CHAPTER 9

2347 Words
Chapter 9: Engagement ISANG putahe lang ang niluto ng inhenyero, pero sa amoy pa lang ng adobong manok ay parang masarap na ito. In fairness, I did notice that the table setting is really nice. The way the plates and glasses are arranged is very tidy and well-organized. Parang isa siyang professional na chef. Or maybe ganito lang talaga siya na maghain ng mga niluto niya sa mesa? Kailangan ay palaging maayos. Kung sabagay ay plus one points ito sa girlfriend niya. Gusto rin kasi ni Lyka na maayos ang mga gamit na nakikita niya. “I preferred a champagne. Gusto mo ba, kuya?” tanong ni Engineer Darrius sa kapatid niya, na kauupo lang nito sa kaniyang tabi. Masyadong seryoso ang isang ito. Bihira mo lang siya makitaan ng emosyon. Sa tingin ko nga ay mahirap siyang pasayahin. “Yes,” tipid na sagot lang nito. Nagsalin agad siya ng champagne sa wine glass saka niya inilapit sa plate nito. Mabilis namang kinuha ng isa at sumimsim siya rito. Mahilig sila sa alcohol, halatang-halata iyon. Tumingin siya sa amin at ngumiti. “Gusto niyo rin ba nito?” he asked. “Hindi mo na kami dapat tinatanong niyan, engineer.” Si Lyka naman ang nagsalita. Alam kong bihira lang din naman uminom ang babaeng ito. Gumagawa at nag-iimbento siya ng mga gamot. Alam niya na hindi healthy uminom ng kahit ano’ng klaseng alak. “How about you, miss?” tanong naman nito sa akin. He’s so gentle. “Sige pero kaunti lang. Hindi rin ako mahilig sa mga wine, e,” umiiling na sabi ko. Gusto ko man na tumanggi ay baka magiging unfair ako sa kanila. Umiinom sila ng wine, tapos ako ay tubig lang. Mayroon din na isang pitcher ng orange juice sa mesa. “Healthy iyang si Cyrille, hon. Kahit soft drink ay hindi ’yan umiinom. Madalas ay tubig lang,” sabat ng best friend ko. She knows na dahil din iyon sa mama ko. “Minsan lang naman, Lyka. Hindi rin naman nito malalaman ni mama. So, ayos lang,” sabi ko at nagkibit-balikat pa. Nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin ay sinalubong ko ang malamig niyang mga mata. “Hindi pa ba tayo kakain?” Hindi na ako nahiya pang magtanong. Nang makita ko ang kakainin namin ay parang natakam na agad ako. Nanunubig na nga ang bagang ko, saka kanina pa talaga ako nagtitiis na huwag na munang tikma ang adobo. Narinig ko naman ang halakhak ni Lyka. “Of course puwede na. Sige na, Cyrille, kumain na tayo,” she said. “Thanks God,” anas ko. “Nagutom ka yata sa biyahe niyo.” Nagsandok ako ng kanin sa platito ko. Pasulyap-sulyap sa akin si Engineer Darcy, ramdam ko naman iyon, e. Nang sumubo na ako ay nalasahan ko agad ang sarap ng adobo. Malambot ang manok, ’sakto lang ang tamis nito. “You’re good in cooking,” I commented. Si Lyka lang ang nagmukhang proud sa compliment ko sa boyfriend niya. Ngumiti lang kasi ito, na parang sanay na sanay na siyang makarinig nang ganoong klaseng komento. “Yes, nasa family na nila ang magaling magluto, Cyrille,” she said. I just nodded at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. “Can I ask you something if you don’t mind, Engineer Darcy?” Saglit ko lang tiningnan si Lyka. “Yes, I won’t mind,” sagot nito sa kaniya. “Bakit pala nakipagpalit ka sa kapatid mo ng condo? Sa ’yo raw ito?” “Ah, that. I bet sinabi na niya ang totoong dahilan,” kaswal na sagot niya lamang. “But I’m still curious. Bakit ka pa hinahabol ng mga dati mong kliyente? Siguro puro babae ang mga iyon?” “Or maybe, takot siya sa girlfriend niya kaya umiiwas siya?” sabat ko naman. Dahilan na magsalubong ang makapal niyang kilay. This time, his younger brother chuckled. Ewan ko kung pinagtatawanan ba niya ang kuya or something. “Do you know that na bawal sa amin ang makipagrelasyon sa isang babae na hindi pa nakilala ng grandpa namin?” Nagtaka naman ako sa sinabi niya at sa nalaman ko ngayon. Ibig sabihin ay pinapangunahan sila ng lolo niya when it comes sa babaeng nagiging girlfriend nila? “Why is that?” I asked him. “Well, uso sa amin ang arrange marriage, miss.” Arrange marriage, that’s complicated. Pressure iyon para sa kanila, higit na ang hindi mo kilala ang mapapangasawa mo. Ayos lang sana kung may getting to know each other muna, pero sa tingin ko ay iyon ang hindi uso sa kanila. “It sucks,” his girlfriend commented. Alam kaya ng isang ito para pumayag siya na maging boyfriend niya si Darrius? “So, bakit naging kayo kung iyon lang din pala ang magiging kapalaran niyo?” curious na tanong ko. “May blessings na, e,” she replied. Hindi na lamang ako nagsalita pa. Tahimik din talaga ang kasama namin ngayon. “Ang tahimik mo naman, Engineer Darcy. Hindi niyan magwo-work ang relationship niyo ng best friend ko kapag ganyan kayo.” Napahawak ako sa aking dibdib nang bumara sa lalamunan ko ang kinakain kong adobong manok. May naglagay naman ng basong tubig sa tabi ng aking plato at walang pagdadalawang isip na kinuha ko iyon upang uminom. I glared at her. “Lyka. Mukha ba kaming may relasyon?” I asked her nang mahimasmasan na ako. “Oh, don’t tell me hindi?” Napasapo na lamang ako sa batok ko at napailing. Nakikita naman niya na hindi kami masyadong nag-uusap. Sa huli ay silang dalawa na lamang ang nag-uusap. Kanina mukha man silang nag-aaway ay alam kong mahal nila ang isa’t isa. Napapangiti nito ang kaibigan ko sa simpleng bagay lang. Ganoon daw kapag mahal mo ang isang tao, kahit corny na ang mga moves nito ay talagang mahuhulog ka pa rin. Masaya na rin ako for her, nakahanap siya ng isang lalaking mamahalin siya at aalagaan. *** “I can wash the dishes, hon. Mauna ka nang magpahinga. Kami na ni Cyrille ang bahala rito,” ani Lyka sa kaniyang boyfriend. Tumingin pa ito sa amin. I just thought na hahayaan niya kami ng girlfriend niya, ngunit hindi nangyari. “I can wash the dishes too, baby. Magpahinga na lang kayo. Ikaw na lang din ang bahala sa kaibigan mo,” sabi nito. “Ikaw rin, kuya. Mauna ka na.” “You sure, Darrius?” paniguradong tanong pa niya. “Yes.” Sa mabilis na sagot nito ay hinila na ako ni Lyka palabas. Tiningnan ko pa ang lalaking most behave yata noong bata pa siya. Kahit ngayon nga ay parang gusto ko rin siyang bigyan ng awards. Napansin niya ang pagtingin ko sa kaniyang direksyon, kaya bago pa man niya ako susulyapan ay nag-iwas na lang ako nang tingin. “Sa banyo tayo. Before that, maghahanap na muna tayo ng extra toothbrush. Good thing na hindi nakalimutan ng lalaking iyon ang maleta ko. Mapapahiram kita ng damit, Cyrille.” “Basta huwag iyong sexy na damit mo. Dahil malilintikan talaga kita, Lyka,” inis na saad ko. Last time na pinahiram niya ako ay talagang maging ang singit ko ay kitang-kita. Tapos halos lumuwa na rin ang magkabilang dibdib ko. Wala naman akong choice na suotin iyon. “Let see,” nakangising sambit niya lang. Kaya napapailing na lamang ako. Nakahanap din kami ng unused na toothbrush. Nakaligo rin ako, may mga toiletries siyang dala. Mas nauna lang akong natapos, kasi pinauna na niya ako. Salamat na lang at may tee shirt niya, tapos lagpas tuhod ko ang white shorts niya. Hindi kami same size ng damit, pero kung sa height namin ay pareho lang. Ayoko sanang sabihin nito, pero mas malaki talaga ang dibdib ko. Kung minsan talaga ay kinaiinisan ko iyon. Masyadong agaw pansin. Dalawa pala ang kuwarto sa unit na ito. Sinabihan na niya ako sa kabilang kuwarto na lang daw ako. Pero nang makapasok ako roon ay parang gusto kong lumabas na lang ulit. I was about to leave na sana, pero pumasok naman ang totoong may-ari ng silid na ito. Nagkagulatan pa kaming dalawa. Hindi inaasahan na magkikita pa kami rito na kaming dalawa lang. “Uhm, sa kabila na lang ako matutulog,” nahihiyang sabi ko. Nandito ang mga gamit niya, kahit na nasa kabilang condo pa siya. Hindi naman yata tamang matulog ako rito sa kaniyang kuwarto. “It’s okay. Sorry kung pumasok agad ako rito. Akala ko kasi ay nasa kabila pa. Anyway, tinawagan ko na kanina ang papa mo, na hindi ka makauuwi ngayon.” “You did?” I asked him, he gently nodded. “Wala kang cell phone at naiintindihan naman iyon ng papa mo. He told me na next time daw ay huwag mo nang kalimutan ang phone mo,” paalala pa niya. “Okay.” “Anyway, sasama pa rin ako sa ’yo bukas. Sisimulan na ang renovation as soon as possible.” “Okay,” tipid na sagot ko lang at umupo ako sa gilid ng kama. “Take a rest, miss. Lalabas na ako,” paalam nito. Ang weird lang, iyong presensiya ay sobrang bigat. Ngunit ngayon ay hindi ako nakaramdam nang pagkailang even though kami lang ang nasa kuwarto niya. “Good night,” mahinang sambit ko. Napansin ko na bigla siyang natigilan, subalit humiga na ako sa kama at itinaas ko hanggang sa bibig ko ang makapal na kumot. Bakit ganoon? Parang hindi abandona itong kuwarto niya. Na tila ba may natutulog pa rito. Amoy na amoy ko kasi ang perfume niya. Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit at bahagya lang ako sumilip. Binuksan niya lang ang lampshade at nang makarating siya sa pinto ay isinara niya rin iyon. Komportable ang higaan ko, kung kaya’t nakatulog din naman agad ako. Nagising lang ako kinabukasan, dahil sa alarm clock. Pupungas-pungas na bumangon ako at napatingin na ako sa nag-iingay. “Pambihira, palagi bang naka-set itong alarm clock niya? For God’s sake, 6 a.m pa lang,” inaantok na sabi ko at muli akong humiga sa malaking kama. Maaga rin naman akong nagigising. But at this moment ay gusto ko ulit matulog. Marahil ay dahil lang ito sa malambot na kama at hindi masyadong malamig sa loob. Nawala na ang antok ko. Napagdesisyunan ko na lamang na bumangon, pumasok sa banyo at manghilamos. Inaasahan ko na hindi pa nagigising ang mga kasamahan ko. Pagdating ko sa sala ay binuksan ko ang TV upang manood. Hindi pa nag-iinit ang upuan ko ay nakalanghap ako ng amoy ng sinangag. Pinatay ko ulit ang TV. Naglakad ako patungo sa kusina. Kung hindi ang best friend ko ang nagluluto ng agahan namin ay marahil si Engineer Darrius. Pero ibang tao pala ang nasa kusina nila. Si Engineer Darcy mismo. Hahakbang na nasa ako patalikod upang hindi ko makuha ang atensyon niya. Ngunit huli na para umalis doon. Napalingon na siya sa gawi ko. “Come here and sit down. Ipagtitimpla kita ng kape,” sabi nito. Nang hindi naman ako kumilos mula sa kinatatayuan ko ay muli niya akong tiningnan. Wala naman na akong choice pa kundi ang sumunod sa kaniya. “Ako na lang ang magtitimpla ng kape ko,” presenta ko at itinuro naman niya ang coffee maker. “Maaga tayong aalis ngayon,” aniya. Tanging pagtango lang ang ginawa ko. Ganito ba siya madalas sa mga babae? Gentleman siya at may hospitality. Iyon din ang napapansin ko sa nakababatang kapatid niya. “I hope you don’t mind kung magtatanong ako tungkol sa ’yo,” sabi pa niya. “I wonder. Bakit mo ako tatanungin tungkol sa personal kong buhay, engineer?” kaswal na tanong ko. “Nalaman ko kasi ang plano ni grandpa. Kung bakit sa dami kong pinsan ay ako ang pinadala niya sa Tagaytay, and I learned from my dad na pinaplano na rin nila ang engagement ko.” I frowned and mas lalo akong naguluhan. “Ano naman ang connect ko roon?” naguguluhan kong tanong. “Miss, you didn’t get it right?” I looked at him. Halata naman sa mukha ko ang kuryusidad. “Enlighten me,” aniko. “Grandpa planned our engagement party in the next three months.” Natigilan ako sa narinig kong sinabi niya. “Ano’ng engagement party natin ang pinagsasabi mo?” Bumuntong-hininga siya at pinatay na muna niya ang stove saka niya ibinigay ang buo niyang atensyon sa akin. “We’re getting engage, kahit hindi man natin gugustuhin ay wala tayong magagawa.” Mariin na napakagat ako sa labi ko. Grabe namang rebelasyon ito. “Paano naman ako napasali riyan sa problema niyong magpamilya?” “May hint na ako noong una, kung bakit dumalaw sa inyo si grandpa ay dahil gusto ka niyang makita in person.” “But why me? At bakit parang pumapayag ka? Akala ko ba ay may girlfriend ka?” “Matagal na akong nakipaghiwalay sa ex-girlfriend ko. Believe me or not, nagkamali ka rin sa narinig mo, and never akong tumatanggi sa kagustuhan ng lolo namin. Sa kaniya kami sumusunod. Besides, I won’t mind kung ikaw ang napili niya.” “Ano?! So, wala kang gagawin? Ganoon lang? Oo agad? Wait, alam ba ito ni papa?” Mas lalo akong naguguluhan sa nangyayari. Paano namang nangyari ang lahat ng iyon? Napatingin ako sa island counter niya. Nandoon ang phone niya, kaya ’di ko na natapos ang pagtitimpla ko ng kape. “Pahiram ng phone mo.” Umupo ako sa highchair at hinintay ko ang pagpayag niya. Siya na rin mismo ang nagbigay no’n sa ’kin. Walang security lock ang phone niya kaya mabilis ko lang nabuksan iyon. Nag-dial na lang ako sa halip na hanapin ang pangalan ng papa ko sa phonebook niya. Pamilyar na rin naman kasi ako sa contact number ng aking ama. Itinuloy niya ang pagtitimpla ng kape. Hinintay ko naman na sumagot si papa sa kabilang linya. Pero napansin ko na pinagmamasdan ko na pala ang kasama kong engineer ngayon. Dàmn it. Mukhang hindi siya tutol sa kahibangan ng pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD