Umupo ako sa sofa at napahalukipkip ako.
“Kilala ko naman talaga ang may-ari ng bagong pharmaceutical company na ’yan,” mariin na saad niya at saka siya tumingin sa akin, ngunit nakangisi na siya. “Kilala mo rin siya, Cyrille. Alam mo naman na bago ko siya i-reject ay mas nauna mo siyang ni-reject.” Malakas na natawa pa siya.
“Ano ba ’yang pinagsasabi mo?” nagugulumihan na tanong ko sa kaniya.
“Kapag nakita niyang nandito ka, lagot ka!” natatawang sigaw niya. I rolled my eyes and stood up.
“Uuwi na nga lang ako. Magkita na lang tayo next time.”
“Wait. Kaya rin ayaw ni Darrius na matulog ako rito, dahil alam niya na umaaligid-ligid ang taong iyon dito. Ang tinutukoy niyang magmananakaw ay iyong nagpapatakbo ng company kabilang street na ito.”
“Sino ba ’yan? Alam mo naman na hindi ako mahilig mag-memorize ng mga pangalan ng ibang tao,” nakaismid na sabi ko.
Bago pa lang siya makapagsalita ay bumukas na ang pinto ng pharmacy niya at muntik na akong mawalan nang balanse nang makita ko ang taong tinutukoy niya.
“Sabi ko na nga ba hindi ako nagkakamali sa nakita ko. Nandito ka nga, Cyrille!”
“Joseph?!” sambit ko sa pangalan nito.
Nang humakbang ito palapit sa akin ay naglakad ako sa kabila. “Hindi tayo close, Joseph. Huwag mo akong lapitan,” babala ko at pinukulan ko pa siya nang masamang tingin. Natakot naman siya at itinaas na niya ang magkabilang kamay niya, senyales na sumusuko na siya.
“Grabe, wala ka pa ring pinagbago, Cyrille. Kasing ganda mo pa rin si Lyka,” nakangising sabi niya. Umikot lang uli ang mata ko.
Muling bumukas ang pinto at ngayon ay literal na nagulat na ako. Bumalik ang magkapatid na Brilliantes!