Chapter 8: Overprotective
TULOY-TULOY ang paglalakad ng boyfriend ni Lyka, tinatapunan niya nang masamang tingin si Joseph. Kung nakamamatay lang ang ganyang klaseng titig ay baka kanina pa ito nakabulagta. Nakatatakot, ha.
“What the hell are you doing here, Darrius? Hindi ba umalis na kayong magkapatid kanina?” nagtatakang tanong ng best friend ko. Napataas ang kilay ko nang makita ko na pumulupot ang isa nitong braso sa baywang niya. Hindi pa ito nahusto, dahil hinapit pa siya palapit sa katawan nito.
Kaloka naman ang isang ito, ah. Kailangan talagang maging clingy siya?
Parang normal na rin ito para kay Lyka, hindi man lang kasi siya nag-react sa ginawa nito. Sanay-sanay na ang gaga.
“What are you doing here? Isn’t it enough that you built your pharmaceutical company and ruined the reputation of my girlfriend’s pharmacy? Pati ang staffs niya ay binili mo na rin,” malamig na sabi nito. Sa sobrang lamig ng kaniyang boses ay parang tumitindig ang balahibo ko.
Kaya naman pala iyong may-ari na lang ang natira dito, dahil nasa kabilang kompanya na ang mga empleyado niya. Kakaiba naman talaga ang Joseph na ito. Ano ba ang kailangan nito sa aking best friend?
“Stop it, Darrius,” pigil ng kaibigan ko.
“I just want Lyka to work for my company,” presyong sabi lang ni Joseph. Ang walang hiya ay umupo pa talaga siya sa sofa. Ni hindi man lang siya kinabahan sa presensiya ng magkapatid na ito.
College pa lang kami ay kilala na namin siya. He court Lyka before, but rejection lang ang nakuha niya. Iba naman kasi ang type ng babaeng ito, kaya malamang mare-reject siya. After that ay lumipat na naman siya sa akin. Ayokong pumasok sa isang relasyon na alam kong wala namang kasiguraduhan.
Saka hindi ko rin naman siya gusto. I didn’t give him a chance. Focus ako sa pag-aaral noon. Ilang beses ko nang pinagtabuyan ang mga lalaking nagbabalak na ligawan ako.
Binansagan nga nila akong heartbreaker, dahil paasa raw ako at mahilig mang-reject. Una sa lahat, hindi na talaga ako nagbibigay ng chance. Ayaw rin naman ng papa ko. Masyado pa raw maaga para pumasok sa seryosong relasyon.
Kahit naman hindi maghihigpit ang aking ama ay iyon din ang gagawin ko. I don’t see myself having a boyfriend either.
“At bakit naman niya gagawin iyon? Wala kang karapatan na gustuhin na magtrabaho siya sa ’yo. Hindi pa ba sapat ang mga empleyado niya na lumipat sa kompanya mo?” matabang ang boses na tanong pa ni Darrius. Kitang-kita ko ang ugat sa kaniyang kamay, senyales na nagtitimpi lang siya.
“Possessive,” naiiling na anas ko. Halata naman na ganoon ang lalaki. Sa paraan pa lang nang paghawak niya sa nobya niya ay tila natatakot siyang agawin ito mula sa kaniya.
“Cyrille?” Bumilis ang t***k ng puso ko nang sinambit ng pamilyar na boses ang aking pangalan. Dahan-dahan na akong napalingon sa pinanggalingan niya at sumalubong sa ’kin ang malamig na mga mata ng engineer.
“Bakit kayo bumalik? Hindi ba pupuntahan mo pa ang girlfriend mo?” nagugulumihan na tanong ko.
He pinched the bridge of his nose, a sign that he seemed frustrated or something.
“My brother told me we should head back because he’s worried about what that guy might do to you and your friend. He just saw him walking this way,” paliwanag niya at napatingin ako kay Joseph. Alam ko naman may pagkaloko ang isang iyan. Ngunit hindi naman siya ang tipong lalaki na mananakit na lang ng isang babae.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. “He’s harmless. Kilala namin siya noong college pa lang kami,” I said to him. Hindi naman nawala ang pagsasalubong ng kaniyang kilay.
“Darrius also said na dating manliligaw ’yan ng girlfriend niya.”
“Worried ba siya na sumama si Lyka kay Joseph?” nakataas ang kilay na tanong ko. Umiling siya at tiningnan ang kapatid. Kasalukuyan pa ring nag-uusap ang mga ito.
“Joseph,” tawag ko sa pangalan ng lalaki. Mabilis na nilingon ako nito na may ngiti pa sa labi.
“Yes, honeybunch?” Napangiwi ako sa itinawag nito sa akin.
“Corny ka pa rin hanggang ngayon. Umalis ka na lang, bago ka pa kaladkarin ng mga lalaki rito. Saka tigil-tigilan mo si Lyka. Just focus on your company, not someone else’s business,” mariin na sabi ko. Napatango-tango siya at saka siya tumayo. Nakasuksok na ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon.
“Okay, babalik na lang ako. Hoping to see you agan, Cyrille. Alam kong nasa Tagaytay ka pa rin nakatira,” sabi nito. Umalis din naman siya pagkatapos niyang magpaalam sa amin.
“Kayo rin umalis na,” pagtataboy ni Lyka sa boyfriend niya. Napatingin naman ako sa aking relo. Gagabihin man ako pauwi, pero alam kong safe pa rin naman ako kung bibiyahe ngayon.
“Ako rin aalis na. Magkita na lang tayo next time, Lyka,” paalam ko. Kaso nga lang nang akma na akong aalis ay mayroong pumigil sa akin. “Ano na naman ba?” kunot-noong tanong ko kay Engineer Darcy.
“You can stay here for a night. I know a place where you can sleep,” he uttered.
“Seryoso ka ba riyan, engineer? Bakit ba parang concern ka sa ’kin? Ano naman ang pakialam mo kung uuwi pa rin ako sa amin?” naguguluhan na tanong ko. Parang nakaiirita lang kasi, tapos hindi normal ang heartbeat ko kapag ganyan siya lagi.
Huwag niya sanang kalimutan na mayroon na siyang girlfriend. Ngunit heto siya, mas nag-aalala sa ibang babae na hindi naman niya kaano-ano.
Take note, noong isang araw lang naman kaming nagkakilala at hindi gaano ka-close. Or maybe, ganito siya dahil concern citizen lang siya?
“Pinagkatiwalaan ako ng papa mo, miss. Ikaw ang pinili niyang maghatid dito sa akin, kaya dapat lang na mag-alala ako kapag umuwi ka ngayon, tatapos gagabihin sa biyahe. Habang nasa Manila ka ay responsibilidad kita.” Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay huminto ang pag-ikot ng mundo. Ang lakas-lakas nang kabog sa aking dibdib. Tila may tension sa pagitan namin.
Nakipagtitigan din ako sa kaniya, na maging siya ay ayaw nang ihiwalay ang tingin sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako at mariin na napapikit. “24 years old na ako. Hindi na ako bata, ipaalala ko lang sa ’yo. Kaya ko ang sarili ko. Salamat sa concern,” aniko.
Hindi siya nagpatinag at nakatayo lang siya habang tahimik na pinagmamasdan ako. I took a deep breath again.
Napansin kong nakatingin na rin sa amin ang dalawa naming kasama. Si Lyka Ann ay parang ngumingisi na. Na parang may ginawa akong kalokohan at nagugustuhan niya ang ideyang iyon.
SUMAMA na lang kami ni Lyka sa kanila. Dinala kami nito sa condo ng boyfriend niya at nalaman kong nandito rin ang unit ni Engineer Darcy.
Prenteng nakaupo lang ako sa itim na leather sofa at nakasandal sa headrest nito. Ang mga kamay ko ay nasa bulsa ng aking jacket. Ang kaibigan ko naman ay nasa tapat ng salamin na pader. Kitang-kita mula rito ang magandang view. Pagsabi na rin kaya makikita na ang liwanag sa city.
Iyong si Darrius ay nasa kusina. Magluluto raw siya ng dinner namin. Tapos ang kuya niya ay nasa kabilang unit lang. Maliligo raw tapos babalik siya rito. Hindi naman dito matutulog ang may-ari.
Kaming dalawa ni Lyka ang maiiwan sa place na ito. Hindi naman namilit ang lalaki at nakikita ko talaga na nasa dugo na nila ang pagkamaginoo nila sa isang babae.
Pinasadahan ko pa nang tingin ang paligid ko. His condo was clean, with only the front having glass and the rest having gray curtains. The other walls were adorned with expensive artwork, and the furniture was designer-label.
Huminto naman ang mga mata ko sa isang sulok kung saan makikita na nakalagay roon ang instrumento na paborito kong pinapatugtog.
Tumayo ako kaya napansin naman ako ni Lyka. Wala naman siyang sinabi at nagtuloy-tuloy lang ako. Hindi nga ako nagkamali na isang harp ang nakapatong sa table na ito. Ewan ko kung display lang ba ito o madalas gamitin. Bagong-bagong din ito.
Inilabas ko ang isa kong kamay upang abutin ang instrumentong iyon. Napangiti ako nang sumagi ang string nito sa daliri ko.
“That’s one of your favorite instrument, right Cyrille?” Tumango ako.
“Iyong instrumento na hindi ko afford bilhin,” sagot ko naman at kahit ang titigan ko lang ito ay kontento na ako. Napakaganda talaga niya.
“Try mong ipagtugtog ’yan.” Lumapit na rin siya sa akin. Nag-aalangan ako, kasi nakahihiya naman kung pakikialaman ko ang gamit ng ibang tao. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin, ’di ba?
“Ayos lang. Makita ko lang ito ay okay na ako. Mukha itong expensive, baka masira ko. Wala pa naman akong pambayad,” umiiling na usal ko sa kaniya. “Sana pala ay dala ko ang cell phone ko.” Napanguso ako, naiwan ko kasi sa bahay, e.
“Kay kuya ’yan.” Napatingin kami sa lalaking sumulpot na lang bigla.
Naka-white longsleeve na lamang siya ngayon, iyong sleeves ay naka-roll sa siko niya. Okay, guwapo nga ang boyfriend ni Lyka. Malaki pa naman ang hawig nito sa kuya.
“Kung sa kuya mo ang harp na ito ay bakit nandito ito sa condo mo?” tanong ng kaibigan ko. Iyan din sana ang itatanong ko.
“Sa kaniya rin talaga ang condo na ito. Nakipagpalit lang siya, dahil madalas siyang hanapin ng dati niyang kliyente,” sagot nito at ako naman ay nagtataka kung bakit kailangan pa nitong makipagpalit. Iyon lang ang dahilan nito? Saka bakit naman niya pagtataguan ang mga naging kliyente niya?
“Eh, ’di ikaw ang hahanapin nila?” back-up na tanong niya rito.
“Bakit nila ako hahanapin eh si kuya ang pakay nila, Lyka?” Lumapit ito sa kaniya at inakbayan siya. Tumingin din siya sa direksyon ko. “Kain na tayo, miss. Luto na ang dinner natin. Susunod din iyan si kuya.”
“Hindi ko rin naman siya hinahanap,” sabat ko at nagkibit-balikat pa. Humiwalay sa kaniya ang girlfriend niya at humakbang ito palapit sa akin.
’Saktong pag-upo namin ay dumating na ang kapatid nito. Casual na lamang ang ayos niya ngayon, itim na v-neck shirt at jogger pants naman pababa. Halatang basa pa ang buhok niya.
Nagtama naman ang aming mata. Mabilis akong nag-iwas nang tingin at sumunod na ako sa magkasintahan.